Masayang naglalakad sa gulayan ang ama nya at si Mang Agustin habang hindi nya alam kung saan nagsosout ang kapatid at hipag nya.
Alam nyang sinadya nang mga ito na umalis para na rin daw makapag-usap sila ni Ingrid. Hindi alam nang mga ito nan aka-engkwentro nya na ang dalaga.
Oh! Kumain ka. Padabog na saad nito saka inilapag sa side table ang isang pagkaing hindi nya alam kung ano. Minatamis na gabi yan. Pangalan nito sa pagkain. Wag kang mag-alala, walang lason yan. Wala pa akong balak na lasunin ka.
Wala pa?
Wala pa? so lalasunin mo talaga ako? manghang tanung nya.
Gusto mong magbago ang isip ko? agad na pagmamaldita nito. Look Baste. . .
Santi. Pagtatama nya sa tawag nito.
Yeah! Whatever. Alam mo naman siguro na ayaw na ayaw ko ngayon sa mga nangyayari, nararamdaman mo naman siguro.
Ramdam na ramdam. Bulong nya. Pinandilatan sya nito dahil sinaya na namang marinig nito iyon.
Ayokong magpakasal sayo hindi lang dahil sa hindi kita gusto. Ayoko pang makasal. Marami pa akong gusting mangyari sa buhay ko. Deritsang saad nito.
The feeling is mutual Ingrid. I dont want to be stuck in anyones life kasi wala pa sa bokabularyo ko ang pag-aasawa. Alam nyang isang malaking responsibilidad iyon at ayaw nyang pasukin ang isang responsiilidad kasama nang taong hindi nya gusto. Mas mahihirapan sya- sila.
Ngayon sasabihin ko sayo ang rason kung bakit hindi ako maka-hindi sa kasunduan na ito para naman malinaw sayo.
Kinuha nya ang tinidor at sinubo ang sinasabi nitong minatamis na gabi. Masarap, hindi nya iyon ipagkakaila.
May sakit si Tatay sa puso. Muntikan na rin syang kuhanin sakin at ayaw kong mangyari yun pag nagpakita ako nang grabeng disgusto sa desisyon ginawa nya para sa buhay ko. Si Tatay na lang ang natitira sakin kaya ayokong humindi sa harapan nya. Saad nito.
So may plano kang naiisip? tanung nya rito habang tuloy pa rin ang kain nya. Masarap kasi talaga.
Easy! Pakikisamahan natin ang gusto nila. Patatagalin natin ang proseso para sa kasal. Ipapakita natin sa kanila na hindi tayo magkakasudo sa mga bagay-bagay hanggang sa maisip nilang isang maling desisyon ang ipakasal tayo. Saad nito na para bang ilang buwan na naitong pinagplanuhan ang nasabi.
May punto ito. Pwede nilang gawin iyon. Ipapakita nila sa mga matatanda na hindi sila magkasundo-sundo para isipin nang mga ito na isang kahibangan kung makakasal silang hindi naman sila magkaintindihan.
Hindi mahirap at magiging effortless yang naiisip mo. Sige payag ako. Binigyan lang sya nang isang nakakalokang ngiti nang babae saka ito tumayo at pumasok nang kusina.
BINABASA MO ANG
Goodbye Freedom, Hello Marriage.
Ficción GeneralPaano kaya kung isang araw, malalaman mo nalang na ikakasal ka na pala at di ka man lang binigyan ng choice na humindi.