BB-4

53 13 0
                                    

“Huge...”

Napahinto ito sa pagkausap kay Rence nang marinig ang pagtawag ko mula sa terasa. Kakabalik lang nila mula sa kung saan tapos ngayon aalis na naman sila. Naiiwan akong mag-isa sa kubo niya. May nagpupunta lang para sa pagkain ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. Medyo nag-aalinlangan pa ako sa itatawag sa kaniya. I will be working to him so I'm confused if I should start calling him seniorito.

“Gusto ko lang magtanong kung saan ang punta niyo?” nahihiya kong tanong.

“Magtatrabaho.”

“Pwede bang sumama?” pagbabasakali ko.

Tuluyan niya na akong hinarap.

“Ayoko ng minion na nakasunod sa akin. Bakit, naiinip ka na dito?”

Tumango ako.

"Kumusta ang mga sugat mo? Magaling na ba?”

Sinilip ko ang mga natamo kong sugat. Puro gasgas lang naman ang natamo ko at ang mas malalim lang ay yung tama ko sa ulo dahil sa pagbato. I have few scratches on my feet but it's healed now. The ointment he gave was effective, I guess.

"It's healing but I can work now.”

"Wag kang mag-alala, bukas magtatrabaho ka na. Hindi na pagkainip ang irereklamo mo kundi pagod.”

Nakita kong bahagyang natawa si Rence sa sinabi nito. “Mas mabuti sigurong isama niyo na lang ho siya sa pagpunta niyo kina Ben, seniorito. Nang sa ganun ay mapamilyar niya ang lugar.”

"Heto na nga ang sinasabi ko.” medyo iritable nitong sabi." Pati pa to ata tatrabahuin ko.”

Kung mag-usap naman sila parang wala ako dito ah.

“Tsk. Sige na, iabot mo yung sinabi ko kay Paul baka makalimutan niya kasi. Saka ako na ng dadaan sa mga baka para mag-inject para hindi ka na bumalik pa.” bilin nito sa kasama.

“Sige, seniorito. Maraming salamat.” tango nito sa amo bago nag-angat ng tingin sa akin at tinanguhan ako.

I am not snob so I smiled a little. Sumampa ito sa brown na kabayo at pinatakbo iyon palayo. Pareho naming pinanood iyon ni Huge.

“Ano na? Wala ka bang planong bumaba diyan?”

"Isasama mo na ako?”

Pagod na tumango na lamang ito.  Nagmamadaling bumaba ako ng kubo niya at pumantay sa paglalakad niya. Nasa likod nag parehong kamay ko at magkasalikop. I smiled sweetly at him when he look down at me.

“Tss.”

Pansin ko ang bitbit nitong ice box na hindi ko alam ang laman. Maliit lang iyon kaya imposibleng nagpapabili siya ng ice candy.

Napabungisngis ako ng maisip iyon. That looks so weird.

“Parang tanga.” rinig kong bulong niya habang umiiling. “Nabagok ng ata ang utak mo.”

Napunta sa pagnguso ang ngisi ko.

“Oo nga pala, pwede ko bang malaman kung bakit kayo nandoon nung nakita niyo akong walang malay.”

“We were guarding the area. Malakas ang ulan noong nakaraan kaya natumba ang isang puno at natumbahan ang bakod.”

“Bakit kailangan niyong magbantay? Saka armado kayo.”

Tumaas ang kilay nito.

“I don't know why I am explaining this to you but I guess you needed to know.” bumuga ito ng hangin.

Beyond BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon