Kabanata 1

9 0 0
                                    

Suviana's POV

"Tulong!" Naningkit ang mga mata ko habang iniestima kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nagpantig ang aking tainga nang may marinig na mabibilis na yabag.

Napalingon ako sa aking kaliwa at tinalasan ang aking paningin. Mayroon akong nakikitang isang bulto ng lalaking tumatakbo patungo sa direksiyon ng sigaw. Napailing ako nang makita ang kaniyang paggalaw. Masiyadong mabagal.

Tumakbo ako patungo sa direksiyong tinutungo ng lalaking tumatakbo. Subalit bumagal ang aking galaw nang madaanan ko iyong lalaki. Isang mortal. Subalit mas mabilis ang kaniyang galaw kaysa sa isang mortal. Nangunot ang aking noo.

Lumabas ang aking mga pangil nang bumaha sa aking pang-amoy ang mabangong amoy ng kaniyang dugo. Nanlaki rin ang mga mata ko nang maramdamang umaalab ang aking mga mata. Tiyak akong nagniningas ito sa kulay kahel kaya naman pinigilan ko ang aking pagkatakam sa mabangong aroma. Isang kalapastanganan.

Hindi pa kailanman ako nawalan ng kontrol sa tuwing may humahalimuyak na dugo ng tao. Tinuruan ko ang aking sarili na pigilan ito dahil tiyak na magagaya ako sa mga walang kwenta at walang utak na mga Varadien. Ipinilig ko ang aking ulo at tumalim ang aking mga mata nang makita nga ang isang Varadien na muntik nang patayin si Eula.

Wala pang isang segundo ay naitulak ko na ang Varadien na nagtangkang patayin ang kapwa niya bampira. Itinago ko si Eula sa aking likod dahil kita ko ang labis niyang pagkabigla at pagkatakot. Halata sa kaniyang maliit na pigura ang panginginig dahil sa kaniyang labis na pag-iyak. Nagtagis ang aking bagang at saka hinarap ang Varadien na nakangisi sa akin. Mukha siyang dumi ng aso, idagdag pa ang kaniyang pagngisi.

Napalingon ako roon sa direksiyon ng lalaking mortal. Agad na nagningas na naman ang aking mata at kusang lumabas ang aking mga pangil. Tinitigan ko nang mabuti iyong lalaki.

Mukha naman siyang isang normal na mortal subalit tiyak akong bihira ang kaniyang mukha. Pati rito sa Ferania ay nakikita kong angat ang kaniyang kakisigan. Mula sa kaniyang may kahabaang buhok na maayos na nakapusod sa may bandang likod ng kaniyang ulo. Kakulay ng kaniyang itim na buhok ang kaniyang makakapal na kilay na animo'y isang daang tagaayos ang gumawa upang maging perpekto ang hugis niyon. Ang kaniyang mga berdeng mata na sumasalamin sa kaniyang pagkatao. Sabayan pa ng kaniyang matangos na ilong na tiyak akong kaiinggitan ng lahat ng kalalakihang makakakita. Pababa sa kaniyang mapupulang labi na bahagyang nakaawang habang nakatitig sa akin. Mas lalong umalab ang aking mga mata nang dumako iyon sa kaniyang leeg. Tila ba inililok iyon dahil sa nakakabighaning hulma nito.

Naramdaman ko na lamang ang aking mga pangil na tila ba sinisilaban sa tanawin. Nakakatukso iyong pagmasdan sa antisipasyong tikman ang kaniyang dugong may bangong tila isang perpektong inumin. Subalit naipilig ko ang aking ulo nang marinig ang isang pagtahol. Nilingon ko iyong Varadien na nakangisi pa rin sa akin.

"The famous Suvania of slave vampires is actually here. I guess the rumor's right. Bukod sa napakaganda mo ay mayroon ka ring busilak na loob. Bakit? Hindi mo makayanang makakita ng isang pulubing kagaya mo na mamatay? Mga wala naman kayong ambag," bago pa madagdagan ang mga basurang inilalabas ng kaniyang bibig ay sinikop ko ang aming pagitan at iniangat siya sa ere.

"Hindi ko maatim na pakinggan ang mga basurang lumalabas sa bibig mo, Varadien." Diretso kong sabi sa kaniyang pagmumukha. Gulat na gulat naman siyang napatitig sa akin. Hindi lang siya tanga, bobo rin. Halatang-halata sa kaniyang postura at paggalaw na isa nga siyang Varadien. Idagdag pa ang umaalingasaw niyang dugo. Nakakadiri.

"Paano mo nalamang isa akong Varadien?" Napailing na lamang ako sa aking isipan. Ganoon ba talaga katanga ang mga Varadien upang hindi nila matanto na lahat ng kanilang mga galaw ay may iisang tunguhin? Mga bobo.

Smitten and BittenWhere stories live. Discover now