3: The Nightfall

20 2 8
                                    

"Huy Dino, snap out of it. Lutang ka na naman." Jan said.

Hindi ko na napansin na nakatulala na pala ako sa alapaap ng limang minuto. But really, what the heck is happening?

Let me just clear this out, so before mag lunch galit na galit yung adviser namin because of our grades kasi bagsak ang karamihan samin dahil sa isang subject na hindi naman nagtuturo ang teacher. Then, kinausap ako ni Ma'am Wen para ipaalam sa akin na may foul play na nagaganap sa 4-B. Tapos bigla bigla akong inilibre ni gandang Prim tapos umamin sa akin na gusto nya ako? THAT WAS TOO MUCH FOR A DAY!

"Hayaan mo na yan Prim, talagang ganyan yang si Dino, sa school lang yan mukhang matino pero yung totoo timang 'yan." sabi ni Phil kay Prim.

Nakita ko naman na biglang namula ang pisngi ni Prim sa sinabi n'ya. Hoy gandang Prim! Akala mo siguro porket wala pa akong girlfriend mula pagkabata ko ay gan'on na ako rurupok sa mga aamin sa'kin. Asa ka gandang Prim, I have high standards towards women, you can't even reach the bottom tip of it. Hmp!

"Hoy Dino, magsalita ka naman. Eto naman may umamin lang na babae na gusto siya tulala agad. Sabagay, hindi ka sanay na may naamin sa'yo. Ang alam mo lang, umamin tapos babastedin ka." sabi ni Phil.

Pinilit kong bumalik sa katinuan matapos ang lahat ng nangyari. Sa totoo lang, maganda naman si Prim eh, pero barbie s'ya, maganda pero plastik.

"Uhmm... Kelan pa?" ang tangi kong nabanggit na salita kay Prim.

"Since grade 8." nakayukong sabi ni gandang Prim.

Ano?! Grade 8? So kulang-kulang tatlong taon na akong minamatahan at nagugustuhan ni gandang Prim? Ibig sabihin bago pa kami maging magkalaban sa council gusto na n'ya ako? Aba matinde ka din gandang Prim ah!

Alam mo, feeling ko may binabalak 'tong si Prim eh. Pakiramdam ko hindi talaga ako ang gusto nitong si gandang 'to. Feeling ko si Jan eh. Si Jan ang gusto nito panigurado. Nako gandang Prim, WAG AKO!

"Ahh, pa'no mo ako nagustuhan?" pasimple kong tanong sa kanya. Sina Phil at Jan naman titig na titig sa aming dalawa na parang mga die hard fan ng love team namin.

"I don't know. Sa totoo lang, I never even glanced at you the first and said that I like you. But then time after time, my feelings for you have built up. Then boom, ayun na, gusto na kita... Gustong gusto." she said with her glistening eyes looking towards mine. She then smiled which felt like the whole restaurant just lit up with her presence.

Haisstt, ang ganda n'ya... NO! HECK NO! Anong nangyayare?! No no no no no, Dimitri Noah Gray, you are not falling unto that stinking words of her! May Aella ka, Dino! Kay Aella ka lang rurupok, KAY AELLA LANG!

Itong dalawa namang 'tong si Phil at Jan, kilig na kilig sa sinabi ni gandang Prim. Minsan talaga hindi mo talaga mapapagkatiwalaaan ng todo ang mga kaibigan mo, noh?

Let me just freaking end this conversation...

"Ah, nako salamat ha, hindi ko agad na halata na may gusto ka pala sakin. Salamat para dun ha. Kaso, hindi ako naghahanap ng girlfriend ngayon eh, focus lang talaga ako sa studies ngayon. Sorry." mala-anghel sa bait kong sabi.

Tila nag-iba ang ihip ng hangin matapos kong sabihin ang mga salitang 'yon. Ang kaninang kilig na kilig na dalawa ay bigla napalitan ng inis sa akin. What?! And you really think na tatanggapin ko si gandang Prim? Well, she's pretty. Bahala na si batman, but for now, NO!

"No worries Dino, I can wait." sabi sa akin ni Prim.

Bigla namang napalitan ulit ng ngiti ang kaninang inis ng dalawa dahil sa sinabi ni Prim sa akin.

Class 4-BWhere stories live. Discover now