CHAPTER 12

6 2 0
                                    

MARK's POV

"Uhm..."

Parang nawala ung pina-practice kong speech nung nasa tapat na ako ng pintuan ni Thami, at ngayon parang mas lalo pa akong nanlamig dahil binuksan na niya ung pintong kanina ko pa kinakatok. Bilin kasi sakin na wag daw ako basta bastang pumasok kahit na may susi naman ako nung kwarto niya.

"Ano?" she asked me bluntly, nasa harap ako ng pinto niya ngayon dala dala ung tray ng pagkain niya. Sinabi ko naman kasi kay Sian na siya nalang ang magdala nito dahil mas hamak na close naman sila ni Thami kaysa sakin kaso ang sumbat niya sakin ay "Kasama parin yan sa trabaho mo noh, tsaka isang buwan mahigit kana dito dapat itry mo na makipag-close diyan sa pasyente mo dahil ikaw lang naman ang nagtagal ng mahigit isang buwan dito." ani niya kanina habang komportableng nakasandal sa sofa sa may opisina ni Boss Peter.

"Wala yung mga nurse, ako na pinagdala dito nung head nurse para daw makakain kana." sagot ko, I managed not to stutter kahit na alam ko sa sarili kong kamuntik-muntikan na akong mautal.

"I see, pasok." ani niya tsaka malawak na binuksan ang pintuan upang makapasok ako, dahan dahan naman akong naglakad at pumasok sa kwarto niya, dumiretso ako sa may maliit niyang mesa at isa isang inilapag ang nasa tray na hawak ko.

Ramdam ko na tinititigan niya lang ako habang inilalagay ang mga pagkain niya sa mesa kaya naman inayos ko ung posture ng katawan ko at humarap sa kanya agad nung huli kong mailapag ung isang baso ng tubig sa mesa niya.

"Tsaka sabi pala ni Boss, inumin mo daw ung gamot na nilagay niya diyan kasi nung binisita ka niya kagabi nung tulog ka, mainit ka daw." ani ko, inipit ko ung tray sa gilid ko at mas inayos ang posture ng katawan.

"Sige." maikli niyang sagot at naupo na sa upuan niya. Una niyang tinignan ung dessert na nasa gilid ng baso niya.

Isang blueberry muffins at ilang piraso ng dark chocolate.

Yayamanin naman pala talaga dito sa hospital na ito, hindi pa nga ako nakakatikim ng blueberry muffins na yan ta's dito sa hospital na ito dinner dessert lang ng pasyente nila.

"At ano pala..." dagdag ko habang pinapanood siyang unti unting hinihimay ung karne ng manok sa plato niya gamit ang kutsara't tinidor, hindi niya naman ito kinakain kundi hinihimay niya lang muna. Para bang wala siyang ganang kumain ngayong gabi.

"Ano?" tanong niya at tumingin sa gawi ko.

Hindi ako agad nakapagsalita dahil una sa lahat nakakatakot siya kung magsalita o magtanong, para akong binubuhusan lagi ng malamig na tubig sa tuwing kaharap ko siya, iba talaga ang aura niya, at pangalawa naman natatakot padin ako sa magiging reaksyon niya sa sasabihin ko.

"Gusto mo ba na samahan muna kita dito sa loob mamayang gabi?" tanong ko sa kanya nung nakahugot na ako ng lakas ng loob mula sa ikaibuturan ng pagkatao ko.

Lord, ikaw na po bahala sa'kin kasi tignan mo po kung gaano niya ako titigan ngayon, natatakot na po ako.

"Nasabi ko naman na kay Boss Peter, humingi muna ako ng permiso sa kanya at sabi niya naman ayos lang daw na samahan kita dito sa loob ng kwarto mo ngayong gabi, ngunit sabi niya tanungin daw muna kita kung gusto mo daw ba na samahan kita dito." pagpapaliwanag ko sa kanya dahil ni isang reaksyon wala manlang akong makita sa mukha niya, nakatitig lang siya sakin.

"Sa baba ako matutulog, don't worry hehe." dagdag ko pa, ramdam ko ang pagdaloy ng pawis ko sa likuran ko, pinagpapawisan na ako ng malamig ngayon.

"Bakit?"

