NAGISING si Rose na iba ang paligid. Maaliwalas. Payapa. Salungat sa huling lugar na naalala niya.
Parang dinaganan ng elepante ang buong katawan niya.
She scanned the place.
She was in the hospital? Paanong...
"Rose. Salamat sa Diyos. Nagising ka na rin. Kumusta ang pakiramdam mo?" Si Drek. Puno ng pag-alala ang mukha nito. Pwede ng masabitan ang mga eyebags nito. Namumula na rin ang mga mata. Maputla.
Pinilit niyang umupo. Inalalayan siya ng lalaki.
Naka-IV drip siya.
"Si M-Manang? Are you even alive? You look like a zombie, by the way."
God. Please let her be alive. Hindi niya mapapatawad ang sarili oras na may mangyari sa babae. As cliche it may sound.
"Rose..."
"What? Don't tell me-" Last thing she remembered was the gunshots. What happened to those men? "Oh, God." Nanginig ang mga kamay niya.
It was all her fault. It was her overconfidence that led her to her own demise. Kung hindi lang siya nagpadalos-dalos, hindi sana ay buhay pa si Manang Corazon.
Everybody left her.
Walang natira.
Walang ano-ano naramdaman niya ang kamay ni Drek na pinunasan ang kanyang mga luha.
He exhaled. He badly needed a rest. Kung nagpatuloy ito, baka ito naman ang maospital.
"Relax. She's fine. Thankfully...na-locate rin naman ang lokasyon ng pinagdalhan sa inyo. With Charinda's help. Nakipag-coordinate na rin kami sa mga police. W-we found you unconscious while tied on a chair. Pati si Manang duguan. Thankfully hindi sa critical area ng katawan niya siya nabaril. Those men where still inexperienced when it comes to firing a gun."
Napahinga siya nang maluwag. "Did you kill them?"
"No. Nasa kustodiya na sila ng mga pulis. They were charged with kidnapping. Do not worry. They never be able to approach you. I will make certain of that."
"I will be the one who will kill all of them. Hindi ko sila mapapatawad sa pagdamay kay Manang. Oras na para singilin ang ginawa nilang lahat sa akin. And that woman behind my kidnapping two years ago...I will hunt her down."
"Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo? Kasalanan ang pagpatay, Rose."
"At hindi kasalanan ang ginawa nila sa akin? They ruined me, Drek. Hindi na ako katulad ng dati. And do you know what's worst? I'm afraid of what I'll become. A criminal. But they need to pay everything."
"Ginagawa na nila ang lahat. Ang mga pulis. Madadakip din ang utak ng pagdukot sa iyo."
"I doubt that. Wala silang nagawa noon."
"It was because akala ng daddy mo nagliwaliw ka lang sa ibang bansa. It was your attitude, Rose. Na umalis without even informing your family kung nasaan ka. Ginawa mo iyan noon nang pumunta tayo kina Ate Dina."
"Hinanap sana ninyo ako. All of you should at least think na baka may masamang nangyari na sa akin. I tried to call for you, Drek. For daddy. Ngunit hindi ninyo ako nadinig. Wala kayong ginawa!" she shouted.
It was wrong of her to shout at him. Wala naman talaga itong kasalanan. Siya ang may kasalanan dahil nag-expect siya na may darating na tulong. She was too scared at that time.
"Nobody came...nobody." Tears flowed at her cheeks.
Akma nitong papahiran ulit ang mga luha niya ngunit iwinakli niya ang mga ito.
Itinapon siya ng mga dumukot sa kanya sa isang liblib na lugar. Sa pag-aakalang patay na siya. She fought for her life. It was revenge that kept her going.
"Kasalanan namin. I went back to your house. Araw-araw kitang hinahanap kay Manang. Ngunit wala ka. We told your dad ngunit ang sabi niya lang ay baka nasa isang lugar ka lang where you partied and spent your money. We're sorry, Rose."
He was sincere. Nakikita niya ito sa mga mata ng lalaki but she couldn't forgive him.
"Nagpapasalamat ako kay Bato at nakita niya ako. You know the rest of the story."
Pinahid niya ang mga luha. This will be the last that she will cry.
"You know what? You should go. Umuwi ka na sa inyo."
"Uuwi ako para pagbalik ko wala ka na naman ulit? No way! I'll stay here. Hindi ko na hahayaang mawala ka ulit. I will protect you, Rose. Pangako. Wala ng sinuman ang makakapanakit sa iyo."
She tried to find any lies at his eyes but couldn't find it. "Why are you doing this? Naging close ba kayo ni daddy at binigyan ka ng malaking halaga para sabihin iyan?"
"Tama ka sa part na naging close kami ng daddy mo. Pero hindi niya ako binigyan ng pera. At kung bibigyan man, hindi ko tatanggapin."
Kumuha ito ng isang saging at isinubo iyon. "Lies. I don't need you. Go away!" pagtataboy niya sa lalaki.
Babawiin na muna niya ang lakas niya bago sisimulan ang mga plano. She will hunt the woman behind this. She was hiding for too long already.
"I won't. Kailangan mong pagtiyagaan ang presensya ko."
Binato niya ang unan sa lalaki. "Nuisance," bulong niya.
She had two plans. First. To find that woman. Second. To run away from this man. Top priority niya ang pangalawa. And she needed her energy to do that.
YOU ARE READING
Only Rose
ChickLitNawasak ang puso ni Rose nang malamang ikakasal na ang nag-iisang lalaking minahal niya at binigay ang lahat-lahat sa kanya. When she was drowning from the pain, nakilala niya si Drek. He irritated her and always quarreled with her. But the man was...