Copyright © 2015 MarrChinitangSuplada
(Marr Garcia)
All rights reserved. No portion of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without written permission from the copyright holders. This story is a work of fiction. Any resemblance to actual event or locales or persons, living or death is entirely coincidential.
CHAPTER 10
[KAEDE]
Nagulat ako sa nakita ko. Nung ini-abot sa akin ni Mrs. Manahan ang isang di kalakihang envelope ay inutusan nila akong buksan ko iyon buhat nung kahapon na pag-uusap namin. Larawan ng isang babae ang bumungad sa paningin ko nang hugutin ko iyon mula sa envelope.
Hindi ko alam ang pwede kong maramdaman sa mga panahong iyon. Nanginginig ang buong kalamnan ko at umiinit ang paningin ko. Napaka imposible. Isa lang ang maaari kong isipin sa nakita ko.
Habang pinagmamasdan at kinikilatis ko maiigi yung litrato ay medyo napapangiti ako sa sandaling iyon. May mahaba at tuwid na buhok, may magandang bilugan na chinitang mata, katamtaman ang tangos ng ilong at may mapupulang labi. Ang masasabi ko lang ay napaka-ganda ang tulad niya para maging kabiyak ko. Mukhang makakain ko na siguro ang pinaka-ingat-ingatan kong pride.
Pinasuyo ko kay Shin na sabihin niya sa kaibigan niya na si Miki na magkikita kami sa Bistro na pagmamay-ari ni Aisen. Kailangan niya akong siputin dahil gusto kung malaman ang totoo mula sa kanya dahil litong-lito na ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
[COOL GUY's BISTRO]
Habang inaantay ko siya sa loob ng Bistro ay di ko maiwasang mapatingin sa orasan sa pambisig na relo. 10:03 pm na, hanggang ngayon ay wala parin siya. Almost 3 hours na akong nag-aantay at nakaka-ilang bote na ako ng beer na ininom. Inasar pa ako ng mga kaibigan ko na baka daw hindi na niya ako siputin. Dito lang ako kahit abutin man ng madaling araw, kaya kong mag-antay ng matagal at umaasang darating siya.
"Hi."
Isang malambing na tinig ang narinig ko sa tabi tabi ng inuupuan kung stool sa harap ng bar-counter. Nilingon ko ito at ginantihan ng ngiti.
"Hi?"
Balingkinitan na kutis porselana na may magandang mukha ng isang binibini ang umagaw ng aking pansin. Nakasuot siya ng pagkasikip-sikip na sleeveless dress na kulay pula na hanggang itaas ng tuhod. Nakalugay ang mahabang buhok na tumatakip sa dib-dib nito. At kung ano-anu pang pwedeng isipin na magagandang bagay para sa kanya dahil alam kong dala lang ito ng umiikot kong mundo.
"Baka ma-identified mo ang salitang GORGEOUS sa pagtitig mo sa akin, ginoo."
Nakita ko ang paghulma ng mga mapupulang labi niya na nakangiti sa akin, sabay nun ay ang pag-inom sa kanyang alak na nakalagay sa whine glass na hawak niya.
"Kung ipapahintulutan mo ako na sabihin iyan sa iyo." Ang naging saad ko at saka lumagok ako ng alak sa boteng hawak ko.
"I'm Sandria, You can call me, Sandi." Sabay lahad ng maliit at malabot niyang kamay sa harapan ko.
"Kaede." I replied.
"Hulaan ko, ikaw ba yung sinasabing Campus Prince ng Beuford Academy and the same time a Student Council President?" Huhulaan ko rin, isa ba siya sa mga avid fans ko? Kahit saang sulok talaga ako magpunta, talagang may makakakilala pa rin sa akin.
"Baka naman di ako yung tinutukoy mo?"
I took a grin written on my lips.
"Are you sure with that? Di ko pala alam na nagiging bisyo mo na ang alak, Mr. Campus Prince?" Di naman siya nagiging tuso sa lagay na yan?
BINABASA MO ANG
True lies [On going]
RomanceMiyuki Kawashima Manahan, a one and only princess of Manahan family that was been bethroted to a CEO's son of Yamamoto group named Kaede whose never been meet each other before. For her sake, she decided to left her family to know that man better wh...