WALANG magawa si Rose.
Inip na inip na siya. Nangangati na ang mga kamay niya upang pindutin ang numero sa cell phone niya subalit nagpigil siya. She was dying for the man that she badly missed. Her darling. Kadriel.
For one month, hindi na muna siya mangingialam sa mga boutiques niya. They were in good hands. Pinamamahalaan ito ng isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan niyang tauhan. She had a lot of boutiques distributed all over the country as well as outside.
What then?
It was her father's idea for her to rest and enjoy. He even suggested her to travel abroad but she was through with that. Sawa na siya. Gusto niyang may makasama naman sa paglibot.
Who was she kidding?
Nothing matters anymore. The man she loved, Kadriel was getting married. He was with the woman he loved. Damn that Charinda woman. Kung hindi lang ito dumating sa buhay ni Kadriel, masaya pa sana sila ngayon. Masaya pa sana siya ngayon.
Charinda stole him away from her. Siya ang unang nakilala ni Kadriel. They were very happy with each other's arm. She thought it was them who will walk down the aisle.
No one can replace Kadriel. Walang lalaking makakapantay sa angkin nitong kagwapuhan at kayamanan. He existed for her. She should be the one with him right now. Hindi rin ang kagwapuhan at kayamanan nito ang habol niya. She was already rich for crying out loud! She was not even boasting. She was stating a fact.
Kadriel was warm and kind. Naramdaman niya rito ang pagmamahal na hindi niya naramdaman sa ibang mga lalaki.
"Ay, sorry gyud, Rose. Mubalik na lang ko," ani ni Aling Corazon, ang katiwala niya sa bahay. Ito ang naglilinis sa bahay niya at siya na ring tagaluto niya. Matagal ng naninilbihan ang pamilya nito sa kanila kaya pamilya na rin ang turing niya sa ginang.
"Bakit po, Manang Cora?"
Kaya pala hindi na ito makatingin sa kanya sa mga mata. She was crying without even realizing it! Nakakahiya! Isang Rose Enriquez? Iiyak? Goodness. It was not acceptable.
"Kuan...dumating na kasi iyong tubero. Naguba man ang gripo."
Tubong-Iligan City ang pamilya nito sa Mindanao. Matagal na ito sa Luzon pero hanga pa rin siya at hindi nito nakakalimutan ang mother tongue nito. Pati siya, natututo na rin ng lenggwahe nito pero hindi ganoon kagaling magsalita. Isa rin sa rason kung bakit mahilig siyang maglakbay sa ibang bansa ay dahil gusto niyang malaman ang iba't ibang kultura ng mga taga-roon. But she made a mistake. Inuna niya ang labas ng bansa kaysa sa Pilipinas na pipilitin niyang makabawi. One of these days, kung hindi na siya tatamarin, lilibutin niya ang sariling bansa.
Napakaraming magagandang tanawin ang Pilipinas na lubos na pinagmamalaki ng mga Pilipino.
Bumangon siya mula sa pagdapa sa sofa sa may sala. Pinatay niya ang telebisyon at itinuon ang atensyon sa ginang. "Bakit ngayon lang po ninyo sinabi?"
"Dili lang ko gustong ma-istorbo pa ka. Unsa man ang problema, Nak?"
Ayaw siya nitong abalahin dahil alam nito ang pinagdaraanan niya. Hindi siya makakawala rito. Ito ang pumalit sa namayapa niyang ina. Malaki ang pasasalamat niya rito. Tanggap nito ang lahat ng masasamang ugali niya. She was the only person who knew her. Not even Kadriel knew her unlike her.
She treated her like her very own child and everytime she remembered the loved that she showered for her, it melts her hurt. She wouldn't hurt her. She couldn't afforfd to do that.
"Nasaan po iyong tubero? Papasukin ni'yo na lang po."
Nagliwanag ang mukha nito saka tinawag ang isang panlalaking pangalan.
YOU ARE READING
Only Rose
ChickLitNawasak ang puso ni Rose nang malamang ikakasal na ang nag-iisang lalaking minahal niya at binigay ang lahat-lahat sa kanya. When she was drowning from the pain, nakilala niya si Drek. He irritated her and always quarreled with her. But the man was...