Phil's P. O. V.
Kapag talaga na kina Jan ako feeling ko nasa concert lagi ako ng EXO. Ang laki laki pa nung TV nila sa kusina tapos palaging maraming pagkain tsaka drinks. Maka-arbor kaya ako dito kay Jan ng album? Tutal nasa Korea ang nanay at tatay n'ya, baka makalibre ako ng lightstick ng EXO.
Habang sigaw na kami kakakanta nung high note ni Baekhyun sa El Dorado, nasulyapan kong umupo si Prim sa isang upuan sa kusina, umiiyak.
Ano na naman kayang ginawa ng dugyuting Dino na yun? Si Dino talaga ang alam lang, magpaiyak ng babae.
Pagkasulyap ko kay Prim ay tinapik ko si Jan na pawis na pawis na kakasayaw. Sinenyasan ko ring puntahan namin si Prim at sumang-ayon naman ito.
"Uy Prim, ano'ng nangyari? Ano'ng ginawa sa'yo ni Dino?" sabi ni Jan.
"Ah, nako wala wala. Ayos lang ako." sabi ni Prim na tuloy tuloy ang pahikbi niyang iyak.
Sumilip naman ako sa glass wall nina Jan at nakita si Dino sa garden na nakahiga at... Nakanguso?! Haist, ang ulaga din at kaunti netong si Dino ah.
Lumapit ako kay Prim at kinausap siya.
"Prim, pasensya ka na sa kaibigan namin ha. He's just wasn't used to what you did. But I know that he likes you. Remember when he sat beside you while we were singing? He never did that to anyone. He never even cared about anyone when it comes to EXO, but then he took the time to sit with you and ask what's wrong. And by that, I know that you are special to him. He only needs a little time."
Kahit anong comfort ang binigay namin kay Prim, hindi parin siya tumigil sa pag-iyak. Kaya naman naisip namin na puntahan nalang muna si Dino na kanina pang nakanguso sa garden at bigyan ng space si Prim.
Pagdating namin sa garden ay nakita namin si Dino na nakapikit at tila masayang humahalik sa hangin. Iba din talaga si Dino pag natamaan ng ligaw na pag-amin eh, hinahalikan pati hangin. Teka, eh diba wala pang first kiss 'tong si Dino? Haist, ewan ko sa batang to.
"Huy Dino ano ba yang ginagawa mo? Ang bebe Prim mo nandun sa kusina, naiyak. Ano na naman ba kasing kalokohang ginawa mo at pati si Prim pinapaiyak mo?" pa-inis kong sabi kay Dino na may kasamang pagtapik para matauhan siya.
----------
Dino's P. O. V.
"Dino, ayusin mo nga 'yang hitsura mo! Mukha kang palakang sumusupsop ng langaw eh." sigaw sa akin ni Jan na naging dahilan para mapamulat ako.
"Ano? Anong nangyari?" walang kamuang-muang kong tanong.
"Hindi ba dapat kami yung magtanong n'yan sa'yo? Anong nangyari sa inyo ni Prim?" sabi ni Phil.
"Eh hindi ba kahalikan ko lang kanina si Prim tapos bigla n'yo 'kong tinapik tapos..." bigla akong napatigil at napaisip sa nangyari.
So that means na lahat ng nangyaring paghila, pagtingin, at halikan ay... Imahinasyon ko lang?!
Aigoo Dino, what the heck were you thinking?! That was so green of you!
"Ano'ng kahalikan? Eh ayun oh si Prim ayaw tumigil ng pag-iyak. Dino, come to your freaking senses. You shouldn't treat a girl who likes you like that. You're the man, and a man should always be a gentleman, especially you to Prim. You don't even know the struggles she had encountered bago pa siya magdesisyong umamin sa'yo." sambat sa akin ni Jan.
"Oo nga Dino. Alam mo namang hindi tradisyonal at palagiang nangyayari na babae ang umaamin, and yet she took and dug up the courage to admit her feelings to you. As your kuyas, we want you to take this seriously. Alam mo naman ang pakiramdam ng nababasted diba? And I'm not saying na 'wag mo s'yang bastedin, all I'm saying is to be true to your feelings, the real one. If you have feelings for her, then go. But if not, then so be it. Just always be gentle towards her. Because trust me Dino, she really likes you."
YOU ARE READING
Class 4-B
Teen FictionJoin Dino as he uncover his most memorable moments as a student and as a person. Who's the hacker? And remember: Never overlook.