2: The Unexpected Invite

25 3 5
                                    

Well that was a hell of a talk.

Throughout the day, iyon at iyon lang ang tumatakbo sa utak ko. 

That freaking acts kept bothering me!

I know for a fact na hinding hindi magagawa ng 4-B yon. Kasama ko na ang karamihan sa mga 'yon ever since grade seven. Well, they can cheat, I know that, but they can never ever hack. Hindi talaga sila pasok sa criteria as hackers. O baka naman... may nagkukunwa-kunwarian lang na hindi sila pasok sa criteria for me not to be suspicious? Haist, such a headache!

Naglalakad na ako papunta sa paradahan ng tricycle papunta sa'min ng may biglaang kumulbit ng likod ko.

"Uy Dino." pabulong niyang sabi sa'kin. 

Agad naman akong lumingon para malaman kung sino ang nasa likod ko. At hinding hindi ako nasiyahan sa nakita ko, HECK NO!

Well, masama na ang takbo ng araw na 'to, ba't di pa nga naman lubusin para isang bagsakan na.

None other than the ever filthy, stinky, at ang pinaka-ayaw kong estudyante sa lahat, si Prim. Prim Priya Dasovich. The stinking darling  Council President of Class 4-A, the first section. Or should I say, the priorities...

Have you ever heard of the phrase "First come, first serve"? Well sa amin, First section, first priority. Sa mga kasali sa section na yon, wala silang problema d'on, sila ang nakikinabang sa gawing 'yon eh. But for us, kulang pa ang salitang "unfair" sa kadayaang ginagawa nila. Hindi ko naman sinasabing masasama ang A classes. Mababait naman ang mga 'yun, yung iba. Lalo na yung mga lower levels like Grade 9, they were very friendly. Pero 'pag si Prim ang pag-uusapan, hindi ko alam kung saan parte ako ng istorya magsisimula ng kasamaan n'ya...

Meron kasing time noong Grade 9 kami na nagkaroon ng bagong election for the school's Supreme Student Council. Prim was one of the candidates for Presidency and so was I. In fact, kami lang yung magkalaban. Hindi ko naman ginusto na ako yung maging president, but most of my colleagues want me to join kasi sabi nila ako lang daw ang makakatalo kay Prim, so I joined. It was a tough competition, but noong official tally na ng votes, naungusan nya ako with only 4 votes. At first I was fine by that, but then lumabas ang mga nangyari para lang manalo si gandang walang ambag na Prim.

I discovered that she won because of the voided votes for me. Almost half of my votes were disqualified dahil hindi isinama ang second name ko which is Noah. As much as I remember, walang official rules and guidelines na nakasaad na dapat full name ang ilalagay. At sa pagkakaalam ko, as long as walang magkaparehas ang pangalan, di needed ng complete name. Dimitri, Prim, di naman siguro maguguluhan ang makakabasa ng pangalan namin kung sino ba talaga kami. And yet most of my votes are voided!

At 'di lang 'yan...

Three of my members sa partylist namin, nanalo. I was proud of them, pero mukhang hindi nasiyahan si gandang Prim sa results. Aba, sinabihan ba naman sa harap harapan ng  mga ka partida ko na hindi sila deserving manalo. And you think na deserve mo manalo? You strive for quality education yet I fight for equality amongst students and of course positive environment. At halos lahat ng estudyanteng wala sa mga A classes kampi sakin, and I believe you have the right mind to know why. 

Then ngayon kukulbit kulbit ka sakin... at talagang sa araw pa na gulong-gulo ang utak ko sa nangyayari sa klase namin. Ewan ko sayo Prim, sira na araw ko talagang sisirain mo pa ng husto.

Okay Dino, back to reality... 

"Uy Prim, musta? Ba't mo'ko tinawag?" sambit ko.

Syempre hindi ko ipapahalatang amoy ko ang baho nya, hindi naman ako ganong tao.

Class 4-BWhere stories live. Discover now