Copyright © 2015 MarrChinitangSuplada
(Marr Garcia)
All rights reserved. No portion of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without written permission from the copyright holders. This story is a work of fiction. Any resemblance to actual event or locales or persons, living or death is entirely coincidential.
[A/N:]
First of all, i wanted to say hello of all human beings starting to read my first story published in this site called wattpad. Bagong salta pa kasi ako rito sa site na ito na kinaaadikan ng mga kaibigan ko. At kung meron mang grammatical error, pasensya na po dahil di talaga maiwasan na magkaroon sa bawat chapter ng istorya. Salamat nga pala sa mga bff kong sina Paolo at Trixie na classmate ko noong mga collage time dahil binigyan nila ako ng ideya para magsulat ng stories again. I miss you guys. Group hug tayo. At syempre kay ate Lea na laging todo support sa mga gawa kong stories dati nung high school days kahit ginawa ko siyang komiks. Emilyne, hope you to read this. Miss you din my dear friend. Kailan mo ba balak bumisita? And lastly your support guys to read my stories. Thank you... And i hope injoying your days to read many stories in Wattpad. (♡˙︶˙♡)
CHAPTER 1
[The point of view of campus prince]
"Sh*t pare anong drama iyan? Nagsosolo lang?"
Bigla akong tinapik mula sa aking balikat ang isa sa mga sira-ulo kong kaibigan na si Luis. Nadatnan kasi ako rito sa Bistro na pagmamay-ari din ng isa ko pang may sayad sa utak na kaibigan na si Aisen.
I just want to have a shot for a while tutal dismiss naman ang klase. Alam kong madadatnan din nila ako rito sa favourite kong hangout.
"Bakit? Inggit ka?"
"Haha ako maiinggit? For what? Di ko gawaing umiinom ng nag-iisa di ba dude? " At saka lumitaw yung presensiya ni Aisen na halatang kapapasok lang.
"Woow... mga dakilang suki ko. Musta?" Ani Aisen sabay bati sa amin gamit ng pakikipag kamay na sariling bersyon namin.
"Well yung isa kasi diyan nagda-drama may balak atang mag-artista!" Tapos humalakhak sila na parang wala ng bukas.
"Sa tingin ko, di na niya problema iyon dahil marami naman siyang avid fans sa Beuford Academy, no Brad?" Avid fans? Baka mga stalker. Aba pinagtutulungan ba ako ng mga ito?
"Ano ba kasing drama iyan Brad, parang aatend ka sa lamay e." Tapos tumawa ulit sila. Bat ba ako biniyayaan ng mga kaibigang mga abnormal? Pati ako nahahawa na rin sa mga 'to.
"Mga abnormal! Nagcecelebrate lang ako dahil malapit na akong ikasal!"
"Woow congrats!"
"That's nice!!! Kunin mo akong bestman mo ah!!"
"Ako ninong!"
"ANO!!! IKAKASAL KA NA!!!"
Sabay pa sila. Kaya naman lahat ng mga tao rito sa Bistro ay nasa amin ang atensyon.
"Ang iingay niyo! Yan pinagtitinginan na tayo tuloy!" Sabi ko at saka nagsalin ng beer sa whine glass at ininom ito.
Maya-maya lang ay napansin kong umupo sila sa harap ng bar counter at pinagitnaan ako. Mukhang gigisahin na naman ako ng mga ito. Kulang nalang sibuyas at bawang.
"Di nga, ikakasal ka na?"
"Sino namang swerteng bebot na iyan?"
"O baka naman nabuntis mo kaya walang kang choice kundi pakasalan dahil ikaw ang ama ng dinadala niya?"
BINABASA MO ANG
True lies [On going]
RomanceMiyuki Kawashima Manahan, a one and only princess of Manahan family that was been bethroted to a CEO's son of Yamamoto group named Kaede whose never been meet each other before. For her sake, she decided to left her family to know that man better wh...