Sabi nga nila, ang buhay ay napaka-unpredictable. Kung kelan ay okay ka na saka ka naman magsisisi kung bakit pumayag kang maging okie nalang. Kung kelan ay tanggap mo na, saka naman ipagduduldulan nang pagkakataon na ang buhay ay hindi lang basta isang desisyon na basta na lang aayon sa pamantayan mo.
Napaka-traydor nang pagkakataon!
Halos mapanganga sya nang makita ang babaeng palabas nang kusina na gawa sa kawayan at mas mataas nang ilang baitang kumpara sa salas na gawa sa semento na hindi naman pulido ang finishing.
Naka tee shirt lang ito at palda na hanggang ibaba nang tuhod ang haba pero dinaig pa ata nang dalaga ang ibang artista nila dahil sa lakas nang dating nito.
Napatikhim ang hipag nyang si Amanda kaya agad syang napalingon rito. Kakaiba ang ngiti nito sa kanya na para bang alam nito ang pinakakatago nyang sekreto.
"Ingrid, ito nga pala si Santi." Pakilala nang ama nito sa kanya.
Ang hindi inaasahang maanghang na irap ang syang natanggap nya sa dalaga bago nya nakita ang praktisado nitong ngiti.
Para syang nagising sa isang napakagandang bangungot. Mukha na kasing bangungot ang babae. Ang ikinais nya pa ay nahagikhikan ang magaling nyang kapatid at hipag sa tabi nya.
"Magandang araw po!" yumuko ang dalaga bilang galang pero nakita nyang sinamaan sya nito nang tingin na sinigurado nitong hindi mapapansin nang dalawang matanda sa kwartong iyon.
Anong problema nang babaeng ito at kulang nalang ay bumulagta sya sa talim nang mga tingin nito.
"Nako Balae, magiging napakaganda nang magiging apo natin sa gandang dalaga nang iyong anak." Saad nang papa nya.
Gusto nyang pangilabutan. Nakakabakla mang pakinggan pero iyon ang totoo.
Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagtagis-bagang nang babae pero nang lingunin ito nang sariling ama ay napalitan iyon nang isang napakatamis na ngiti. Baliw na babae.
Isa kaagad ang pumasok sa isip nya.
Aayaw sya sa kahibangang ito. Babaeng dragon na nababalat-kayong aso- este tupa pala!
BINABASA MO ANG
Goodbye Freedom, Hello Marriage.
General FictionPaano kaya kung isang araw, malalaman mo nalang na ikakasal ka na pala at di ka man lang binigyan ng choice na humindi.