CHAPTER 9

11 2 0
                                    

THAMI's POV


"Did he already leave this hospital?" tanong ko kay Sian, napadaan lang daw siya dito sa silid bago siya ulit lumabas ng hospital dahil may pinapagawa daw si Dr. Peter, as if care sa lakad niya at bakit kailangan pa niyang iparating sa akin. Hinayaan ko nalang siyang magdaldal doon sa gilid, hindi na siya nag-abalang maupo pa nakatayo lang siya doon sa gilid ng pintuan ko. Kunwari nakikinig nalang ako sa mga reklamo niya patungkol sa palautos niyang amo.

"No, pero nice try sa pananakot ah." he replied to me while holding back his laughter. Alam naman ni Sian na hindi yun ang pinakamalalang pananakot na nagawa ko sa buong pananatili ko dito. Ang malalang nagawa ko siguro ay ang tapunan ng pulang pintura ang sahig ng kwarto ko at maging ang bintana sa pagitan ng kwarto ko at kwarto ng taga pag-bantay upang isipin niyang dugo yun, hindi na siya natulog nung gabing yun dito dahil nagpahatid na siya kay Sian sa bayan dahil sa takot.

"He's different Thami, I can see it on his eyes." dagdag niya

I know he's different, unang pagkikita palang namin alam kong wala siyang balak na masama or kahit ano pa man, gusto niya lang magtrabaho nang maayos pero kung tatanungin ako kung bakit ko siyang pinili na takutin, hindi ko din alam.

"Where's your boss?" tanong ko sa kanya, pag-iiba narin ng usapan naming dalawa. He just shrugged his shoulder and put down his phone na kanina pa niya chinicheck. "You mean my brother?" ani niya.

"Whatever! Hindi naman kayo mukhang magkapatid." wika ko tsaka bumalik sa pagkakaupo sa harap ng canvas ko. "Hindi naman kasi kami pareho ng tatay." he replied.

You heard it right, Sian and Dr. Peter are step-brothers. Magkapatid lang sila sa ina because Dr. Peter's father is an architect while Sian's father is an engineer, and not to mention magkaibigan pa ang mga tatay nilang dalawa. Dr. Peter's mom had an affair sa kaibigan ng asawa niya which is Sian's dad, nagbunga ito kaya nasa mundong ibabaw si Sian. Anim na taong gulang palang daw si Dr. Peter nun nang nagawa yun ng nanay nila, at bago ang magiging pitong kaarawan niya tsaka niya nalamang buntis ang nanay niya and that's Sian.

If you're asking me why I know that kind of information — my doctor, my doctor always telling me stories about his life pag siya ang nagbabantay sa akin sa kwartong ito, ginawa ba naman akong therapist. As far ang I remember ako ang pasyente dito at siya yung doktor ko.

"Aalis na nga ako Thami, papunta narin si Mark dito maya maya hintayin mo nalang hah?" wika niya tsaka ito lumabas sa kwarto ko, I didn't replied anything or even gave him a goodbye wave to him because he's used to it.

After he closed the door, napatingin ako doon sa kabilang bintana kung saan nandoon ang kwartong tinutuluyan nung bago kong taga pag-bantay. Sa totoo lang hindi na nila ako kailangang bantayan dahil okay naman na ako.

I am not sick anymore or should I say I am not really sick.

Habang pinagmamasdan ko ang bintana sa pagitan ng kwarto namin ni Mark, naalala ko na naman ang tanong nung isa sa mga naging taga pag-bantay rito.

"Bakit ayaw mo parin daw umalis dito?"

Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko noon, pero siguro kung tatanungin ulit ako kung bakit hanggang ngayon ayaw ko paring umalis sa hospital na ito dahil ayoko nang makita ang mundo sa labas — ang magulong mundo sa labas na ayaw ko nang maranasan pa ulit kaya mas pinili ko nalang na magkulong at wag lumabas sa hospital na ito.

Maraming mga tanong ang naitanong nila sa akin dati na kailan man hindi ko binigyan ng kahit anong sagot, nanatili lang akong tahimik at ipininta ang mga bagay na naalala ko sa labas ngunit ngayon parang gusto ko na itong sagutin nang paisa-isa or paunti-unti.

Talaga bang handa na ako ulit?

As I was looking at the window between my room and Mark's room, I suddenly heard the door unlocked, pinasadahan ko ng tingin ang taong pumasok sa silid na yun and it was Mark who's holding his phone and giggling.

"Sa wakas at natapos din ang chismis ni Jamie!" he exclaimed while still looking down to his phone. Hindi niya manlang napansin na nakatingin ako sa gawi niya dahil hindi naman na ito nag-abalang tumingin dito.

I watched him walked towards the chair habang abala parin sa pagtipa sa telepono niya. I also watched him changed his facial expressions every single minute habang tuloy parin sa pagtitipa at minsan naman ay natatawang bigla.

I was wondering if sino yang kausap niya.

Alam kong sinabi ko kanina na hindi na ako dapat bantayan pero hindi ba unfair na nagsasahod siya ngunit hindi niya ginagampanan nang maayos ang ibinigay na  trabaho sa kanya, hindi naman siya binabayaran dito upang umupo at magtelepono.

"Wah! Ginulat mo ako!" sigaw niya dahil lumapit ako sa bintana at kinatok ito ng isang beses dahilan upang mapatalon siya sa gulat. "May kailangan ka ba? Tubig? Gutom ka? Tinapay gusto mo?" he asked me, he put his phone down at tumayo upang kausapin ako ng harapan even though there's a huge glass window between us.

"What's your job again?" tanong ko, not answering his questions if I need anything or what, he just smiled at me before he answered my question.

"My job is ang bantayan ka po Ma'am Thami, ayun ang sabi ni Boss Peter sa akin." he confidently answered.

"Ano ginagawa mo?" seryoso paring tanong ko sa kanya completely ignoring that 'po' thing, mukha bang matanda ako tignan para gamitan ng po. Tsaka if you're wondering what I am clearly doing, kasama parin ito sa pananakot ko sa kanya.

"Nakatayo? Pumasok nga ako dito na hindi ka tinignan diyan sa kwarto mo mula sa bintanang ito kasi akala ko tulog ka pa, tsaka kanina lang nakaupo ako diyan habang nagc-cellphone ako kasi kausap ko yung kapatid kong si Niña kasi kakagising lang daw nila, natatawa nga ako kasi nagsend siya ng picture ng mga ate niya habang natutulog sila nakabukas pa ung bunganga." sagot niya.

Kailangan ba talaga na every detail sabihin niya at hindi niya manlang tinanggi na nagc-cellphone siya, he even showed me the pictures he's talking about.

"Diba? Hahaha! Tulo laway pa ung isa kong kapatid oh hahaha!" dagdag niya habang natatawa parin.

Sian was right, this guy is really different.

Bldg.12, Ward 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon