EIGHT

46 1 0
                                    

SOMEONE was watching them.

Iyon ang napagtanto ni Rose kung bakit nagising siya. Naghihilik sa tabi niya si Drek. Tulog mantika pa ito.

She scanned her surroundings and stopped. Sa hindi kalayuan, nakatingin sa kanya ang isang babae. Naliligo ito sa liwanag na nanggagaling sa itaas na butas ng kweba. May nakapulupot na mga bulaklak sa ulo nito at nakasuot ng damit ng isang katutubo. Kulot ang buhok nito, halos masunog na ang balat subalit hindi maitatago ang angkin nitong kagandahan. She should model one of her dresses!
Bumangon siya na siya namang ikinaatras ng babae.

“Sandali. Hindi ako masama. Gusto kong makipag-usap sa iyo.”

Nagpalinga-linga ito na parang natatakot at tumakbo.

Hindi ka makakawala sa akin.

ROSE lost the woman.

Paikot-ikot lang siya sa kagubatan. Nakalabas na rin siya ng kweba ngunit hindi na makita ang babae.
Sayang.

Laglag ang balikat na babalik na sana siya sa pinanggalingan nang may magsalita.

“Bakit mo ako hinabol?”

She turned. “Ikaw. Gusto kitang makausap. Anong pangalan mo?” Parang hindi man lang ito pinagpapawisan sa pagtakbo. Tumakbo ng ba ito o siya lang ang naghabol dito?

Kunsabagay, mas kilala nito ang pasikot-sikot ng lugar.

“Liwayway. Bakit kayo roon natulog sa kweba? Itinuturing namin iyong sagradong lugar. Walang sinuman ang basta-basta nakakapasok doon kung hindi gumagawa ng ritual mula sa aming nakakatanda. Kung ayaw ninyong mapahamak kayong dalawa, unat, umalis na kayo. Hindi ninyo gugustuhin ang parusang igagawad sa inyo.”

“Huwag kang mag-alala sa amin.”

“Hindi ako nag-aalalala. Ayoko lang mabahiran ang kabanalan ng kweba.”

“Liwayway, hindi kita hinabol para pagsabihan mo. Gusto kitang alukin bilang isang modelo sa mga binebenta kong damit. Suotin mo lang ang mga damit na ibenebenta ko, mag-pose sa harap ng camera at tapos na.”

“Gusto mong talikuran ko ang aking tribo at sumama sa iyo? Hindi pa nga kita kilala.”

Inilahad ni Rose ang kanyang palad. “Rose Enriquez. Nagmula ako sa Maynila at napunta lang dito nang sumama ako kay Drek. Na-bored ako roon sa bahay at naghahanap ng mga adventures kaya dito ako dinala. Well, tatanggapin mo ba ang alok ko?”

Tinitingnan lang nito ang kamay niya.
Relax. You don’t want her to be scared, right?

Gagawa siya ng mga damit para lang sa babae. Syempre, marami ang tatanggkilik sa product niya dahil siya si Rose Enriquez.

“Nagsasayang ka lang ng laway. Mahigpit ang tribo namin sa mga taga-labas. Oras na makita nilang nakikipag-usap ako sa mga katulad mo, paparusan nila ako. Ayokong mangyari iyon.”

“Hindi ako magagalaw ng tribo mo.”

“Iyon ang akala mo. Ang dami mong kumpiyansa sa sarili mo. Kung ka-tribo lamang kita, mararamdaman mo ang takot na nararamdaman ko para sa inyo.
Sapat na ang tulog ninyo. Umalis na kayo.”
Why do people always keep on pushing her away?

Humakbang paatras si Liwayway.

No! Baka hindi na niya makita ang babae! She can easily find someone better than this woman but she wanted her! Not in a romantic way.

“Hear me out, will you?”

“Mapanganib ang lugar na ito. Bumalik na kayo sa pinanggalingan ninyo,” babala nito at tuluyang nilamon ng kagubatan.

Susundan na sana ulit niya ang babae nang may pumigil sa kanyang braso.
Paglingon niya, bumungad sa kanya ang nagdidilim na mukha ni Drek.

“Babae, alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mong ito?”

Iwinakli niya ang kamay nito. “Hindi.”

“Pwes, hayaan mong sabihin ko. Noong bata pa ako, isang hunter ang umuwing gutay-gutay na ang katawan. Nilapa siya ng mababangis na hayop. May isa ring nagkalasog-lasog ang katawan nang mahulog mula sa ibabaw. Hindi niya nakita ang bangin.”

“Why do you care? This is my life. Kung ano man ang mangyari sa buhay ko, wala kang pakialam.”

“Heto na naman ba tayo? Pinapairal mo na naman ang katalasan ng dila mo, Rose,” paalala nito.

“Drek, kung ayaw mong makonsumisyon sa ugali kong ito, mas mabuti pang hayaan mo na lang ako. Eh, ganito talaga ako.”

“May nakapagsabi na ba sa iyo kung gaano ka kasakit sa ulo? Papatayin mo ba ako sa pag-aalala?”

She struggled to find the words to answer him.

Why was he again worried? Wala naman itong pakialam sa kanya. As far as she knew, ayaw nito sa kanya dahil sa ugali niya.

Marahang ipinikit ni Drek ang mga mata habang minamasahe ang noo.
“Will I be happy?”

“No. Dapat kang matakot. Hindi ako natutuwa.”

“Sino ba namang natutuwa kapag nag-aalala?”

“Talaga, Rose? Nagawa mo pang itanong sa akin iyan kahit gustong-gusto kitang sakalin?”

Pinandilatan niya ito. “Subukan mo nang makilala mo ang kamao ko.”

Napabuntong-hininga ito. “Seriously, Rose. Don’t ever do that again. Akala ko kinaladkad ka na ng mababangis na hayop dito.”

Tumaas ang kilay niya. “Bakit ka nag-aalala?” tanong niya sa mahinang boses.

She always felt that nobody worries for her. Except kay Manang Cora at sa Daddy niya. Kahit na kay Kadriel, hindi niya naramdaman na nag-aalala ito para sa kanya.

“Ah, I get it. You’re having a crush on me.”

Napaatras ito. “H-hindi, ah! Anong pinagsasabi mo? Umalis na nga tayo.”

Tinalikuran siya nito at nagpatiunang naglakad.

Napangiti si Rose.

Drek, bakit para kang teenager umasta? You can’t even handle the situations that I am throwing at you.

Only Rose Where stories live. Discover now