CONTINUATION

4.9K 23 0
                                    

“Walang bago, late nanaman si Jesslie.”

As usual kaming tatlo nanaman ni Amanda at Joylyn ang nauna dito sa Tagaytay Picnic Grove. Dito uli namin tinayo ang mga tent namin sa tapat ng  malaking puno na inukitan ni Jesslie ng mga pangalan namin.

Siguro nga ay taon taon na kaming pupunta dito sa Tagaytay upang magsama-sama at mukhang magiging routine na namin ito sa mga susunod pang mga taon.

May trabaho sana ako ngayon pero nung isang araw ay nag-file na ako ng leave dahil babyahe kami ng fiancé ko sa Canada para maipakilala ko na rin siya sa mga pamilya ko sa mother side.

Naeexcite ako pero may halong pagkalungkot ang nararamdaman ko. Una dahil first time kong aalis ng bansa. Pangalawa ay maiiwan ko ang mga kaibigan ko.

Nag-iihaw sila Amanda at Joylyn ng bangus. Si Amanda ang taga paypay at si Joylyn naman ang taga-ihaw. Nakangiti lang akong pinagmamasdan sila.

Makalipas pa ang ilan pang mga minuto ay nakita na namin ang baklang talakitok na palaging late. Nang binaba niya na ang mga dala niyang gamit ay tsaka siya nakihalubilo sa amin. Tapos na rin silang mag-ihaw kaya kumain na kami.

“Late ka nanaman baklang bonak!!!” medyo nanggigigil na sabi ni Joylyn habang kumakain kami.

Inihaw na bangus na may partner na kamatis at toyomansi sa kanin ang kinakain namin ngayong tanghalian. Maaga aga kasi ang napag-usapan naming pumunta dito dahil nga gusto naming subukan ang mga rides sa Skyranch.

“Paanong hindi malalate, eh dinumog ako ng mga fans ko paglabas ko pa lang ng bahay ko.” pagmamayabang ni Jesslie.

“Ang yabang ah, parang may gintong kutsara ang bibig ah. Pareparehas lang tayong slapsoil noon no! Kaya huwag mo'kong artehan hahahahahaha!” sapaw ni Amanda.

“Wow!! Porket nakatungtong na sa Japan, ginaganyan mo na kami ha? Panget niyo kabonding HAHAHAHAHA.” pagbibiro naman ni Jesslie at nag-aambaan na silang dalawa.

“Hoy Amanda! Ako lang dapat nang-aaway diyan kay Jesslie! Hahahahahaha!” pag-aawat naman ni Joylyn. “Sa sobrang bonak niyong dalawa ay di niyo na napapansin ang may pinakamalakas na mang-asar dito ay nananahimik.” dahan dahang tumingin sa akin ang tatlo na kitang kita sa mga mukha nila ang pagtataka.

“Oo nga no! Anong iniisip netong babaeng 'to! Tite nanaman ba nasa isip mo?” diretsahang tanong ni Jesslie..

“Tite! Tite! Tite!” parang nagrarally na sigaw ni Joylyn.

“Hoy may bata dito! Ano ba kayo huhu.” kunwaring batang ayaw makarinig ng tite.

Naririndi ako! Ang iingay niyong tatlo! Hindi niyo ba naiisip na kaya ako tahimik dahil nag-iisip ako.naririnding sabi ko kaya lalo silang nagtaka.

“Ano ba iniisip mo? Eh pare-pareho lang tayong walang isip dito.” ani Joylyn.

“Eh kasi nga kinakabahan ako. Pupunta kaming Canada ni Zavier. Gusto kasi siyang makita ng mga tita ko sa mother side. Eh mga basherist pa naman 'yung mga 'yon. Baka ayaw nila kay Zavier tapos mapahiya lang ako.” salaysay ko. “Amanda, ikaw 'yung may experience sa ibang bansa. Anong ganap don? Masaya ba kapag nasa ibang bansa ka? Malayo sa pamilya at kaibigan?” dagdag na tanong ko.

Walking in Canada's Crossroad (Travel Series #2) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon