Maganda ang simoy nang hangin sa probinsya dahil sa wala masyadong sasakyan at ang mga puno ay halos magsiksikan sa dami pero hindi nya iyon maramdam. Kanina pa umiinit ang ulo nya sa mukha nang babaeng pinangalanang Ingrid.
"Kasing bantot nang pangalan nya ang mukha at ugali n. . ." hindi pa nya natatapos ang sinasabi nang may bigla nalang nambatok sa kanya at hindi pa sya nakakapag-react sa sakit na nararamdaman nang bigla nalang syang hinatak nang kung sino mang animal na nambatok sa kanya.
Speaking of de animal. . .
"Hindi mabantot ang pangalan ko kung ikukumpara sayo Santiago Gabriel at wag mong maidadamay ang mukha at ugali ko dahil naamoy kong mas masahol ang kabantutan nang ugali mo." Halos lumuwa na ang mga mata nito habang halos lulunin sya nang bou sa lapit nito sa mukha nya.
Napakaganda nga nang mukha nito. Napakaitim nang mata at napakahaba nang tuwid nitong pilik-mata. Hindi matangos ang ilong nito pero hindi naman iyon pandak at ang mga labi nito. . .
"Wag kang tumitig, hindi nakakatuwa." At doon nagtatapos ang pantasya nya. Nagising na naman sya sa isang napakagandang bangungot. "Sino ka ba ha? Bakit bigla nalang naisipang ipakasal tayo nang papa mo at papa ko?" bakas sa mukha nito ang inis.
So mali ang unang inakala nyang ginayuma o binarang nito ang papa nya para maipakasal sa isang mayaman.
"Hoy lalaki sumagot ka kung ayaw mong putulin ko nang tuluyan iyang dila mong hindi napapakinabangan." Kwenilyuhan lang naman sya nang babaeng amazonang ito.
Agad nyang tinabig ang pagkaka-kwelo nito sa kanya.
"Itanong mo yan sa parehong tatay natin dahil hindi lang ikaw ang naguguluhan at nangungunsimi sa mga nangyayari. Ayoko pang ikasal at kung sayo lang eh! Talagang paninindigan ko yun. . . Aray!" halos mahimatay sya sa sakit nang paa nang bigla nalang nitong inapakan iyon. "Problema mo?" sigaw nya. Yung paa nya, parang mamamatayan sya nang kuko sa sakit.
"Ikaw lang ba ang ayaw ha? Punyeta, nananahimik ang buhay ko rito pero nagulo na lang at hindi ako makahindi." Kung umasta itong babaeng ito ay parang kasalanan nya ang lahat. Biktima din kaya sya sa magpaglarong pagkakataon.
"Bakit hindi ka makahindi?" tanung nya. Gusto kong pagsisihan iyon dahil pinandilatan nya ako nang mata kasabay sigaw sa mukha ko.
"Katulad nang hindi ka maka-hindi sa Tatay mo ungas."
"Hoy! Babae hindi ungas ang tatay ko."
"Hoy! Lalaki, wag kang tanga. Hindi ang tatay mo ang ungas kundi ikaw." Pinaglihi yata sa sigaw itong babaeng ito.
"Makatanga ka naman." Reklamo nya. Namumuro na itong babaeng ito sa kanya.
"Bakit hindi ba?" maangas nitong tanung sa kanya. Hindi nalang sya nagsalita dahil ngayon pa lang ay alam nyang hindi kumikilala nang pagkatalo ang babaeng ito.
Biglang tumunog ang cellphone nito. Isang outdated na ringtone na kasing outdated nang inilabas nitong cellphone.
NOKIA 3315
"Hello Aling Simang?" sagot nito sa kausap. Kung hindi ito magsasalita ay mapagkakamalan mo itong anghel na nahulog sa langit. Isang demonyita palang umakyat sa lupa at nagbalat-kayo bilang isang magandang dilag.
Hindi nya itatangging maganda ang babae kahit napaka-simple nito.
"Ayy! Opo Aling Simang. Mamayang hapon po ay ihahatid ko dyan ang mga gulay at bulaklak na gusto nyo. May mahalagang bwesita- este bisita po kasi si Papang ngayon na kailangan kong asikasuhin." Andun na naman ang titig nitong napakatalim.
Pati tabas nang dila nito ay matalim.
"Sige po Aling Simang. Si Emilio po ang sasakyan ko para makarating agad dyan." Saglit itong natigil. "Ayy! Opo, magaling na si Emilio at sumisipa na rin. Mahirap sakyan pag may sakit, wala po syang gana."
Halos lumuwa ang mata nya sa narinig.
Itong klaseng babae ang gustong ipakasal sa kanya?
"Sige po." Matapos ang tawag na iyon at agad syang binatukan nang dalaga, na naman.
"Ano na naman bang problema mo Ingrid?" naiinis na sya rito. Napakapisikal.
"Alam ko ang tumatakbo dyan sa isip mo hoy! Ipasipa kita kay Emilio eh!"
Sino ba itong Emiliong ito?
As if on cue ay biglang nag-ingay ang kabayo sa may puno nang mangga na malapit lang sa kinatatayuan nila.
"Tinatanong mo kung sino si Emilio. Ayan," sabay turo sa kabayo.
At dahil hindi pumayag ang pride nya. "Hindi ako interesado. Saka ano ka phycologist, para basahin ang nasa isip ko?" marunong din magtaray ang lalaki.
"Gusto mo pakita o sayo lisensya ko?" pero mas masahol magtaray ang babae.
"Weeh? Phycologist ka?" hindi makapaniwalang tanong nya. Akala nya highschool graduate lang ito at nag-aalaga nang tatay at pananim na gulay.
"Isang tanong mo pa at isasampal ko sayo ang lisensya ko." Seryosong saad nito. "Akala mo siguro sa akin nuh, mangmang." Saaad nito saka pumasok nang muli sa bahay-nito, bahay nito.
Ano ba itong gulong napasukan nya?
BINABASA MO ANG
Goodbye Freedom, Hello Marriage.
Fiction généralePaano kaya kung isang araw, malalaman mo nalang na ikakasal ka na pala at di ka man lang binigyan ng choice na humindi.