"Ah? Bakit?" pag uulit ko sa tanong niya, marahan naman itong tumango at bumalik na ulit sa paghihimay nung pagkain niya na hindi niya naman talaga kinakain, baka mamaya pagalitan ako dito dahil hindi manlang niya nababawasan yang pagkain na ipinadala nung head nurse sa'kin.

"Ah oo, narinig kasi kita kagabi parang binabangungot ka, sabi kasi ng Mama ko pag masama ang pakiramdam ng tao mas malaki talaga ang chance na magkaroon siya ng mga masamang panaginip." pagpapaliwanag ko ulit ng intensyon ko.

Nabigla kasi ako kagabi dahil may naririnig akong humihikbi, nung una natakot ako dahil syempre hospital ito alam niyo naman ang kwento kwento ng mga tao na marami daw pagala galang espirito sa mga hospital kaya tumaas ung mga balahibo ko, muntikan ko na nga ring tawagan sa cellphone at bumabugin si Sian dahil lang doon. Pero nung pinakinggan ko ng maayos, narealized kong nanggagaling yun sa kwarto ni Thami tsaka ko lang nalaman na siya para ung humihikbi.

"Narinig kasi kita na humihikbi kagabi, gusto man kita na puntahan dito pero kasi hindi ko alam kung nasa tamang posisyon ba ako na gawin yun, nag aalala lang ako sa'yo."

Naalala ko kasi si Giselle sa kanya, kahit naman astigin ung kapatid ko na yun may mga oras din na nawawalan siya ng angas, pag masama ang pakiramdam niya o kaya naman nilalagnat siya kailangan niya ng kasama dahil bigla bigla nalang siyang nananaginip ng masama at umiiyak sa kalagitnaan ng gabi.

"Sige." sagot niya na ikinabigla ko. Dahil sa totoo lang nagbabakasali lang naman ako at alam ko na nasa 10% lang ang chance ko na mapapayag siya. Sino ba naman ako diba? Isa lamang akong taga pag-bantay niya dito at tsaka halos hindi kami nakakapag-usap kaya naman hindi pa kami ganun gaanong kaclose.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko, halos mapatalon ako sa saya dahil sa wakas once in a blue moon na nga lang ako magsalita ta's napagbigyan pa, mahal talaga ako ni Lord pero sana wag niya muna akong kunin.

"Hindi." she answered the second time.

"Ah..." parang binagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko, akala ko pa naman papayag na siya at nagpaparty na ung mga digestive system ko sa katawan. "Akala ko naman payag kana talaga, pero ayos lang kasi nagbabakasali lang naman ako dahil nag aalala ako sa'yo at hindi kita pipili-"

"Biro lang."

"Weh? Totoo na nga? Sus! Baka nilalagnat ka lang ah?" tanong ko at kinapa pa ang noo niya upang makasiguro na hindi siya nagbibiro this time (it was a sarcastic joke).

Pagkadampi ng palad ko sa noo niya, raramdaman ko na mainit nga siya at tsaka ko lang napagtanto na mainit nga talaga siya at ayun nga ang rason kaya ko siya gustong samahan sa kwarto niya ngayong gabi.

Inangat niya ang tingin niya at tinitigan ako sa mata, hindi naman ako nagulat ngunit tsaka ko lang din narealized na nasa noo niya parin ung palad ko at for the first time naidikit ko ung palad ko kanyang balat.

I know she's sensitive about this, she doesn't want people to touch her skin. Gosh! I'm so careless.

I mouthed "sorry" to her at agad na inalis ang palad ko sa noo niya, dumistansya din ako agad upang hindi siya maging uncomfortable sa nangyari. "Oo nga pala, may lagnat ka nga pala talaga hehe nalutang ako doon ah." wika ko tsaka umiwas muna ng tingin.

Nalulutang na ako sa mga nangyayari.

"Marunong kana pala magbiro ngayon, improvement hehe." dagdag ko, at tumingin na ulit sa gawi niya at tsaka nag piece sign (sign na nagbibiro lang ako sa sinabi ko at sana wag niyang seryosohin).

She smiled at isinubo ung slice ng chicken na kanina pa nasa plato niya kasama nung hinimay himay niya lang kanina.

That's her first bite sa pagkain niya ngayon, and did she just smiled at me? For real?

"Salamat sa concern." ani niya tsaka lang nagpatuloy sa pagkain.

Bldg.12, Ward 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon