Ito marahil ang unang beses na sasambit ng tulang pampag-ibig
Unang tulang alay sa isang madlang hindi makadinig,
O pinipiling magbingibingihan,
Pagkat Hindi ako ang nais mapakinggan,
Hindi ako ang oras na paglalaanan
Hindi ako ang tahanan,
Ano mang iyak,
Hindi ako ang pahinga at ang tahan.Marahil hindi ko mararamdaman ang saya ng piniling una,
O ang sakit ng pagiging pangalawa,
Ang pagod ng Pangatlo,
Ang paghihintay ng pang apat,
o ang pagsuko ng pang lima,
Dahil hindi ako kasali sa bilang,
Ako yung panandaliang kapalit,
At siya ang pipiliin mo ng paulit ulit.At kung ang buwang tumitig sa atin ay muling lumitaw,
Sa sandaling ang bawat segundo'y di bumibitaw,
Kung maari sana'y iyong marinig ang bawat sigaw ng puso bumabatingaw at mapaglarong kumakalambitin sa lalamunan, hanggang sa makaalpas sa dila kong mapag kunwari,
Pilit na itinatago ang mga hikbi,
Mahal kita, subalit kung tunay ka ngang masaya.
Pinapaubaya ko na.

BINABASA MO ANG
PAPEL, TINTA AT TALINGHAGA
PoetryAng pagsulat ay ang pagsigaw ng mga salita na kamay lamang ang may kayang gumawa. Isa itong pagtatanghal at ang blankong papel ang magsisibling entablado habang marahang isinasayaw ng lapis ang mga titik na mapaglarong lumiliro't kumakalambitin sa d...