FIVE

83 2 0
                                    

NAALIMPUNGATAN si Rose sa ungol na narinig niya. She looked at the side of the bed. Beads of sweat were on Drek's forehead. He was muttering something that she couldn't understand.

Binabangungot ba siya?

"Drek," tawag niya sa lalaki. Niyugyog niya ito ngunit wala. Hanggang sa isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pisngi nito na naging dahilan upang gumising ito.

Nakahinga siya nang maluwag.

"You're having a bad dream. Saan ka pupunta?"

Basta na lang ito bumangon.

"Sa labas, magpapahangin."

"Your dream. Was it bad?"

"Yes. Ayokong magising ka pa. Babalik ako mamaya. Matulog ka na."

Binuksan nito ang pinto.

Napabuntong-hininga si Rose.

Ni hindi man lang ito makatingin sa kanya. Na-curious tuloy siya kung ano ang panaginip ng lalaki.

Anyways...bahala na siya. Matutulog na ulit ako.

Subalit ang antok na hinihintay niya ay hindi dumating katulad ng paghintay niya sa lalaking nasa labas.

"MAGSUKLAY ka naman, Rosalinda. Parang kinahig ng manok iyang buhok mo," saad ni Drek nang makalabas siya.

Sinamaan lang niya ang tingin.

Late na siya nagising dahil hindi siya kaagad nakabalik ng tulog.

The man was on his usual attitude. Parang hindi nangyari ang nangyari kagabi.

Hubad na naman ang pang-itaas na katawan nito. "Saan ba tayo ngayon?"

"Tayo? May tayo na pala?"

"Don't start with me. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. And please. Don't flaunt your body like an auctioned thing. Walang bibili sa iyo."

"Hindi mo ako bibilhin?"

She looked at him. Did something changed? Bakit napaka-casual na nitong magsalita sa kanya? Na para bang magkaibigan na silang dalawa.

"Hindi ko sasayangin ang pera ko sa iyo."

Hinawakan nito ang tila nasaktang puso. "Ouch. Itinapon mo ba sa akin ang tinik mo, Rosalinda? Dahan-dahan lang. Baka sa sobrang pagtapon mo ng tinik mo, wala ng matirang tinik na magpoprotekta sa bulaklak."

Was that a joke? She waited for him to laugh but nothing.

"I will make another thorn so that I will not be left unprotected." Some emotion crossed his eyes but she was too late to decipher it. "Isa nga pala. Ipapaalam ko lang sa iyo na kailangan mo akong samahan mamaya sa bayan. Bibili ako ng mga damit ko."

"Kaya mo na iyan. Tatawag na lang ako ng habal-habal na masasakyan mo."

"Sasamahan mo ba ako o iyong mga damit mo ang suotin ko?"

"That's not proper thing to do, Rosalinda."

When it comes to proper etiquette, excellent ang lalaking ito. Para pa ngang mas babae pa ito sa mga dapat iwasan sa pagitan ng dalawang babae at lalaki. "So anong desisyon mo?"

"Hindi kita masasamahan sa araw na ito. Manghiram ka na muna ng damit kay Ate Dina. May napaglumaan pa naman siya. Huwag ka na ring mag-inarte na pumili. Kung gusto mong sumama sa gubat mamaya, hahayaan kitang sumama. Kung gusto mo ring maligo, sumama ka. Magdala ka na rin ng sampung container. Mag-iigib pa tayo."

Only Rose Where stories live. Discover now