A/N:
Hinabaan ko ang part na to kasi matagal akong hindi nag update.
Note: hindi ko na ieedit next time na lang dahil wala na talaga akong oras para sa editing.
Sana magustuhan niyo.
- EN
*************
Nabigla man si Claudia ngunit hindi niya ito ipinahalata, ngumiti siya kay Yller at nagpakapropesyunal.
"What a small world, Attorney Newz"
Sa kabila ng matamis na ngiti ay ang panggagalaiti niya kay Yller.
'Napakaliit nga naman ng mundo, pilit kitang nilalayuan para makapaghanda ngunit pilit naman tayong pinagtatagpo. Let see Mr. Newz'
Ramdam ni Claudia na sa likod ng ngiti ng Yller ay may plano itong hindi maganda.
'Claudia, you won't get have a chance to run. Now that I found you... Never'
Muling bumalik sa isipan ni Yller kung papaanong nasaharapan siya ngayon ang babaeng hinanap niya, hindi niya akalain na ganoon kalaki ang kapalit makita lang si Claudia, isang rest house at mamahaling sasakyan.
**********
Nang matapos ang trabaho ni Yller ay dali-dali siyang bumalik sa ospital ngunit wala na siyang nadatnan, malinis ang kama na tila'y walang pasyenteng nahiga noong umaga.
"Fuck!"
Hindi mapigilan ni Yller na mapasigaw.
Matapos mag-opera ni Blue ay agad na lumapit sa kaniya ang isang nars.
"Dr. Jones, emergency. Attorney Newz is shouting in his room and it disturbs the patients in other room as well as in the 4th floor."
Madaling naglakad si Blue papunta sa kinaroroonan ni Yller.
"Ler, what happened?"
"Blue, natakasan ako."
"Nino?"
"Ng mag-ina"
Gusto man idugtong ni Yller ang salitang 'ko' ngunit rumehistro sa isipan niya ang sinabi ni Claudia.
'Wala tayong anak'
"Tara sa opisina"
Sumunod si Yller kay Blue papunta sa opisina nito. Nang makarating ay tinawagan ni Blue ang kaniyang sekretarya upang kuhanin ang iniwang impormasyon ni Claudia ganun din ang CCTV footage ng kuwarto.
Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng pagkatok sa pinto.
"Come in"
Pumasok ang sekretarya ni Blue at ibinigay sa kaniya ang papel na naglalaman ng impormasyon ng pasyente.
"This is their address, puntahan mo."
Ibinigay ni Blue kay Yller ang papel at nagmadali itong naglakad papalabas ng opisina.
May ngiti ito sa labi, sabik siyang makita muli ang bata lalo na ang ina nitong si Claudia.
Nang makarating sa lugar na nakasulat sa kapirasong papel ay nagulat siya dahil isa ng bakanteng lote ang lugar na iyon. Hindi niya mapigilan na sipain ang gulong sa sobrang inis.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #6: YLLER
RandomYller M. Newz is a renowned attorney and a bar top notcher, who would have thought that Attorney Newz who never lose even a single case is a rapist. ****** Book Cover by: findinghumanity