BB-5

48 14 0
                                    

"Hoy,"

Naalimpungatan ako sa isang boses na kanina pa nagpapagising sa akin. Nasundan na naman iyon ng paggalaw ng upuan na hinihigaan ko. Naniningkit ang mga matang bumangon ako.

"Bakit?"

"Bumangon ka na diyan. Nag-aantay na sayo ang trabaho mo. Bakit bakit ka diyan. Ang aga mong matulog ang tagal mong magising."

What work?

Magtatanong pa sana ako nang maalalang wala nga pala ako sa mansyon. I groaned. I hate waking up early. Napatingin ako kay Huge na ngayon ay pinagtataasan ako ng kilay. Halatang bagong ligo ito at bagong bihis. He is ready for work at this hour.

"Ano na? Galaw galaw din! Tumatakbo ang oras, seniorita." sarkastiko nitong tawag.

Gusto kong umangal pero nahulog na lang sa pagbagsak ng balikat. I don't wanna go, my feet were sore from walking yesterday. Ni hindi siya nag-offer na sumakay kami ng kabayo. Gusto kong magreklamo pero baka mapauwi ako ng wala sa oras.

May itinapon ito na damit malapit sa akin. Nakita ko ang isang jacket doon at pang saka na mga damit.

"Magbihis ka sa kwarto saka bumaba agad. Nagtatrabaho na yung iba ikaw nakatunganga pa dito."

Kinuha nito ang sumbrero na nasa mesa at tinalikuran ako.
"Pag ikaw hindi pa lumabas ng tatlong minuto, makita mo hinahanap mo." banta nito bago tuluyang lumabas.

Nataranta ako dahil doon. Muntik pa akong madapa sa kakamadali na makapasok sa kwarto nito para makapagbihis. The room was clean and simple. Malambot ang kama at maaliwalas ang loob sa tulong ng malaking bintana.

Nakita ko ang mahabang salamin sa tabi, napangiwi ako nang makita ang ayos ko. Now, I looked like one of our farmers in our ranch. Basta ko na lang tinali ng pa bun ang buhok ko at lumabas na. Ni hindi pa ako nakahilamos at mumog. Siguro naman okay lang yung mukha ko. Hindi naman pagent yung pupuntahan.

Lumabas ako at nakita ko agad ang ilang lalaki na nagkakape sa balkonahe ng kubo ni Huge. Hindi ko alam kung bakit sila dito nagkakape, siguro dahil sa lahat ng kubo itong kay Huge ang pinakamalaki? I don't know, hindi ko pa naman nasisilip ang lugar.

"Magandang umaga." bati ko sa lalaking nakasalubong ko.

"Magandang umaga din, miss."

Hindi pamilyar sa akin ang ilan sa kanila. Hinanap ng mata ko si Paul at Rence pero si Paul lang ang nandoon katabi ni Huge. Nakatayong nagka-kape ang dalawa. Some were already familiar to me because sometimes I watch them walking outside.

"Yan na ba yung nakita niyo sa boundary?"

"Oo yan nga."

Nakatayo lang ako doon at hindi alam ang gagawin. Tingin ko nasa alas singko pa lang ng umaga. Malamig pa ang simoy ng hangin ngunit nag-uunahan na sa pag tilaok ang mga manok.

"Ah, ano... " naiilang ako sa kanilang titig. It was full of curiosity.

Bago pa man ako makalapit kay Huge ay may tinawag na itong pangalan. Mula sa isang sulok, nakita kong may sumilip na di kataasang babae. Natakpan siguro ito kanina ng mga lalaki.

"Kumusta? Magandang umaga!" masigla at maganda ang ngiti nitong bati.

"Magandang umaga din." I smiled.

Nakakahawa ang energy ng isang to. Her attitude was the same as Lorie. Ang matalik na kaibigan ni Shy.

"Gusto mo bang magkape muna bago pumunta sa taniman?"

Sinundan ko ang tinuro nito. May kape at pandesal doon sa tabi. Kaniya kaniyang kuha naman at timpla ang mga lalaki doon.

"Hindi ako nagkakape."

Beyond BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon