"ANO?" halos hindi nya makapaniwalang tanong nang tumawag ang ama at sabihin sa kanya ang hindi magandang desisyong ginusto nito para sa kanya."Don't you dare raise your tone on me young man." Babala nito sa kabilang linya.
Hindi sya makapaniwala sa desisyong basta nalang nitong ginawa. Its his life they are talking about. Ayaw nyang pumayag pero nagbanta itong ibibigay ang boung mana nya sa kung sino na lang kung hindi sya papayag.
Napahawak sya sa sentido dahil sa kunsimisyon. His father did this idea again at ngayon ay kanya na naman.
What his father wants is for him to marry a woman he didnt even know or hear. Ginawa na nito iyon sa Kuya nyang si Stefan. Hindi nagustuhan iyon nang Kuya nya pero katulad nang ginagawa nito ngayon sa kanya, he also blackmailed his brother na kukunin ang lahat nang mana kung hindi ito susunod sa gusto nito.
Thankfully, mabait ang hipag nyang si Amanda and the two are now madly inlove with each other.
Pero, sa kaso iyon nang kuya nya. Paano kung hindi iyon ng magiging kaso sa parte nya? Paano kung hindi nya magugustuhan ang papangasawahin?
Wala syang nobya o nagugustuhan pero paano pag nakita nya na ang babaeng magugustuhan nya at nakatali na sya sa babaeng kung saan man ito nahanap nang ama nya.
"Be reasonable Dad." Agad nyang sagot nito. Wala talaga itong ibang ginawa kundi ang kunsumihin sila lagi. Hindi nya kini-kwestyun ang pagiging ama nito dahil nagawa nito iyon nang tama. His father is such a hardworking man kaya kahit walang katuwang sa buhay ay nabigyan sila nang kapatid nang isang magandang buhay. Ang hindi nya maintindihan ay ang trip nito sa buhay na kunan nalang sila basta nang asawa nang hindi nila nalalaman.
"I'm being reasonable Santiago thats why Im giving you the best option of following me." Maawtoridad nitong saad sa kanya. Mauubusan na talaga sya nang dugo sa ama. Napakapasaway.
"Maybe I should find you a wife instead of you finding me a wife. Hindi ko pa gustong mag-asawa papa." Sinabi nya ang unang pumasok sa isip, makalusot lang sa trip nang ama.
"Santisimo, Santiago Gabriel. Huwag mong iniiba ang usapan dahil hindi ako naghahanap nang asawa. Tama na sa akin ang mama nyo. Ikaw Santiago, ang mag-aasawa na."
Suko na sya. Wala na syang sinabi sa katigasan ang ulo nang ama. Napaka-spoiled talaga nito sa kanila nang Kuya Stefan nya.
"Saan mo ba nakuha itong babaeng gusto mong itali sa akin papa at bakit gustong-gusto mo na akong idispatsa? Kaya ba akong buhayin nyan? Mapapalago ba negosyo natin dyan?" sunod-sunod nyang tanung.
"Ang bibig mo Santiago Gabriel. Sisilihan ko talaga iyan pagkauwi mo rito sa Pilipinas. Wag mong pagsalitaan nang ganyan ang mapapangasawa mo." Saway na naman nito sa kanya. "Mabait si Ingrid at responsible saka ikaw na lalaki ka, ikaw ang bubuhay sa mapapangasawa mo. Hindi mayaman ang pamilya ni Ingrid."
Ano bang pinakain nang babaeng iyon sa papa nya at basta nalang ito humalang ipakasal sa kanya.
"Sige papa, ipamigay mo na lang ang mana ko. Ayaw ko pong magpakasal sa babaeng hindi ko kilala." Pinal nyang saad at walang ano-anong pinatay ang tawag nang papa nya.
Pero sabi nga noon nang kapatid nya sa kanya matapos nyang pakasalan ang asawa at unti-unti nang nagkakagusto rito na kung ang isang bagay na kahit hindi mo gustong mangyari pero itinadhanang mangyari, gagawin at gagawin nang pagkakataon ang lahat nang paraan para lang mangyari iyon. Sa kaso nya ngayon, ang pagka-ospital nang ama ang paraan nang pagkakataon para mangyari iyon.
BINABASA MO ANG
Goodbye Freedom, Hello Marriage.
General FictionPaano kaya kung isang araw, malalaman mo nalang na ikakasal ka na pala at di ka man lang binigyan ng choice na humindi.