Smitten and Bitten

14 0 0
                                    

Ang Ferania ay isang lugar kung saan naninirahan ang mga bampira. Nahahati ito sa tatlong antas: ang maharlika, katamtaman, at alipin. Mayroon lamang iisang pamilya sa antas ng maharlika. Ito ay ang pamilyang Fedriarca, kinapapalooban ng isang hari, reyna, at prinsipe. Sila lamang ang maaaring manirahan sa Feranian de Palacio dahilan ng marami nilang katunggali. Ang antas naman ng katamtaman ay binubuo ng mga opisyales at mga bampirang galing sa mayayamang angkan. Ang huli at pinakamababang antas ay ang antas ng alipin. Sila ang kadalasang kinukutya at inaapak-apakan ng may mga matataas na antas dahil sa kanilang kahirapan. Sa antas na ito matatagpuan ni Kallean ang kaniyang iibiging bampira. Kahit sa mababang antas ng babaeng bampira ay nagagawa pa rin nitong maging positibo at tumulong. Dahil sa kabusilakan ng kaniyang puso ay marami siyang nagiging kaibigan at tagahangang bampira. Kinilala siya ng Ferania bilang isang masayahing bampira sa antas ng mga alipin. Subalit lingid sa kanilang kaalaman ang nagkukubling katotohanan. Ang babaeng ito ay hindi lamang isang simpleng bampira na kadalasan mong makikitang nakangiti at tumutulong. Sa likod ng kaniyang pagpapanggap ay ang tiyak na katapusan ng lahat ng kaniyang kinamumuhian.

Smitten and BittenWhere stories live. Discover now