BB-1

289 20 0
                                    

Nagpumiglas ako nang muli nila akong ipasok sa kwarto. I screamed and cried because of the pain I am feeling inside. Hindi maalis sa utak ko ang mukha ni Ferdinand nang iwan namin siya. He was coughing blood. He feels so helpless.

Sobrang sakit makita siya sa ganoong sitwasyon. Bakit? Bakit nila nagawa yun sa lalaki? Wala naman siyang ginawang masama. He's been good to me.

“Kuya Prian...” lumuhod ako sa harap ng pinsan ko. “Please, si Ferdinand...kelangan ko siyang balikan. Kailangan niya ng tulong ko.” my voice cracked. Wala akong pakialam ngayon sa mukha ko.

“Mowi, tumayo ka.” he tried to make me stand pero umiling ako.

“Ayoko. Pakiusap Prian...” I begged. Alam kong maiintindihan niya ako. Kumg may tao man na makakaintindi sa akin siya yun.

May mga brasong humila sa akin paalis sa pagkakasalampak. Hindi ko ininda ang sakit ng pagkakahawak nun.

“Stop it, Mowi! Wag nang matigas yang ulo mo! Binalaan ko na kayo, pero hindi kayo nakinig! Tingnan mo kung saan kayo dinala ng katigasan ng ulo niyo!” galit na sabi ni kuya Dominic.

Sumiklab ang galit ko sa dibdib.

“Bitawan mo ako!” lumayo ako sa kaniya at galit din siyang tiningnan. Siya ang may gawa nun. I saw it. Hawak niya yung baril. “Paano niyo nagawa yun? Paano niyo naatim na saktan yung tao? How could this family be cruel?!”

His jaw moved. Tiningnan niya ako sa seryosong mukha.

“Iisang dugo lang ang dumadaloy sa katawan natin. From the very start, you're aware of the family rules. Pero nagbulag bulagan ka dahil sa bobot na pag-ibig mo na yan kay Ferdinand!”

Mapait akong ngumiti. Unti-unti ko nang naramdaman ang hirap sa paghinga.

“A-alam niyo ba?” I looked up and saw their eyes clouded with different emotions. “Ngayon ko lang naisip. That I hate being part of this family! Ayoko sa dugong dumadaloy sa katawan ko! Ayoko sa inyong lahat!” I shouted with full of hatred.

Their eyes widened because of what I said. Hurt and dissapointment. It was all written in their eyes. But I already said it, at ayoko nang bawiin pa iyon.

“Sa ginawa niyo, pinatunayan niyo lang na tama ang sinasabi ng lahat sa pamilya natin. Si Ferdinand...” my lips quivered remembering him. Yung mga ginawa niya sa akin para mapasaya ako. “He knows that we will end up here pero ang positibo niya parin. S-siya yung taong nagpapaintindi sa akin kung bakit ganun ang sinasabi ng nila sa atin. Pinagtatanggol niya ako kahit alam niyang totoo naman ang sinasabi nila. Sinabi niya pa na h-hindi ko dapat kamuhian kung saan ako nanggaling. But you...” I gasped for air. Sinuntok ko ang dibdib ko. They started to panic. Nang dahil sa akin kaya nangyari ang gulong to. Maybe if I die right now, everything will end too. Magsasama na kami ni Ferdinand.

I stop gasping for air and my pulse started to beat fast. I close my eyes and felt the last tears that run on my cheeks. “You still hurt him.”

“No, Mowi! Tangina bilisan niyo naman!” I heard my brother shouted. Nasundan iyon ng mga nagmamadaling hakbang at pag iyak.

“Fuck!”

Ferdinand...

I wish everything will be over now. Maybe in another life, we will have a happy and peaceful life together.

🍃

I'm awake but I don't wanna open my eyes. Why did they let me live? To prolong my agony?

Nasa panaginip ko si Ferdinand, ang lungkot lungkot ng mukha niya habang nakatanaw sa malayo.

Narinig kong bumukas ang pintuan at nasundan ng kumaloskos sa isang tabi.

Beyond BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon