chapter 12

27 2 0
                                    

ZEPHY POV

Nakakainis..kanina pa ko balikwas ng balikwas. Hindi ako makatulog...
Hindi mawala sa utak ko si...
Haist...kailangan ko na matulog..

Nagtakip na ko ng unan ng tumunog ang phone ko. Tiningnan ko muna kung gising sila mommy bago ko binuksan ung message..

"Sorry na zephy...di ko na uulitin..."

Hindi na ko nag isip,alam ko na kung sino sya..
Hindi ako nagreply hanggang sa nakatulog na ko ulit .

Next morning,nasa gate sya ng school pero sinadya ko na di sya pansinin.Nagkunwari ako na hindi ko sya nakita

Champ: zephy?!..

Binilisan ko ang lakad

Champ: uyyy..sorry na..
Sorry na...zeph..

Zephy: bat ka nagsosorry? May kasalanan kaba sakin?

Champ: hindi mo kasi ako pinapansin..

Zephy: wala naman kasi tayong dapat pag usapan eh..

Champ: zeph..please naman...

Zephy: alam mo champ pati ako..hindi na makapag focus sa studies ko kasi lagi mo kong kinukulit.kahit hindi mo sinasadya, nadadamay ako, affected ako.Tigilan mo na ko champ..please

Champ: bat ka affected? Bat ka nadadamay? Ibig sabihin nun worried ka sakin..

Zephy: champ anu ba? Ang bata pa natin.wala pa sa isip ko tong ginagawa mo eh.Gusto ko lang ngayon,tumaas ung grades ko.yun lang...

Champ: zeph?ginagawa din naman kitang inspirasyon ko.tingin mo ba hindi ko sinubukan na iwasan ka? I tried kaso hindi ko kaya eh..

Zephy: bat kasi ganyan champ? Ibaling mo ang attention mo sa ibang bagay...sa grades mo...dba? Mag focus ka sa lessons natin..kung talagang inspirasyon mo ko..dapat gaya ko,ganun din ang goals mo sa buhay mo...
Ang mag aral muna...

Champ: hindi ko naman pinipilit sarili ko sayo pero sana, sana naman ,hayaan mo lang ako na gustohin ka...

Alam kong hindi magpapapigil si champ kapag gusto nya gagawin nya kaya ako na ang unang umalis

Nagpalit din kami ng upuan ni jade para mas malayo na ko kay champ.binlock ko din ang number nya sa phone ko...
Seryuso na ko this time...
Ayoko na nadidistract ako...

Jade: prendy...

Zephy: oh?bakit?

Jade: pwede ba makitulog mamaya sa inyo?

Zephy: bakit?

Jade: ayoko kasi matulog mag isa eh..

Zephy: ako din,parang kailangan ko ng kausap ngayon..

Jade: bakit?

Napansin ni jade na nakatingin ako kay champ at kay lyka na lumipat talaga ng upuan para lang makatabi siya..

Jade: alam mo?iba din ang harot ng babaeng yan anu..

Rea: ahm ,zeph? Pwede ko ba kayo makausap ni champ mamaya?

Zephy: tungkol saan ?.

Rea: nagback out na kasi sila emcee at jade,pati si mark hindi din makakasali kasi kailangan niya umuwi ng probinsya kasi nagkasakit ang lola nya.so kayo nalang nila kristel.Eh may event din palang ehahandle ung science club,kaya ang mangyayari. Kayo nalang ni champ ang matitira.its either,sasayaw padin kayong dalawa o kakanta nalang...

Zephy: yun nga din sasabihin ko pres,magbaback out din sana ako.

Rea: naku zeph wag please..ilang araw nalang election na.Malalagot ako kay maam kapag walang mag represent sa section natin kaya please zeph...

Naawa ako kay rea.Tama naman sya,mapapagalitan din kami ni maam hindi lang sya.Damay ang buong section namin...

Rea: kakausapin ko din si champ para makapag decide na kau kung ano gagawin nyong dalawa.thank you zeph ha.ikaw nalang talaga pag asa ko at si champ..




hey Zephy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon