Chapter 11

9 2 0
                                    

Copyright © 2015 MarrChinitangSuplada
(Marr Garcia)

All rights reserved. No portion of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without written permission from the copyright holders. This story is a work of fiction. Any resemblance to actual event or locales or persons, living or death is entirely coincidential.

CHAPTER 11

[YUKI]

"You are completely insane! D'you know that?" Bungad ko sa lalaking ito noong matapos kong makita yung paper bag na naglalaman ng...err dress. Hindi siya basta-bastang matinong dress. Kung ilalarawan ko ay mukha siyang halayin.

"Precisely kid." At saka siya tumawa ng nakaka-asar! Kung may kakahayan lang akong mahigit siya sa loob ng phone at saka sapakin ng magkabilaan sa pisngi ay nagawa ko na! Oh nagtataka kayo kung bakit ako nagkaroon ng phone? Nakita ko lang naman na nakasilid din ito sa paper bag na kasama ng maskara na puno ng glitters, killer weapon na super high heel shoes at cocktail dress na iyon. Nalaman niya daw kasi na ibinenta ko yung phone ko. Di ko alam kung kanino at paano niya nalaman!

"How dare you! D'you think i'm gonna wear this by your dumb plan?"

"Maybe, if you choose to fit for it first! "
Tumawa ulit siya ng nakaka-asar.

"Basta di ko isusuot to!"

"I want you to attend in that party, well see you later!"

"Hoy anu- ay!"

At walang sabi-sabing binaba yung phone niya sa kabilang linya! Aangal pa sana ako pero ang lokong to talaga! Ah basta, di ko pa rin isusuot ang halaying dress na ito! Bahala na kung di ako makaka-attend ng ball! As if i'm interested.

May isang lalaki kasi na pumunta sa inuupahan kong appartment at ibinigay sa akin yung paper bag. Tatanungin ko sana kung kanino galing pero umalis naman ito kaagad. Nang dahil na rin sa kuryusidad para malaman ang nilalaman nun, ay minabuti kong tingnan ang laman nun kung bomba ba o patay na daga! Pero lalo lang akong nafrustrate sa nakita ko. Kokotusan ko talaga ang Gino na yan kapag makita ko siya!

~*~*~

Sa tinagal-tagal pa naman daw sa pag-iisip nang aking isipan ay heto ako ngayon sa isang lugar kung saan gaganapin yung Mascarade ball na iyan!

Para akong sira. Kanina lang nagdecide akong di na umattend pero sa kabila naman ng bahagi ng utak ko sinasabing aattend ako dahil ummm macucurious ako kung ano ang ginagawa ng mga kaklase ko at schoolmate ko sa ganitong ball.

Actually, di naman ito yung unang beses ko na dumalo sa ganitong party. Maging kiddie party nadaluhan ko na rin. Eching lang!

"Here."

Napaangat ako ng tingin nang may biglang nag-abot sa akin ng Champange na nakalagay sa isang whine glass. Nakamaskara rin siya na tulad rin sa akin. Kinuha ko naman iyong inaabot sa akin.

"Akala ko, di ka na sisipot." Ngumiti naman siya ng tipid at saka lumagok ng kaunti sa iniinuman niyang whine glass na di ko alam kung anong klaseng alak ang laman nun.

"Ewan ko sa iyo!" Yun na lamang ang nasabi ko saka ibinaling ko yung paningin ko sa ibinigay niyang inumin sa akin. Di ko iyon dinirekta na iinumin sapagkat pinaglalaruan ko ito sapamamagitan ng pag-ikot nito sa aking daliri.

"Di na tigasin ang itsura mo ngayon, babaeng-babae ka na! Bumagay yung cocktail dress na binigay ko sa iyo."

"Che! Manahimik ka nga diyan!"

"Hahaha! Well, nandito ka ba ngayon para makita uli siya?"

"Ha!? Ano bang pinagsasabi mo?" Ano nanaman ba itong kahibangan ang sinasabi ng tanda na ito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True lies [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon