"Ano, pasensya na talaga."Pinaglaruan ko ang mga kamay ko at hindi makatingin ngayon kay Huge na nagbukas ng ilaw. Lumiwanag ang kabahayan dahil doon. Nahihiya ako para sa sarili ko. I am not that kind of person. Natakot lang ako. I never hurt someone before.
"Hindi na ako magtataka kung paano ka nakatakas sa nangharass sa iyo." ismid nito.
"Nagulat lang talaga ako. Hindi ka rin kasi nagsalita nung nagtanong ako."
Nasa balkonahe kami ngayon ng maliit na kubo nito. Hindi naman na nakakatakot kasi may nag-ikot kaninang mga lalaki tapos sinindihan yung mga parang bonfire na nakakalat sa paligid.
"Ngayon kasalanan ko pa. E kung baka nagsalita ako kanina tapos nagulat ka hindi lang to ang aabutin ko sayo."
Napayuko ako. Nahihiya talaga ako sa ginawa ko. He's been good to me but I just hurt him.
"Bakit ba ayaw mong umuwi?" may kinuha ito na nakaipit sa bewang at ipinatong iyon sa mesa na nasa gitna namin.
Napaatras ako ng makilala ang bagay na iyon. It was a gun. Memories of Ferdinand flash at the back of my head. Ipinikit ko ang mga mata at ipinilig ang ulo.
"O, kalma. Hindi ko to ipapaputok sa iyo." tinakpan nito iyon ng sumbrero.
"B-bakit ka may ganiyan?"
"Wag kang mag-alala hindi naman to illegal, ginagamit namin to para sa seguridad ng lahat.” anito habang minamasahe ang kanang braso. “Kung gusto mong manatili sa lugar na to kelangan mong masanay."
"Manatili? Ibig mong sabihin..." puno ng pag-asa ang mukha ko.
"Sabi mo diba wala kang titirahan?" salubong ang kilay nitong sabi.
Agad na tumango ako. "Wala nga. Kung ganun papayagan mo na akong manatili dito?"
"Kahit umayaw ako hindi ka parin naman aalis." irap nito. "Nauto mo pa nga si Paul."
Napatayo ako sa tuwa at wala sa sariling nayakap ito. Huli na para maisip ang ginawang katangahan. Naramdaman ko ang pagkaestatwa ng lalaki sa nagawa. I immediately pulled out and smile awkwardly.
I am an affectionate type of person. My bosy just move the way I used to.
"Sorry, nadala lang." I tugged my hair at the back of my ear.
Yung mukha ni Huge para itong natatae na ewan. Ilang segundo pa ay tumikhim ito at inayos ang sarili.
"Pero hindi libre yung pananatili mo dito."
The way he look at me from head to toe suddenly change. Or is it just me?
Naiyakap ko ang sarili ko. Hindi naman katawan ko ang kapalit diba?
Huge exhaled. Para bang alam nito agad ang iniisip ko.
"Wag kang mag-isip ng marumi. Ibig kong sabihin, yung libreng pananatili mo dito at yung kakainin mo, kelangan mong bayaran sa pagtatrabaho sa akin. Naintindihan mo?"
"Okay." binaba ko na ang braso ko.
I am all ears to what he is going to say.
"Dadalhin kita bukas sa taniman. Ayoko ng maarte dito. Naiintindihan mo?"
Hindi naman ako maarte, it's just I am not use to do things that aren't familiar with me because my family didn't let me before. Matagal ko nang gustong magtrabaho ng walang tulong o pagbabawal ng pinsan o kapatid ko. I guess I can do it now?
"H-hindi naman ako magbubuhat ng sako-sakong palay diba?"
Because that's what I saw in our farm when my brother Raphael bought me once to watch the rice harvest. I saw some women doing it. They done it like it's an easy job but I know it's hard and took them years.
BINABASA MO ANG
Beyond Boundaries
Любовные романыMowi Montalban already learned her lesson from crossing the line that her family built. She was the first one to experience the wrath of their clan. It was traumatizing. She wanted to run away hoping she'll find healing from those tragedy beyond bou...