chapter 50( Finale)

26 5 4
                                    

Pagkatapos ng sobrang hectic na schedule ni Zephy, sa wakas nagkaroon narin sya ng time para makasama ang mga kaibigan.

Kristel: mabuti naman at nakarating ka madamme

Zephy: sorry na girls, alam nyo naman na araw araw may rehearsals..kung wala man, guestings and events naman.

Jade; baka naman di kana nag papahinga nyan ha

Kristel: oo nga, natutulog kapa ba? Laki ng eyebags mo

Zephy: babawi ako ng tulog this week

Jade: hindi kaba busy ngayong linggo?

Zephy: hindi naman, wait check ko , hmmm ,yes rest week ko.. hehe

Kristel: so makaka attend ka ng reunion?

Zephy: reunion?

Jade: oo , every year my reunion ang St. Augustine. This year , ang batch natin ang host ng event. So sigurado, lahat andun..

Kristel: si champ...yeeeeehhh

Sabay silang inasar si zephy

Zephy: baliw, issue na naman kayo, malay nyo naman may asawa na din yung tao.

Jade: ay ako sure ako, wala...

Kristel: ako din..hahaha finafollow ko kaya siya sa IG..wala naman akong na sight na girl na pinopost nya na kasama nya.

Jade: ah basta, pupunta tayong tatlo.isasama ko si Mark, siguru miss na miss na nun mga tropa nya.

Kristel; uy si Mark ba, di na ba kumikembot? Hehe i mean , alam mo na

Jade: mahinhin talaga sya, di na mawawala yun..pero sobrang responsible nya sa bahay.ang swerte ko sa asawa ko. Ako yung makalat tsaka burara. Kaya minsan napapagalitan ako. 😅

Kristel: pero ok naman sya sa ano..alam mo na

Jade; hoy, may bata dito, wag kang ano diyan

Zephy: sinong bata? Loko kayo..alam ko yan

Kristel: sana naman after ng reunion, eh ikasal kana..kahit sino nalang.

Zephy; sira, ganun na ba ko ka atat mag asawa ha. Syempre gusto ko naman, if magpapakasal ako, sa taong mahal ko.


ZEPHY's POV

Reunion day

Grabe , namiss ko makita ang mga batchmates ko before..kahit si Lyka na madalas ko maka away dati, ngayon may family na and happily married kay Emcee. Akalain mong sila pala talaga ang magkakatuluyan.
Nakakamiss ma experience ulit ang mga asaran at sigawan nila. Yung iba medyo ilang sakin pero sabi ko, isipin nalang nila na ako lang to, ang Zephy dati na inaasar asar nila. Noong nakainom naman na sila, medyo umingay na and nakikipag kulitan na sakin.

Emcee: sayang di makakarating si Champ, may meeting daw kasi sya and sa Baguio pa. Di talaga kakayanin.

Lyka; sayang gusto ko pa naman sya makita

Emcee; ay, magseselos naba ako? Hmm

Lyka: eto naman..joke lang. Hehe

Nag excuse ako na mag babanyo, kaso naka lock yung cr sa bagong building..at ang tanging bukas lang ay yung cr sa likod ng stage..sasamahan sana ako ni Kristel kaso sabi ko kaya ko na. medyo madilim na sa part na yun dahil di na gaanong ginagamit ang lumang gym. Nagmadali ako mag cr dahil natatakot din ako. Pagkatapos magbanyo, pabalik na ko sa mga kasama ko ng bahagyang nagbukas ang ilaw sa tabi ng stage. Naagaw nun ang attention ko. Lalo na ng nakita ko ang lumang bulletin board sa tabi ng stage. Lumapit ako ng kaunti at napansin ko ang nakadikit na maliit na piraso ng papel doon. Nagtaka ako dahil parang di ko naman napansin yun ng papunta ako sa cr. Nagpalingon lingon pa ko pero wala namang ibang tao. Tinanggal ko sa pagkakadikit ang papel pero wala naman nakasulat,


" Hey sa crush ko since 6th grade"

Pagkarinig ko ng boses na yun na galing sa likuran ko.. lumingon agad ako..

"  baka pwede ka nang ligawan?"




---- The end----------😅😅😅

hey Zephy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon