PRESENT DAY
CHAMP's POV
malakas ang volume ng pinapakinggan ni Zephy, kaya rinig ko at alam ko na ang pinapakinggan nya ay ang instrumental version ng kanta ko.Napasulyap ako sa kanya at nakita ko na nakapikit sya .Parang ang bagal ng elevator ng mga oras na yun. Parang nakikisama sa gusto ko na makasama pa sya ng matagal. kita ko sya mula sa reflection nya sa pinto ng elevator. Napakaganda niya, napapangiti ako twing naalala ko ang kulitan namin dati. Saya na may kasamang sakit dahil sa katotohanan na bahagi na lang yun ng nakalipas. Nagulat ako ng bigla syang umimik.
Zephy: anong inspirasyon mo sa kantang to?
Champ: huh?
Zephy: naalala ko dati, sabi mo, madalang ka lang magsulat. Kahit mag take down ng notes tamad ka. So , ano ang hugot mo sa kantang to? paano mo sya nabuo?
nag uusap kami na hindi nakatitig sa isat isa
Champ: kung sasabihin ko sayo, kakailanganin natin na magkape.
Zephy: kape? ganun ba kahaba ang hugot mo sa kantang to?
Champ: oo, hehe
Zephy: naku, di ata oobra ang kape, how about dinner?
pagtingin ko sa kanya, nakangiti sya .. akala ko, dahil sa tagal na di namin nagkita. Wala ng epekto sakin ang mga ngiti nya. Pero mali ako, kahinaan ko parin pala.
Champ: game..
Habang nasa kotse kami, nakatingin lang sya sa labas at paminsan minsan tumitingin sa phone nya
Champ: ok lang ba to kay Lance?
Zephy: ang alin?
Champ: eto, yung kakain tayo sa labas
Zephy: hindi naman to date diba?
napatigil ako tsaka tumango
Zephy: then i dont see anything wrong with it. Friendly dinner lang naman to.
nag focus nalang ako sa pagdadrive hanggang sa nakarating kami sa restaurant .
habang hinihintay ang order, nagtanong sya ulit
Zephy: so ano yung naging inspirasyon mo?
Champ:ikaw
tumingin sya at maya maya at ngumiti
Zephy: alam mo, di ka parin nagbabago, ikaw parin ang arvelle na nakilala ko
Champ: arvelle na talaga?hehe
Zephy: pangit kasi pag champ padin ang itawag sayo, di na bagay sa age mo. hehe
Champ: ganun naba ako katanda?
Zephy: to be honest, tumanda ka tingnan dahil sa balbas mo.
Champ: hindi ba nakakapogi?
Zephy: hindi eh, hehe sorry
Champ: (tumawa) actually, hindi lang ikaw nagsabi nyan, marami na kayo.
Zephy: dapat tinanong mo si Jam if ok ba sayo ang may balbas
Champ: bakit ko naman tatanungin ang taong may asawa na, gusto mo ba ko mabugbog ? hehe
Zephy: asawa ? akala ko ba..
napabuntong hininga ako sabay tingin sa kanya
Champ: akala mo ano?
Zephy: wala, hehe ..grabe no? ilang years tayo di nagkita?
Champ: 7 years
Zephy: sa 7 years , ilan na naging ex mo?
Champ: dalawa?
Zephy: di nga? hehe sino naman yung isa?
tinitigan ko sya
Zephy: di naman ata ako yun, kasi di naman naging tayo,diba?
yumuko at sabay umiling..
Zephy: seryuso , hindi naman naging tayo eh..
di ngaba? ang tanong ko sa kanya, sa isip ko
BINABASA MO ANG
hey Zephy!
Teen FictionA story based on highschool love story.. Paanu kung pagkalipas ng higit pitong taon..nagkita kayo ulit ng taong minsan mong minahal..mapagdudugtong kaya ng isang kanta ang dating pagmamahalin na naudlot dahil sa mapaglarong tadhana? (Ang istoryang i...