CHAPTER 6

11 4 0
                                    

MARK's POV

"This way!" ani nung lalaking nurse na nagsundo sa akin sa office ni Boss Peter.

Mukhang bata pa itong lalaking nurse na ito, siguro mga kaedad lang siya nung pinsan ni Jammie na si Andy na laging nag aaya kay Niña sa comp shop para maglaro ng online games pero pikon naman pag natatalo siya ng kapatid ko.

"Matagal kanang nurse dito?" tanong ko sa kaniya habang binabaybay namin ang pamilyar na pasilyong dinadaan namin ni Boss kani-kanina lang.

"Hindi ako nurse dito." simple niyang sagot tsaka ito mahinang natawa dahil sa tanong ko.

"Mabuti ka pa napagkamalan akong nurse, habang ung mga ibang taga-bantay dati na sinundo ko sa office ni Doc ang tawag sa akin janitor." sagot niya tsaka ito natawa.

"Mabuti naman at napaalis na sila dito, hindi ko talaga tanggap na napagkamalan akong janitor kasi sa pogi ko ba namang ito." dagdag nito habang inaayos ang mga porma nung mga sunflowers sa bouquet na hawak niya.

Medyo mahangin din pala ang isang ito, nakahanap na yata ako ng katapat ko.

Kinuha niya ito sa office ni Boss Peter dahil daw malakas ang kutob niyang papabalikan ito sa kaniya, ayaw na niyang uutusan siyang balikan iyun kaya dinala na niya rin ito.

"Sana nga makatagal ka dito para naman kahit papaano may kakwentuhan ako, sawang sawa na kaya ako mag-isa sa office ni Doc." wika pa nito.

Ngayon nakikita ko na ang mga iba't ibang kulay na kurtina kaya sign na ito na malapit na siguro kami doon sa kwarto ng pasyenteng babantayan ko.

"Ang tahimik mo naman, wala ka bang itatanong sa akin? Alam ko lahat kaya feel free to ask me." pagpepresenta nito. Ito narin siguro ang chance ko para magtanong ng mga bagay bagay na nahihiya kong itanong kay Boss Peter kanina.

"Pwede ba itanong kung bakit ba sila napaalis dito?" tanong ko, nakita ko siyang ngumiti at hindi lang basta basta na ngiti, isa ito nakakalokong ngiti.

"Huminga lang sila, bawal kasi huminga lalo na pag nasa Ward 7 kana." ani nito na ikinatigil ko sa paglalakad.

Hindi nasabi ni Boss Peter yun sa akin, ayun ba ang dahilan kung bakit ang taas ng sahod dito per night / day? Dahil bawal huminga? Pang punirarya na pala ung almost 25k na sahod kung tutuusin kasi hindi ako makakatagal dito.

"Biro lang ano ka ba!" pagbabawi nito nang sinabi niya at tumawa ito ng malakas.

"They're making fun of the patients here  kasi and they even calling them names which is ayaw na ayaw na marinig nung nasa Ward 7, kaya sinisante sila agad ni Doc, ayan talaga ang reason."

Ward 7? Yung Patient#23 yun.

"Sensitive ba masyado yung pasyente sa ward na iyun?"

"Medyo pero okay naman siya, kaclose ko nga yun minsan pero kadalasan hindi."

"E bakit hindi nalang ikaw ang kinuhang taga-bantay ni Boss Peter?"

Mukha naman kasing alam niya kung paano ang pamamalakad sa hospital na ito, hindi na siya mahihirapan mag adjust.

"Private investigator ako ni Doc Peter, tsaka ayoko din lagi kasama ung si Thami kasi pinagtitripan niya lagi yung buhok ko."

Bldg.12, Ward 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon