Kaniya kaniya na kaming hakot pabalik ng mga gamit ng matapos para ibalik kay Pietro. Medyo nahuhuli ako ng kaunti dahil sumisilip ako sa loob ng green house.
“Excuse me.”
Huminto ang paghakbang ko ng may humarang sa akin na babae. Unang tingin pa lang, alam ko ng hindi ito tulad ng mga trabahador na nakasama ko kanina. Nakabihis ito ng damit na katulad ng suot namin, but hers wasn't look dirty at all. At isa pa sa napansin ko ay ang mukha nito na may bahid ng palamuti. Kahit manipis, alam kong nakalipstick ito. Tingin ko din hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa. Morena nga lang ito at may tuwid at lagpas balikat na buhok.
"Ako ba?” lumingon lingon pa ako dahil baka iba ang tinatawag niya.
She rolled her eyes at me.
“Yes, ikaw.” turo niya sa akin.“Pasensya na.” humakbang ako palapit. “Bakit?”
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa bago pinagtaasan ng kilay. “Ikaw yung bago?”
“O-oo.”
Tumaas ang sulok ng labi nito.
“Halika dito.”Napatingin ako sa kasamahan ko na diretso ang paglalakad at hindi napansin ang paghinto ko.
“Magbabalik pa kasi ako nitong mga gamit.”
“Kaya nga bilisan mo.” mataray nitong sabi.
Wala akong nagawa kung hindi ay ang sumunod dito. Baguhan pa lang ako at ayoko namang sa unang araw mapagalitan o makahanap agad ng gulo.
Huminto kami sa isang sulok ng greenhouse kung saan nakaipon ang mga gamit. Basta na lang nitong pinulot ang mga iyon at nilagay sa basket ko. Napahigpit ang kapit ko sa basket.
It was twice the heaviness of what I have. Wala itong sinasabi basta na lang ito sa paglalagay ng mga gamit sa basket ko.
"Mowi?”
Lumitaw bigla si Gigi sa tabi ko at napatingin sa dala ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nadito ako.
“Ano yan? Bakit ikaw ang nagbubuhat niyan?” salubong ang kilay nitong tanong.
“Nagpatulong kasi siya sa akin na ibalik ang mga ito Gigi.” sulyap ko sa babae.
Tumaas ang kilay ni Gigi sa sinabi ko. Hinarap niya ang babae na ngayon at nakapamewang.
“Pwede bang tigilan mo kakautos, Xiana. Talagang pati baguhan, hindi mo palalagpasin ano?”
“Shut up, Gigi. Wag ka ngang pakialamera. Lahat na lang pinapakialaman mo. Hindi mo ba siya narinig? Nagpapatulong lang ako. Bawal na ba ngayon?”
Napakurap ako at nagpalipat lipat ang tingin sa dalawa.
“O, kung ganoon bakit lahat binigay mo sa kaniya? Kung magpapatulong ka dapat may dala ka rin. Hindi niyo ba napag-aaralan iyon?”
“Ano?”
“Hindi mo kami maloloko dito. Style mo bulok. Gawin mo yung trabaho mo.”
“Matagal na akong nagtitimpi sa iyo ha! Ayos ayusin mo ang mga pagsagot mo sa akin! Isusumbong na talaga kita kay Eugene!”
Who the hell is Eugene?
“Edi magsumbong ka!” hamon ni Gigi.
“Talaga! Just wait for it! Magpaalam ka na sa mga kasamahan mo kasi siguradong hindi ka na magtatagal pa dito! You disrespectful bitch!” duro ni Xiana.
Hindi ito pinansin ng katabi. Halos maglabasan na ang ugat sa leeg ng babae sa inis. Mukhang konting kalabit pa ay mawawalan na ito ng kontrol sa sarili at susugurin si Gigi.
BINABASA MO ANG
Beyond Boundaries
RomanceMowi Montalban already learned her lesson from crossing the line that her family built. She was the first one to experience the wrath of their clan. It was traumatizing. She wanted to run away hoping she'll find healing from those tragedy beyond bou...