“Tangina! Ang bobo ko talaga!”
Sinisisi ko ang sarili ko habang naglalakad palabas ng kompanya nila Nathan. Para akong baliw dahil wala pa rin akong tigil sa pagmumura sa sarili ko kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa loob. Paano ba naman kasi, si Nathan pa na parang kapatid ko na ang ginanon ko. Eto namang si gago ay kumagat din sa kapraningan ko. Lalaki nga naman tangina.
Nang makalabas na ako ng kompanya ay agad akong naghanap ng taxi para umuwi sa tinutuluyan naming condotel ni Zavier.
Habang nasa taxi ako ay iniisip ko pa rin kung namalikmata lang ba ako sa ini-stories ni Zavier o talagang totoo 'yun. Badtrip ako ngayon pati 'yung driver ng taxi ay pinagsungitan ko. Pinamamadali ko siya sa pagmamaneho kasi para siyang pagong magpaandar. At buti na lang talaga humiram ako ng pera kay Audrey dahil wala talaga akong kapera-pera dahil na kay Zavier 'yung wallet.
Hingal na hingal pa akong pumasok sa elevator para magmadaling pumunta sa kwarto namin ni Zavier. At napaluha na lang ako sa nakita ko. Hubo't hubad si Zavier at tanging kumot na lang ang nagbibigay tapal sa maselan na bahagi ng kanyang katawan. Tulog ito habang yakap-yakap siya ng naka-bra at panty lang na kapatid ko. Inuunan ni Azalea ang dibdib ni Zavier.
Nagdilim ang paningin ko kaya hinatak ko ang buhok ni Azalea at dinala siya sa kusina. Winagwag ko ang buhok niya. Mukhang hindi naman siya nagulat sa ginawa ko. Maging si Zavier ay hindi man lang nagising sa ingay at kaluskos namin ni Azalea.
“Ate, buntis ako.” napatigil ako sa pagsabunot sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya.
“Ano?! Eh anong pakialam ko at ni Zavier sa pagbubuntis mo? Azalea fiancé ko 'yang kinakalantari mo. Tanginaka!” hindi na ako nakapagpigil kaya sinampal ko siya sa kanang pisngi. Rinig na rinig ko ang lagutok ng sampal ko at dahil sa lakas ng impact ng palad ko na tumama sa mukha niya ay hinawakan niya pa ito. Kitang kita ko na sa mata niya ang galit at pagkabigla.
“Anong fiancé? Pokpok ka pinahiram ko lang siya sa'yo! Hindi ba nasabi sa'yo ni Zavier kung ano ang sinabi niya sa akin? Hitad kang ahas ka mang-aagaw ka!” sinabunutan ko siya. Nang mapagtanto kong nasasaktan na si siya ay binitawan ko na ang buhok niya dahil kahit galit na galit ako ay naaawa pa rin ako sa kanya dahil kapatid ko siya. “Highschool pa lang ako, alam mo ng may pagtingin na ako kay Zavier. Oo, dahil wala pa ako sa legal age at pinagbabawalan pa akong magjowa ng mga magulang natin kaya hindi ko siya pinilit pang i-entertain. Patago ko siyang minahal ate! at sa pamilya natin ikaw lang ang bukod tanging nakakaalam. Akala ko mapagkakatiwalaan kita ate pero shit! ikaw pala ang aahas sa kanya.” rinig ko ang garalgal ng boses niya.
“Azalea, alam mong wala akong alam na siya pala ang mahal mo dahil hindi mo pinakita sa akin ang litrato niya maging hindi mo rin sinasabi ang pangalan. At tsaka ang tagal na no'n Azalea. Ako ang pinili, ako na ang papakasalan. Huwag mo na kaming guluhin.” dinutdot ko sa kokote niya ang mga katagang iniluwa ko.
“Ikaw ang huwag manggulo dahil anak niya ang pinagbubuntis ko. 2 months na akong buntis Ate at wala ka ng magagawa doon.” para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginig ang buong katawan ko sa nangyayari. Hanggang ngayon ay tulog pa rin si Zavier sa kama namin at parang mantikang hindi man lang naririnig ang pagtatalo namin ni Azalea. “Habang cine-celebrate niyo ang ika-isang taong anibersaryo niyo ay cine-celebrate namin ang 4 monthsarry namin. Oo, habang kayo pa ay nililigawan niya ako hanggang sa sinagot ko siya dahil pinangako niya sa akin na hihiwalayan ka na niya sa lalong madaling panahon. Naisip kong baka magbago pa ang isip niya kaya nagpabuntis ako sa kanya Ate. At nung nadatnan mo kami sa Hospital dahil nawalan siya ng malay ay sinabay ko na rin ang pagpapapregnancy test ko at may nabuo nga kami Ate. Magiging tita ka na! At alam ko pag gising ni Zavier at nalaman na magkakaanak na kami ay iiwan ka na niya.” hindi ko kinaya ang mga rebelasyon na isinasalaysay niya ngayon sa harapan ko. Gusto ko siyang saktan pero nung nalaman kong buntis siya ay parang kusa akong pinipigilan ng katawan kong lumapit sa kanya.
“Lumayas kayo dito ngayon din! Isama mo 'yang hayop na Zavier na 'yan at huwag na huwag na kayong magpapakita sa akin kahit kailan. Simula sa araw na ito, wala ka ng Ate.” pinipilit ko pa rin pigilan ang sarili ko dahil alam kong kahit anong oras ay bigla na lang akong sasabog at alam kong hindi nila magugustuhan kapag napuno na ako.
“Teka, chill. May pinabibigay nga pala si papa sa'yo.” inabot niya sa akin ang isang cheque na may nakaimprentang ₱20,000. “Kinausap siya ni Mommy na ibigay na sa'yo ang natitirang mana mo sa pamilya dahil simula nung binastos mo si Tita ay wala ka ng pamilyang uuwian sa Pilipinas. Pasalamat ka nga dahil may cheque ka pa. Kung ako magulang mo baka pinabaril na lang kita sa tapat ng monumento ni Rizal sa Luneta dahil isa kang hitad. Kinukuha ko lang ang dapat sa akin.” tinignan ko ang cheque, gusto ko itong punitin sa harap niya pero pinipigilan ako ng puso ko. Alam kong kapag nawala na si Zavier ay mawawalan na rin ako ng pera dahil nasa kanya ang pera namin. Pero dahil nga pinapalayas ko na siya ay hindi ko na nanaisin pang manghingi at makita ang pagmumukha niya.
“Anong nangyayari?” sabay kaming napatingin sa kinaroroonan ni Zavier. Tumayo siya at nagmadaling nagbihis ng mapagtantong nakahubad siya.
“Tara na at aalis na tayo dito Ali ko.” nagmamadaling hinatak ni Azalea ang braso nito para mapalapit sa kanya si Zavier.
Nang tinignan ako ni Zavier ay parang bumalik ang lahat ng mga masasayang ala-ala naming magkasama. Parang itinurok na parang bakuna sa utak ko ang mga kataga at mga pangakong binitawan niya sa akin. Ang mga plano namin sa hinaharap. Napagtanto ko ngayon na hindi ko pala kayang mawala sa piling ko si Zavier. Baka ikamatay ko kapag nawala siya kaya dali-dali ko siyang pinigilan.
“H-huwag kang---huwag kang umalis, please. Please huwag kang aalis. Hindi ko kayang mawala ka Zavier. Akala ko ba kahit anong mangyari ako lang? Please huwag kang aalis Zavier parang awa mo na.” para akong batang nagmamakaawa. Nakaluhod pa ako sa kanya at kulang na lang ay isubsob ko ang mukha ko sa sapatos niya para lang balikan niya ako. Iyak ako ng iyak, hindi na mapigilan ang pagtulo ng luha ko sa sahig at alam kong kung may timba lang na nakasalo sa harapan ko ngayon ay makakapuno na ako ng isang timbang luha. Unti-unti akong dinudurog ng nararamdaman ko, para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Hindi ko na kaya. Hinawakan ko na ang binti niya para hindi na siya makagalaw sa pinagkakatayuan niya. Pero nang hatakin siya ni Azalea palabas at lumakad siya ay para lang akong nakaladkad. Pilit tinatanggal ni Azalea ang mga kamay ko sa binti ni Zavier. At nang tuluyan na akong nanghina ay nabitawan ko na ang binti niya at doon na sila nagmadaling lumabas ng kwarto kasama si Azalea.
Nang makaalis sila ay 'di ko na napigilang magwala, sumabog na ako. Lahat ng mga gamit ay pinagbabato ko. Wala akong pakialam kung mabasag o masaktan ako, basta ang iniisip ko ay mag-isa na lang ako. Wala ng kayakap sa malamig na gabi at wala ng gigisingin kapag umaga na. Wala na ang lalaking habang buhay kong inaasam dahil inagaw na siya ng kapatid ko.
Matapos kong umiyak ay natagpuan ko ang sarili kong binabagtas ang kalsada kung saan kami naghalikan ni Zavier. Sinasariwa kong mag-isa kung paano kaming dalawang naglalakad sa napakalaking kalsada na ito. Kung paano kami naglaplapan sa gitna nito at kung paano niya hinawakan ng mahigpit ang aking kamay ng tatawid na kami sa kalsadang ito.
Wala ako sa sariling pumunta sa pinakamalapit na department store para bumili ng beer. Mugto ang mata ko at tanging ang suot ko lang na jacket ang pinangpupunas ko ng mga luhang umaagos mula sa mata pababa ng pisngi. Kumuha ako sa refrigerator ng store ng dalawang beer at ang perang sobra sa hiniram ko kay Audrey kanina ang ipambabayad ko kasi wala naman akong dalang pera bukod sa putanginang cheque 'to.
Habang binabayaran sa cashier ay binuksan ko na ito sa harapan niya at ininom. Nakatitig lang sa akin ang babaeng cashier. Habang tinutungga ang isang boteng beer ay nagulat pa ang cashier dahil bigla na lang akong humagulgol ng iyak.
“Miss, okay ka lang?” concern na tanong ng cashier.
“Ikaw kaya ang iwan ng fiancé mo at ipagpalit sa kapatid mo, tapos tatanungin kita kung okay ka lang. Anong isasagot mo? Tatanga-tanga.” padabog kong iniwan ang bayad ko sa harapan niya at hindi na inantay pa ang sukli basta dala dala ko ang dalawang bote ng beer dahil alam ko na ang beer na ito na lang ang makakasama ko sa mga gabing ako'y nag-iisa at nangungulila sa pagmamahal niya.
Don't forget to follow, vote and share this story. Mwah mwah.
____________________________________________________________________________________________Enjoy Reading!
![](https://img.wattpad.com/cover/244136164-288-k523405.jpg)
BINABASA MO ANG
Walking in Canada's Crossroad (Travel Series #2) ON-GOING
RomanceAaliyah Mae Almanzar planned to go on a vacation to Canada with her one-year boyfriend, Zavier Fuentes. She wanted to introduce him to her family. However, Aaliyah Mae didn't know that Zavier has been in a relationship with her younger sister, Azale...