CHAPTER 5

1.3K 54 23
                                    

Nahulog ang cellphone na hawak ni Claudia dahil siya ay nabigla sa ibinalita ng isang nars. Para siyang aatakihin sa puso, namuo ang luha sa kaniyang mata at nag-umpisa siyang umiyak.

Matapos niyang ma-rape, mabuntis ngayon naman namatay ang kaniyang ama. Ang nag-iisa niyang pamilya ay nawala na.

Pinulot ni Claudia ang kaniyang cellphone at kinausap ang nars. Nangangatog ang kaniyang kamay gayundin ang boses niya.

"Sige, papunta na ako."

Hindi na nag-ayos si Claudia ng sarili at mabilis siyang pumunta sa ospital. Nang makarating ay sinalubong siya ng tauhan ng ospital dahil ililipat na sa morgue ang kaniyang ama.

"Miss, pakipirmahan na lang po ito. Bayaran na rin po ang naiwang bayarin sa ospital."

"Sige po."

"Ito nga pala ang mga personal na gamit ng iyong ama."

Ibinigay sa kaniya ang cellphone at pitaka na nakalagay sa loob ng supot.

"Ano po bang nangyari sa tatay ko?"

"Suicide, nagbigti ang iyong ama sa isang abandunadong gusali. Inimbestigahan na ng mga pulis, walang nakitang mali sa pinangyarihan at may iniwan siyang sulat para sa iyo. Mamaya darating dito ang pulis."

Napaisip si Claudia, mapait na ngumiti at pinunasan ang kaniyang luha.

'Hindi na siguro kinaya ni tatay ang nangyayari sa amin.'

Kinuha niya ang gamit ng kaniyang ama na naka supot tiyaka naupo sa isang tabi. Umuwi siya sa bahay upang maglikom ng pera, tiningnan niya ang papel kung saan nakalagay ang kabuuang halaga ng bayarin nila sa ospital. 40,000 pesos, halos mabaliw siya dahil hindi niya alam kung saan kukuha ng kuwarenta mil.

Binuksan niya ang supot kung saan nakalagay ang gamit ng kaniyang ama. Pagbukas niya ng pitaka ay tumambad sa kaniya ang isang credit card. Nakadikit dito ang isang papel at nakasulat doon ang password nito. Napakunot ang noo niya dahil wala namang credit card ang kaniyang ama dahil hindi ito marunong mag-withdraw.

Kinuha niya ang credit card, lumabas siya sa bahay at pumunta sa atm machine. Tiningnan niya ang balanse ng credit card at lubha siyang nabigla.

2,000,000 pesos.

'Saan nakuha ni tatay ang credi card na 'to? Paano siya nagkaroon ng dalawang milyon?'

Naalala niyang muli ang biglaang pagkamatay ng kaniyang ama, ang sitwasyon nila, at ang pagdedemanda niya kay Yller.

Mapait na ngumiti si Claudia at napagtanto niya ang lahat.

'Malamang kagagawan ito ni Yller. Hahaha, dalawang milyon? Talaga bang binayaran nila si tatay para lang iurong ko ang kaso? Siguro tinanggap ni tatay ang bayad pero hindi niya inurong ang kaso kaya pinapatay siya ni Yller. Napakademonyo! Rapist na nga mamamatay tao pa.'

Nag-withdraw ng pera si Claudia, sapat upang mabayaran ang bayarin sa ospital. Nang maisaayos ni Claudia ang bayarin sa ospital ay agad siyang pumunta sa munisipyo upang maghanap ng sementeryo na puwedeng libingan ng kaniyang ama.

Masyadong abala si Claudia, nawala sa kaniyang isipan ang pagpapalaglag niya sa sanggol na nasa sinapupunan niya.

Nang maisaayos niya ang lahat nang araw na iyon ay pumunta siya sa morgue. Dinala na sa imbalsamador ang kaniyang ama at binibihisan na ito ng damit.

Nang matapos ay iniuwi na ang labi ng kaniyang ama sa bahay nila. Si Claudia ang namili ng kabaong nito, mamahalin ang kabaong na binili niya.

Ibinurol ang kaniyang ama ng tatlong araw tiyaka inilibing. Matapos iyon ay pumunta siya sa prisinto, pinapapunta siya ng pulis na kumausap sa kaniya noong ikalawang araw ng burol ng kaniyang ama.

Fucker Series #6: YLLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon