Chapter 01

4.3K 17 9
                                    

Aaliyah Mae's Point of View

"Gago ka wag mong isagad! First time ko lang!"

Naiinis kong sigaw kay Zavier dahil kung kailang nasa dulo na kami ng pag-sesex ay agad niya namang sinagad. Hindi ko alam kung nawarak ba ng tuluyan dahil sa laking pulgada ng Little Zavier niya pero feel na feel ko ang sakit.

"Paabot nga ng pamunas para makatayo na ako dito." singhal ko pa sa kanya habang tinuturo ang damit na suot suot ko kanina para ipangpunas ko sa kumalat na puting likido sa katawan ko.

"Sabay tayo magshower?" kumikindat kindat pang tanong niya sa akin.

"Pakindat kindat ka pa! Tusukin ko mata mo eh. Puro sarap ka lang eh, ako naghihirap dito. Itayo mo'ko dito!" singhal ko sa kanya dahil sobra talagang nananakit ang palayaw ni Rizal ko-di mo gets? Palayaw ni Rizal ay Pepe. Hirap tuloy akong makatayo dito sa kama.

Nang makapunta na ako sa c.r ay agad kong ni-lock ang pinto dahil alam kong kukulitin ako nun ni Zavier. Ansakit sakit na nga ni Rizal tapos gusto pa uli umisa ng TIThEodora Alonzo niya.

Nandito na kami ngayon sa Toronto, Canada. Lunes ngayon at kararating lang talaga namin kaninang madaling araw. Etong si Zavier pinilit akong binyagan daw namin itong Condotel na nirentahan namin ng isang buwan.

Masaya naman ang naging unang araw ko dito sa Canada at alam kong mas magiging masaya pa ako sa mga susunod pang mga araw.

Pagkatapos kong magshower ay nagpatuyo muna ako at hubo't hubad ng lumabas sa c.r at doon nalang sa kwarto magbibihis. Hindi naman na bigdeal na makita 'to ni Zavier dahil nakita niya na ang lahat ng ito.

Nang makita ako ni Zavier na nagbibihis ay siya naman ang next na naligo.

First time kong makakagala dito sa Canada dahil mostly sa trabaho ko ay palaging nasa eroplano ako o kaya naman ay kapag nagkakaaberya ay ilang mga araw lang ay balik na rin agad uli sa trabaho. Kaya naisipan ko ring magresign muna sa trabaho para na rin magkaroon kami ng oras at bonding ni Zavier bago kami ikasal at magkapamilya.

Pagkatapos ni Zavier maligo ay naghanda na kami ng dadalhin para sa pag gagala namin dito sa Toronto. Naka-couple jacket kami ni Zavier na kulay violet dahil malamig na daw sa labas dahil mag-wiwinter na.

Alanganin, kung kelang patapos na ang Autumn season ay tsaka lang kami pumunta dito kaya kailangan sulitin na namin bago umulan ng snow.

Nasa 9th floor kami kaya kinailangan naming mag-elevator pababa.

Pagsakay namin ng elevator ay agad na nagbulungan ang tatlong babae na nakaputi pang uniform, mga housekeeping ata dito sa condotel.

Tinignan ko silang tatlo, muka ulo hanggang paa pero di pa rin natitinag ang tingin nila sa amin ni Zavier at talagang pinaparinig ata sa amin ang kwentuhan nila.

"Diba direk Zavier Fuentes 'yan?" sambit ng isang babaeng mukhang kuyukot.

"Oo, yung sikat na direktor na laging box office at laging isa sa mga nanonominate sa famas ang mga pelikula na ginagawa niya." bulong naman ng medyo matanda na, nakaboycut at mukha namang tuod.

"Eh 'yang kasama niya kilala niyo? Feeling ko manggagamit 'yan eh, diba alam niyo naman ang chismis na pumutok kahapon lang? Yung kaibigan niyang bakla na si Jesslie ba 'yun? Maattitude daw, tinarayan ba naman 'yung isang fan niya na nagpapabooksigning at biglang nilayasan. Napanood mo na ba 'yung video? Eh 'yung isa pang kaibigan niyan na Joylyn ata 'yun? if i'm not mistaken. Inilaban sa international singing contest, mga bigatin ang kalaban. Eh napiyok habang nabirit, ayun laglag ang Pilipinas. Binabash na rin ngayon." chismis naman ng isang medyo mukhang bayarang babae sa kanto.

Walking in Canada's Crossroad (Travel Series #2) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon