CHAPTER 6

1.6K 73 68
                                    

Naalimpungatan si Claudia, siya ay nagising dahil sa tunog ng kaniyang cellphone.

"Hello?"

"Hello Ms. Barrenya, this is Nikolai's coach at Math Quiz Bee. I want to inform you that Nikolai will represent our school in Manila for up coming Math Quiz Bee, the Quiz will be held in the afternoon. You can come with your son to Manila or just sign the document that we will send to your e-mail. I'm sorry if it is sudden, we talk to your son and told him to ask for your guidance about the upcoming Quiz Bee.

"Oh, can you please give the phone to Nikolai. I want talk to him."

"Okay"

Lumingon ang guro kay Nikolai tiyaka ibinigay ang cellphone.

"Your mom wants to talk to you."

Kinuha ni Nikolai ang cellphone at nagsalita. 

"Hello Ma?"

"Claud, bakit hindi mo ako sinabihan na kasali ka sa Quiz Bee?"

"Ma, lagi kang pagod at tuwing umaga lang ang oras ng pagtulog mo. Mas okay kung magpahinga ka diyan kaysa samahan mo pa ako dito. Malaki na ako ma, kaya ko na ang sarili ko."

"Claud, iba pa rin yung kasama mo ako."

Napairap si Nikolai sa sinabi ng kaniyang ina.

"Ma, huwag kang mag-alala. Magiging okay lang ako. Magpahinga ka na lang sa bahay"

Tumingin si Nikolai sa orasan na nakasabit sa ding-ding ng kanilang silad-aralan.

"Kakauwi mo pa lang, tiyak nagising ka sa tawag kanina. Matulog ka na."

Kung mag-usap ang dalawa ay para bang pinagsasabihan ni Nikolai ang kaniyang anak na magpahinga at matulog na.

"Claud, don't focus to win the Quiz Bee what is more important is that you enjoy it. Have a good memories with your teacher and classmate, the championship is just a bonus. You will always be my Nikolai, whether you win or not."

Napangiti si Nikolai sa sinabi ng kaniyang ina. Naiintindihan niya ang gustong ipahiwatig nito at alam niyang nag-aalala ang kaniyang ina para sa kaniyang kapakanan. Hindi mahilig makipag kaibigan si Nikolai sa kaniyang mga kaklase, mas gugustuhin niyang magbasa ng libro at mag-aral kaysa makipag laro sa mga kaedad niya. Natatakot siya na balang araw ay tulad ng kaniyang ama na iwan lang din siya ng magiging kaibigan niya, iyon ang pinakamasakit na mangyayari sa kanya. Di bale na lang na mag-isa siya kaysa iwanan siya ng mga taong malalapit sa kanya. Ang kaniyang ina ang pinaka-iniingatan niya, nakita niya kung paano maghirap mapalaki lang siya at mabigay ang mga kagustuhan niya kaya naman hindi siya mahilig magpabili ng kung ano-ano simula noong natuto siyang mag-isip at umintindi ng mga nagyayari sa kaniyang paligid.

"I know ma. Magpahinga ka na."

"Claud, mag-ingat ka ha."

"Opo"

Ibinalik ni Nikolai ang cellphone sa kaniyang guro.

"Hello?"

"Hello Ma'am, I'll sign the document. Please, watch my son on my behalf."

"Okay"

Pinadalhan ng guro si Claudia ng dokumento na nagsasabing pananagutan ng eskwelahan ang anumang mangyari sa kaniyang anak at nakalagay din dito kung ano ang Math Quiz Bee na sasalihan ng kaniyang anak.

Fucker Series #6: YLLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon