Chapter 3

31 3 0
                                    

Copyright © 2015 MarrChinitangSuplada
(Marr Garcia)

All rights reserved. No portion of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without written permission from the copyright holders. This story is a work of fiction. Any resemblance to actual event or locales or persons, living or death is entirely coincidential.

[A/N:] Hi readers, borring ba sa umpisa? Well, sa umpisa pa lang iyan. (๑¯ω¯๑)
Sana mag enjoy kayong magbasa sa kwento nina Miyuki at Kaede ng True lies... Thanks sa magiging support ninyo para sa akin.

CHAPTER 3
Written by MarrChinitangSuplada
Posted on March 3, 2015

[YUKI]

"Arf! Arf! Grrrr..."

"Shhh Dumbie it's me!"
Tapos hinawakan ko yung ulo ng alaga kong tuta. Kumalma na rin siya pagkatapos kinuha ko siya at kinarga. Ba't ba ang asong ito ang sarap yakapin? Kulang na lang panggigilan ko ito ng husto. Nagulat ako nang bigla niyang dilaan ang pisngi ko.

"Aww."

Di ata ako nakilala ng aso ko dahil suot ko pa itong pandesguise ko. Isang seberrian husky si Dumbie. 6 months old. Regalo ni Dad sa akin nung birth day ko dahil alam niyang mahilig ako sa mga aso. Isinama ko siya paalis ng bahay dahil wala akong makakasama.

"Gutom na ata ang baby ko."

Kinuha ko yung dogfood sa kusina at isinalin ko iyon sa lagayan ng pagkain niya. Iniwanan ko na siya doon sa ilalim ng lamesa at nagtungo na ako ng Bathroom to take a quick shower.

Nandito ako ngayon sa inuupahan kong appartment na ibinigay sa akin ni Gino para tirhan pansamantala. Kinausap kasi niya yung landlord dito na huwag ipagsabi na nandito ako, according sa sinabi ni Gino na deal nila. Malapit lang ito sa Beuford academy at alam kong tago ito para di ako mahanap ng mga magulang ko.

Di ko alam kung sasapat pa yung perang inipon ko sa mga naging allowance ko. Di ko rin magamit yung credit card ko dahil alam kong ipapa-trace at i-freeze iyon kaya no choice kundi ang maghanap ng part-time.

Goodthing may nahanap na ako. May kakilala kasi akong banda na tumutugtog sa mga bar at pinayagan naman nila ako na sumali sa kanila. Buti nalang may talent din ako sa music. I was good performing in drumsets sa katunayan may mga musical instrument ako sa bahay na iniwanan ko. Isa rin yun sa mga libangan ko kapag na-bobored ako kaya naman naaasar din sa akin si Mom dahil na-iistorbo ko yung yoga session niya.

Pagkatapos kong maligo ay kumuha na ako ng pamalit na damit. Isang white shirt na medium size na may design at black fitted denim pants na kupasin na. Isinuot ko na ang mga iyon at tumungo ako sa shoe rack at naghanap ng pwedeng maisusuot na sapatos. Isang Chuck taylor pair ang napili kong isuot.

Nilagyan ko ng kaunting wax hanggang sa kadulo-duluhan ng maiksi kong buhok para magkaroon ng porma ang buhok ko. Di naman ganito dati yung buhok ko. Mahaba na hanggang bewang iyon. Kaya ko lang naman pinaputulan para di ako makikilala ng mga tauhan ng mga magulang ko once na ipahanap ako.

Di ko na rin kailangan ng maraming arte sa mukha. Polbo lang ok na. Nang alam kung ok na ako sa porma ko ay saka napagdesisyonan ko nang umalis papunta sa aking part-time.

[COOL GUY'S BISTRO]

Nandito na ako sa nasabing location ng Banda, ang Cool guy's Bistro. Sinalubong ako sa bungad ng Bistro ang mga kasama ko sa banda.

"Hey Yuki babe, buti dumating ka, akala namin di mo na kami sisiputin?" Si Deil, ang vocalist ng banda.

"Pwede bang walang magandang chick sa banda?" Si Aldrin, ang guitar base.

True lies [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon