chapter 44

14 2 1
                                    

ZEPHY's POV

Nagkaroon ng tour ang mga seniors ng sumunod na weekend . May apat na tourist attraction kaming pupuntahan. And ang first stop ay ang fortune island.

Wala ang pangalan ko sa mga listahan ng passengers sa bus A..kaya kinailangan nila ako ilagay sa bus D.. and unexpectedly. Katabi ko sa upuan si Champ. Nang makita nya ko, ngumiti sya ng bahagya at tumingin na ulit sa may bintana. dahan dahan akong umupo sa tabi nya. Naka headphone sya noon. For sure, ayaw nya ng kausap . So nag suot dn ako ng earbuds ko at nilakasan ang music.nagulat ako ng tinapik nya ko..

Zephy: huh?

Lumakas ang kabog ng dibdib ko, yung tipong lalabas na.

Nagsasalita sya pero di ko sya marinig..tinanggal nya ang earbuds ko.

Zephy: huh bakit?

Champ: di naka connect yung earbuds mo sa phone mo.

Nung chineck ko .Oo nga! Nakakahiya, nag iimagine lang pala ako na di ko sya naririnig. Naka full volume pa naman yung phone ko, kaya pag tingin ko sa katabi nya. Nakatingin dn sya sakin.pero naka kunot ang noo.nag sorry nalang ako. samantalang si Champ nagtulog tulogan. Akala ko maeenjoy ko ang trip pero parang hindi. Kasama ko nga sya .pero di naman kami nag uusap. Ibang iba na sya sa champ na kilala ko dati. Biglang lumamig sa loob ng bus.. kinuha ko ang jacket ko .at pag suot ko..nasiko ko sya.
Feeling ko nasaktan sya, napahawak sya sa tinamaan ng siko ko..nag peace sign ako sa kanya. Pero wala manlang response. Alam mo yung nakikipag usap ka sa pader?

Pagka baba namin sa first stop. Sumunod kami sa tourguide..bawal humiwalay sa kasamahan ko sa bus ..kaya naman sunod lang ako ng sunod. Nagsisimula na ko mag sisi na sumama pa ko sa tour..akala ko naman kasi magkasama kami ni jade. Buti pa sila ni Mark, magka holding hands pa...

Samantalang ako, mag isa, parang asong sunod ng sunod lang sa grupo.

Masikip  ang nasuot kong sneakers kaya naramdaman ko ng nagkasugat na ang paa ko..umupo nalang muna ako habang nag iikot sila..nung tinanggal ko ang sapatos ko , sugat nga..

Medyo hirap na ko maglakad after namin bumalik ng bus. Pagka upo ko .tinanggal ko agad ang sapatos ko para kahit papanu mawala ang hapdi ng sugat. Nakayuko ako at chinicheck ang paa ko ng may humawak sa balikat ko at pina upo ako ng maayos.si Champ pala, may kinuha sya sa bulsa nya ,and hinawakan ang paa ko para tingnan ang sugat..nailang ako kaya binaba ko ang paa ko .pero inangat nya ulit..tsaka nya nilagyan ng band aid. After nya mailagay, tumingin pa sya sakin at ulit na sumandal sa upuan nya..napangiti ako kaya kinailangan ko tumingin sa ibang direksyon para lang di nya mapansin na nakangisi ako.
Nung nagkadikit ang balikat namin..parang may kung anong kuryente ang bumalot sa katawan ko.

Pagtingin ko sa kanya..tulog na naman sya..pumikit nadin ako hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako .

Pag dilat ko, nakaunan na ko sa balikat nya....shocks!

hey Zephy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon