Pinag-uusapan na nang lahat ang gagawing pagpunta nila sa isang maliit na bayan nang Trinidad para sa gagawing pagdalaw sa pamilya nang Ingrid na sinasabi nang papa nya na kasama sya.Hindi na sya nag-usisa pa sa ama tungkol sa babaeng ito dahil magiging walang kwenta iyon para lang baguhin ang isip nito. Talagang pinal na ang desisyon nitong ipakasal sya nang basta-basta.
May sarili syang plano para hindi sya mapasubo nang maaga. Kailangan nyang makilala muna ang babae para mahanapan nya ito nang baho na maaring ipang laban nya.
Ayaw nya talagang ikasal nalang. For petes sake he's 24. Bata pa sya para isipin ang pagpapakasal na iyan. Hindi pa nga nya na i-establish ang career nya sa sarili nilang film company.
Buti sana kung ang babaeng ito ay galing sa isang Buena klaseng pamilya na maaring makatulong rin sa kompanya. Pero isa lang itong tipikal na probinsyana. Hindi nga nya nabalitaaang may trabaho ito maliban sa pag-aalaga nang ama nito at tindahan nang mga gulay. Paano kung ginayuma o mas malala ay binarang nito ang ama para ipakasal ito sa kanya bilang isang anak mayaman. Possible iyon at naniniwala sya doon dahil sa may napapanood syang mga gayuma o barang sa mga documentary channels.
Nagpaalam syang lalabas lang nang veranda at magpapahangin lang.
Hindi naman sya interesado sa mga pinag-uusapan sa loob.
"Gusto mong uminom?" mula sa likuran nya ay nagsalita ang kapatid nyang si Stefan. Umiling na lamang sya. Hindi sya umiinom at kahit pa asar na sya sa mga nangyayari ay hindi nya babaguhin ang sariling limitasyon.
"Alam mo bang noong panahong pinaplano din nina papa ang pagpunta sa lugar nang ate Amanda mo ay gusto ko nang tumalon sa rooftop nang building?" agad syang napalingon rito.
"Talaga? Bakit Kuya?"
Napatawa muna ito bago sumagot. "Ayokong ikasal nun. Hindi lang dahil sa hindi ko kilala ang ate mo noon at ayaw kong mawalan nang mana. May mahal ako noon." Saad nito.
"Anung nangyari?" curious sya sa nangyari noon sa kuya nya. 15 years old pa lang sya noon kaya hindi nya pa maintindihan ang mga nangyayari noon sa kapatid.
"Wala akong ibang pagpipilian. Pumayag ako dahil iyon ang gusto ni Papa. Pagdating naming nang sa San Isidro, nagpaalam ako kay papa na bago pumunta sa bahay nang mapapangasawa ko ay maglilibot muna ako sa palengke."
"Hindi mo binalak na tumakas?" agad nyang tanong.
"May makakatakas ba kay Papa? Naiisip palang natin, yang si Papa may sulosyon na. Gusto ko lang talaga noon ang maglibot para naman ihanda ang sarili ko sa sapilitang kasal na gusto ni Papa." Napangiti agad ito na para bang may naaaalalang maganda. "Sa paglibot ko, may nakabunggo akong babae. Totoong napahinto ang mundo ko nang makita ko sya at literal na nakalimutan ko ang nobya kong si Tess noon. Ang gaan nang pakiramdam ko sa babaeng iyon kahit na sobrang pawis sya habang dala-dala ang mga supot nang gulay at karne."
"Sino ba yung babaeng yun?" imbes na sagutin ang tanong nya ay nagpatuloy lang ito sa pagku-kwento.
"Tinulungan ko sya kahit pinapagalitan nya na ako dahil nagmamadali daw sya. Nakalimutan ko ang problema ko nun at ang tangi kong iniisip habang papunta na ako sa bahay nang ate mo ay ang babaeng nakabunggo ko. Hiniling ko pa na sana swertehin ako sa kasalang nasadlakan ko at sana ang babaeng iyon na lang ang ipakasal sa akin." Naging napakatamis na nang ngiti nang kapatid habang nagku-kwento. "Minsan, sa isang napaka hindi ordinaryong pagkakataon pa natin nahahanap ang taong mamahalin natin nang sobra pa sa inaakala nating kaya nating ibigay."
Napaisip sya sa sinabi nang kapatid. "Si Ate Amanda ang babaeng nakabangga mo Kuya?" mangha nyang tanung. Tumango ang Kuya nya bilang sagot.
"Santi, hayaan mo nalang si Papa sa naiisip nya ngayon sayo. Tingnan mo muna ang babaeng gusto nya para sayo saka ka manghusga." Saad nito na animoy nakakabasa ito nang isip. "Wala ka namang nobya ngayon kaya walang mawawala sayo. Saka kung hindi mo talaga matututunang mahalin ang babaeng iyon ay uso naman ang annulment." Simpleng saad nito na para bang isang simpleng bagay ang salitang annulment.
Kahit maloko syang tao ay nirerespeto nya ang salitang kasal at hindi kasama roon ang salitang annulment.
"Kuya, paano na yung dati mong nobya?" gusto nyang malaman kung ano ang nangyari rito at sa sinasabi nitong Tess.
Napatawa na naman ito na para bang nakakatawa ang naging tanung nya. "Nalaman nang Papa na peni-perahan lang pala ako ni Tess." Sagot nito. "Pag-isipan mo Santi, bakit ba ito ginagawa ni Papa kung sa tingin nya ay wala itong patutunguhan?"
Oo nga! Bakit nga ba ito ginagawa ni Papa?
"Makikita mo rin balang araw Santi. Mabuti man o hindi ang patutunguhan nang lahat nang ito ay may dahilan ang lahat. Pasasalamatan mo rin si Papa." Makabuluhang saad nito bago muling pumasok nang bahay.
Paano nga ba kung katulad nang kuya nya ay ang babaeng nagngangalang Ingrid rin ang tadhana nya?
Wala naman syang nobya kaya bakit hindi nya subukan.
BINABASA MO ANG
Goodbye Freedom, Hello Marriage.
General FictionPaano kaya kung isang araw, malalaman mo nalang na ikakasal ka na pala at di ka man lang binigyan ng choice na humindi.