CHAPTER 3

15 6 0
                                    

“Oh? Aga mo naman umuwi kuya, wala kang pasok sa cafè?” tanong ng kapatid niyang si Niña nang makita ang kuya nitong dali daling dumiretso sa kwarto.

“Wala e, may iba akong raket ngayon ta's bukas sa gym ako ni Johnny.” sagot niya sabay kalkal ng gamit sa drawer, tila ba may hinahanap ito na sobrang halagang bagay.

“Saan na ba kasi 'yun?” he whispered to himself.

“Si Kuya Jonas pala ang nandoon ngayon? Nakita ko kasi sila Andy na papunta doon, inaaya nga si Niña na maglaro muna ng ROS sa tapat na comp shop ng gym.” ani naman ni Autumn na abalang nagtatahi ng damit ng kuya niya.

“Oo nga daw pero may pupuntahan parin ako ngayon, kaya dito muna kayo ah?” ani ni Mark pagkalabas niya ng kwarto dala ang dalawang wallet at ang 2 sobreng bigay sa kanya ng doctor kanina at ang sahod na mula kay Kian.

“Tawagin mo nga si Rina doon sa baba at may ibibilin ako.” utos nito kay Niña at sabay lapag ng mga ito sa mesa.

“Saan mo yan kinuha kuya?” pagtataka ni Autumn na napahinto sa pagtatahi.

“Nagnakaw ka ba kuya?” bulong ni Giselle, making sure na walang nakarinig sa sinabi niya.

“Mga sira kayo! Hindi no, sahod ko yan.” ani nito.

Pagdating ni Rina, ibinilin na niya ang mga dapat niyang ibilin sa kanyang mga kapatid.

Ibinigay niya labinlimamg libo na sahod niya mula kay Kian, upang ibayad ang limang libo kay Aling Miding para doon sa tubig at sampung libo naman para doon sa renta sa gown nilang apat.

Binawasan niya naman ng limang libo ang paunang sahod na ibinigay ni Dr. Peter, upang ipang grocery ng mga kapatid.

“Itong dalawang wallet naman na 'to, may lamang pera yan na sinisave ko mula noong nagtrabaho ako para sa pang kolehiyo niyong apat. Ngayon gusto ko na ipahawak nalang sa inyong apat upang madagdagan ko nalang sa mga susunod na sahod ko pa.” bilin pa nito.

“Kuya, may natira pa ba sa'yo? May scholarship naman kaming apat e.” ani ni Karina.

“Meron pa naman, okay lang si kuya ano ka ba? Pogi parin ako.” biro niya sa mga ito.

“Ikaw kuya ah, hindi ako maniwala sa kakaganyan mo.” sagot naman ni Giselle na abala sa pagtutupi ng tinatahi ni Autumn.

“Kaya nga kuya, hindi mo naman kailangan kumayod ng triple at abusuhin ang katawan mo, kung tutuusin pwede na kaming humanap ng part time job pagkagraduate naming apat sa highschool.” ani naman ni Karina.

“Pero si Niña, hindi siya hahanap ng part time job dahil siya yung bunso sa amin.” dagdag ni Autumn.

Ayaw lang talaga ni Mark na magtrabaho sila dahil ayaw niyang madami silang isipin habang nag aaral ang mga ito. Kaya hangga't kaya niya ang magtrabaho nang triple, gagawin niya.

“Naku! Wag niyo na isipin yan ngayon, hindi ki naman kayo pinagbabawalan basta ngayon chill lang kayo.” sagot nito na parang ipinagsasambahala lang ang mga ito.

“Naku! Ikaw kuya ah, baka naman kaya chill chill ka e nakahanap kana ng sugar mommy? Wag ganyan baka masampal ka ni Mangs sa panaginip.” biro ni Giselle na ikinatawa ng mga kapatid niya.

“Heh! May pupuntahan ako ngayon kaya maiwan ko na kayong apat, yung mga ibinilin ko sa inyo wag niyong kakalimutan.”

“Ikaw ba hinihintay niyang lalaki na nasa labas kuya?" tanong ni Niña sa kanya na sumisilip sa bintana nila hawak hawak si Debi.

“Oo, iexplain ko sa inyo pagkauwi ko bukas ang nangyayari kaya maiwan ko na muna kayo.” sagot nito tsaka dali daling naglabas papunta sa pintuan.

“Ime-message ko kayo sa gc natin pag nakarating na ako sa pupuntahan ko agad, mag-ingat kayo dito ah?” bilin niya pa bago ito tuluyang lumabas ng pinto.

Dali dali na itong bumaba agad at lumabas ng gate, lumapit ito kay Peter agad atsaka sumakay na sa kotse.

“Sorry boss natagalan, nagbilin pa kasi ako doon sa mga kapatid ko.” saad nito tsaka isinuot ang seatbelt.

“I see.” maikli nitong sagot tsaka nag umpisang magmaneho.

“Wala kana bang nakalimutan?" tanong nito, nag alangan pa sayang sumagot si Mark pero in the end, nakiusap ito sa doktor na idaan muna siya sa pinagtatrabahuan ni Jamie na convenience store bilang isang cashier upang ibilin sa kaniya ang mga kapatid nito.

“Ano? Ganung kataas na sahod dahil magbabantay ka lang sa hospital? Ginto ba yang mga pasyente diyan?” tanong ni Jamie at napalakas pa ang boses nito dahilan na mapalingon ang iilang tao sa loob ng convenience store.

“Mahirap ipaliwanag e, at tsaka wag kang maingay ano ba." sagot ni Mark na kung pwede takpan niya ang bunganga ng kaibigan.

Nag uusap silang dalawa sa harap ng counter, wala namang problema dahil halos wala pa namang nagbabayad na costumer.

“Kaya nga ibibilin ko sana na pakibantayan sila Karina? Tutal doon naman kayo ni Jonas nangungupahan sa ibaba nung apartment namin, make sure nalang na nakalock ung gate bago kayo matulog." pakiusap nito, tumango tango naman si Jamie.

“Sabi mo nga uuwi ka naman bukas diba? Madaling araw kasi ako aalis bukas sa apartment, si Jonas na batugan lang maiiwan doon kaya siguro ibibilin ko narin sa kaniya." sagot ng kaibigan niya.

“Sus! Makasabi ng Jonas na batugan e handa mo namang buhatin papunta sa kwarto niya pag umuwi nang lasing.” biro sa kaniya ni Mark kaya nakaani ito ng isang hampas mula sa kaibigan.

“Alangan naman pabayaan ko labas edi pinatay ako ng nanay niya." depensa nito. “Umalis kana nga, nakakahiya doon sa doktor na kasama mo." dagdag nito.

Agad namang napagtanto ni Mark na may naghihintay nga pala sa kaniya, agad na ulit itong nagpaalam sa kaibigan at lumabas ng convenience store. Sumakay na ulit ito ng kotse at humingi ng pasensya sa doktor dahil sa katagalan nito habang isinusuot ang seatbelt niya.

“It's okay, should we go now? Medyo malayo layo ang destinasyon natin baka magabihan tayo." sagot ng doktor kaya napatango nalang ito.

“Kaya mo 'to Mark.” bulong nito sa sarili niya.

Bldg.12, Ward 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon