Itinulak ang pinto,
Ibinaba ang kurtina
At tuluyang lumayo,
Lumayo sa kung saan walang ibang makakakita,
kundi ikaw lang at ako.Kumuha ng tali at iginapos ka,
Ng walang ibang makarinig sa mga sigaw na ibubulong sa gilid ng yong tenga,
Mahal kita.Hindi ko to madalas ginagawa,
Yung aalis at hahabulin ka,
Ayokong malaman ng iba,
Na handa akong ubusin ang hininga
Para lang maabutan ka.Itutulak ka, papalapit sa mga labi kong walang ibang binibigkas kundi bumalik ka na,
Isa isang huhubarin ang suot kong aksesorya,
Walang ibang dekorasyong lilibang sayo kundi ako, at ang salitang mahal kita.Ilalapit pa, baka hindi mo marinig at papaliit ng papaliit ang pagkakabigkas ko sa mga salita,
Pagkat napapaos na kakasambit sa mga letrang di mo maintindihan,
Kunwaring hindi mo naiintindihan.Itinapon na ang susi ng pinto,
Kailangan mo lang sabihing tama na, tapos ka na,
Sisisirin ko ang mundo at hahanapin ang itinapong bakal,
Muling paliliwanagin ang ilaw at pagbubuksan ka,
Tatanggalin ang tali at patatakasin ka.
Sabihin mo lang na ayaw mo na, palalayain kita.Hindi ko madalas ginagawa,
Pero hanggat di mo sinasabi,
Ihahalik ko sayo na mahal kita.
Hindi ko madalas ginagawa,
Ang hilingin bumalik ka na.
![](https://img.wattpad.com/cover/206857326-288-k74380.jpg)
BINABASA MO ANG
PAPEL, TINTA AT TALINGHAGA
PoesiaAng pagsulat ay ang pagsigaw ng mga salita na kamay lamang ang may kayang gumawa. Isa itong pagtatanghal at ang blankong papel ang magsisibling entablado habang marahang isinasayaw ng lapis ang mga titik na mapaglarong lumiliro't kumakalambitin sa d...