Chapter Two

352 15 2
                                    

Mag-isa kong ibinaba ang mga travel bags na dadalhin namin papunta sa pagbabakasyunan namin ni Royce. He said it's an exclusive island, Isla De Fuego. Sobrang ganda raw ng lugar, at doon daw kami magbabakasyon nang kaming dalawa lang.

"Finally! I can have him all to myself," I muttered.

At that moment, he walked in the room. "Ell– woah! What are you wearing?" He looked at me from head to toe.

"I'm wearing shorts and a croptop, love. What's wrong with it?"

"Magpalit ka nga. Hindi ba't sinabi ko na sayo, huwag kang magsusuot ng ganiyan."

"Gusto ko nga 'to, eh!"

He sighed. "Iniisip lang naman kita. Gusto mo bang mabastos ka?"

"Royce, hindi ako mababastos. At saka, kahit ano pa ang isuot ko, nasa kanila na 'yon kung bastos o manyak talaga sila."

"But you're clothes seem like you wanted it."

Here he goes again. He always make stupid excuses just to manipulate me. Lagi niyang pinapakita na ako ang mali, at siya ang laging tama. I just hate this side of him.

"Hindi nababase sa suot ng isang tao ang kagustuhan niyang makipagtalik. Just because I'm wearing these, doesn't mean I want people to sexualize me. Problema na nila 'yon kung makitid ang utak nila. Can't I be comfortable with myself just once?"

Salubong ang mga kilay niya. "Tsk, you're really telling me na maging komportable ka sa sarili mo? Ell, you're not the same sexy and beautiful girl I courted. Hindi man halata sa harap ng telebisyon o camera, pero tumataba ka. Magpalit ka na lang."

I sighed in defeat. He really has to rub my insecurities to my face. Tahimik akong bumalik sa kuwarto at nagpalit ng bestidang lagpas sa tuhod at may puffed sleeves. Nang makababa ako, hindi na siya mukhang naiinis. Ngumiti siya nang makita ang suot ko.

"Mas maganda ka kapag ganiyan ang suot mo," he said.

"Thank you," napipilitan kong sagot. "Halika na, alis na tayo. Baka maiwan tayo ng eroplano."

"Oh, about that... I have an urgent business meeting."

"I don't want to go without you. Hihintayin na lang kita para sabay tayong umalis."

"No. Mauna ka na lang. I already reserved us a cabin, and I already paid for it. Sayang ang pera, ang mahal pa naman. Mag-taxi ka na lang papunta sa airport, okay? Trust me, this is for our future."

Hindi ko na siya pinansin at padabog kong kinuha ang mga bag ko. Pumara ako ng taxi at sinabing papunta akong airport. Hindi na ako nagulat nang hindi man lang niya ako hinabol. Doon na ako nagsimulang umiyak. Pinipigilan ko na lang ang sarili kong huwag humagulgol dahil nakakahiya rin kay kuyang driver.

Mabilis naman akong nakarating sa airport. Domestic flight lang naman, kaya isa't kalahating oras lang ang itinagal ng biyahe. It's a good thing I know where I am going. When I got there, the salty breeze of the sea welcomed me.

"Excuse me," I said to the lady in the reception. "A reservation under Royce Vargas."

"Good morning, ma'am. Let me just check... Royce Vargas." Nag-type siya sa maliit na computer. "There it is. Here you go, Ma'am. Enjoy your stay here. Would you like a personal tour guide with you?"

Umiling ako habang inaabot ang susing binigay niya. "No, thank you. I'll be fine on my own. Malapit lang ba dito ang cabin?"

"Yes, Ma'am. Paglabas mo ng building, just walk straight sa may coconut aisle namin, and it will lead you to the cabins. May numbers naman po."

"What's the problem here, Marie?"  a very manly voice asked. I turned around and saw a man, I mean a couple walking towards our direction.

"Sinasabi ko lang po 'yong direksyon na tatahakin niya, Sir."

The man looked at me. "I'll help you. I'll take you to your cabin. I'm Alonso, one of the island's staff."

"I don't want a tour guide."

Lumingkis ang babae sa kaniya. "He's already my tour guide."

Ngumiti naman ang lalaki sa kaniya. "Someone's clingy. Or perhaps you're jealous?"

Umirap ang babae. "Ang kapal-kapal naman talaga ng mukha mo."

I can't help but to smile. They look so cute together. "Sige, pakisamahan na lang ako sa cabin ko, if that's okay with you two."

Binuhat ng lalaki ang travel bags ko at inaasar pa rin ang babae. Habang naglalakad kami, tawang-tawa siya dahil mukhang galit na si Kassandra, ang babaeng kasama ni Alonso. Nagsasalita ng espanyol si Alonso at siguro ay hindi ito naintindihan ni Kass.

"Magbuhol-buhol sana 'yang dila mo!" bulong ni Kassandra na ngayon ay katabi ko na.

"Ang cute niyo naman," I said.

"Ha? Kami?" she replied.

"Yeah. Mukhang in love siya sa 'yo."

"Malandi lang 'yan. He's just a man with sugary words."

"You two look together though."

Ngumiti lang siya at hindi na ulit nagsalita. Nang makarating ako sa cabin ko, tinatawagan ko si Royce, pero unattended lang. Instead of taking a rest, I decided to change into a more comfortable outfit then headed to their mini-bar.

Papalubog na rin ang araw, pero dahil exclusive ang island, hindi ito masiyadong crowded. I decided to get myself some cocktails to drink. After a few shots, a stunning man sat in by the stool beside me.

"Hey," he called.

I don't want to be rude, kaya bumaling ako sa kaniya. "Hi."

"Can I offer you a drink?"

"I just had some."

"So... are you expecting someone?"

"Let me guess, you're trying to flirt with me, are you?" Nagtaas pa ako ng kilay.

"Straight to the point, huh?"

Itinaas ko ang kamay kong may engagement ring. "I'm engaged."

"Bummer."

"Yeah."

Nagulat ako nang tumawa siya nang malakas. "Did you just said 'yeah'? You're bummed about your engagement?" Hindi ako umimik at hinayaan siyang matapos sa pagsasaya niya. "I'm Gio, by the way. Giovanni Nicoli."

"Nicoli? Nice surname."

"Italian si Dad. Well, so is my mother, but she's a Pinay by heart."

"Nagtatagalog ka?"

"A little. What's your name, ganda?"

"Ellaine. I'm Ellaine Angeles."

"Nice to meet you, Ellaine. Bakit ka naiinis sa engagement mo?"

I looked at him with my eyebrow raised. "Close ba tayo para sabihin ko?"

"Oh, okay. Sorry about that."

Marahas akong bumuntonghininga at ininom ang natitirang cocktail. He, on the other hand, got another shot of whiskey. Hindi na siguro niya napansin nang umalis ako dahil busy siya sa kaniyang cellphone.

Tinawagan ko si Royce dahil maggagabi na at wala pa siya. Nakailang ring din bago niya tuluyang sagutin ang cellphone niya. Imbis na boses niya ang marinig ko, boses iyon ng isang babae.

"Hello, who's this? Bakit ka tumatawag sa boyfriend ko?" she asked.

My chest tightened. Akala ko tapos na siya sa phase na ito. He promised me he wouldn't cheat again. He promised!

Hindi ko sinagot ang babae sa kabilang linya na paulit-ulit akong tinatawag. Pinatay ko na kaagad ang tawag at luhaang bumalik sa bar. I ordered heavy liquors. Hindi ko alam kung nakailang tungga ako, hanngang sa may tumapik sa balikat ko. Nakikilala ko siya kahit lasing na ako. He's the guy from earlier, si Gio. Magsasalita na sana siya, pero natigil siya sa ginawa ko. Without any hesitation, I pulled him and crashed his lips on mine.

Ellaine's Escapade (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon