“Baka kung saan mo lang nawaglit. Saan ka ba dumaan kanina?”
Nag-aalala na kami hanggang ngayon dahil hindi pa rin namin nakikita ang wallet ni Zavier. Nandoon pa naman ang atm niya at atm ko, pati na pera na pang gastos namin. Hindi ko talaga alam ang gagawin kapag nawala lahat 'yun.
Iniwan muna namin ang tent namin at tsaka bumalik sa lugar kung saan pinuntahan namin kanina. Kahit anino man lang ng wallet ay wala kaming makita.
Makalipas ang ilang minutong paghahanap ay wala talaga kaming natagpuang wallet. Matamlay kong hinahawi ng mga paa ko ang mga tuyong dahon sa dinaraanan namin pabalik sa tent namin just incase na baka natabunan lang ng mga nalalaglag na tuyong dahon ang wallet pero hanggang ngayon ay kaming nakita.
Napaharap ako kay Zavier at maging siya ay parang nanghihina na dahil sa pera lang na iyon kami umaasa at aasa upang mabuhay dito sa Canada ng mahigit isang taon.
Walang gana naming ibinagsak ang aming mga katawan sa tent at umupo na blangko at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pera para pang gastos. Pati ang passport naming dalawa ay nandon sa wallet, hindi rin kami makakabalik ng Pilipinas niyan.
Nag-isip ako ng nag-isip habang si Zavier ay sinisisi ang sarili niya sa pagkawala ng wallet niya. Naririndi ako sa kakamura niya sa sarili niya kaya tumayo ako saglit at lumayo sa kanya.
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang tatlo. Si Amanda, Joylyn at Jesslie. Hindi ko pa nga pala sila nakakausap. Tama! Pwede akong mangutang muna sa kanila.
Nagmadali akong tumakbo sa tent at kinuha ang cellphone ko. Tatawagan ko na sana sila ng biglang magsalita si Zavier.
“Sino ka? Bakit ka nandito? Kilala ba kita?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. Ako naman ay lumingon pa sa likod ko baka may kausap lang siya. Tinignan ko pa ang mga tenga niya baka kasi nakasuot siya ng airpods at may katawagan siya pero wala. Ako talaga ang kausap niya.
“Ha? Anong pinagsasabi mo?” nagtatakang tanong ko rin.
“Ano? Ano bang sinasabi ko?” balik ulit na tanong niya.
“Naguguluhan ako. Anong sinabi mo na sino ako, na bakit ako nandito at di mo ako kilala?” kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
“Wala akong sinabi.” depensa niya.
“Nahihibang ka na ba Zavier?! Nawawala ang wallet mo at wala tayong pang gastos dito! Wag mo nga akong pinagtitripan tangina!” napahampas ako ng palad sa noo ko dahil sa sobrang inis.
“Ano bang sinasabi mo? Yung wallet ko nawawala? Eh nandito yun sa bulsa ko, sa likod ng pantalon ko. Ikaw ata 'yung mahihibang. Anong pinagsasabi mo?” tumayo siya at may dinukot sa bulsa niya sa likod ng pantalon niya at idinukdok sa harapan ng mukha ko ang wallet.
“Putangina?!” tumayo ako at napasabunot ako sa sarili ko. “Pinag-alala mo ako at pinaghanap sa putanginang wallet na 'yan na hindi pala nawawala! Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak mo para gawin mong biro 'to eh pero tangina to be honest di nakakatuwa. Gago Zavier huwag ngayon. Kita mo ng di ako nireregla magdadalawang buwan na. Kung pinagtitripan mo ako please lang wag ngayon kasi putangina wala ako sa mood lalo na kapag 'yang biro mo di nakakatuwa.” hindi inis kun'di galit na ang nararamdaman ko sa pinag-gagawa niya.
“Ano bang sinasabi mo? Wala akong maalala na sinabi ko na nawawala ang wallet ko at lalong lalo sa lahat ay hindi kita pinagtitripan. Damn! Baliw ka na ata eh!” sigaw niya sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Walking in Canada's Crossroad (Travel Series #2) ON-GOING
RomanceAaliyah Mae Almanzar thought of going on a vacation at Canada with her 1 year boyfriend Zavier Fuentes. She want to introduce it to her family. But, Aaliyah Mae didn't know that Zavier is in a relationship for 4 months with her younger sister Azale...