Chapter 09

1.2K 5 0
                                    

“Ito na ba ang karma sa akin, sa mga ginawa kong panghahalik sa ibang lalaki kahit may karelasyon ako?”

Nandito pa rin ako sa may tapat ng kalsada, nakaupo habang tinutungga mag-isa ang beer na binili ko. Basang basa na ang bimpo na dala ko sa kakapunas ng mga luha sa mata ko. Hindi ako natitinag ng malakas na hangin. Pinagtitinginan na ako ng mga Canadians na dumadaan pero wala akong pake kasi hindi naman nila nararamdaman ang sakit at kirot na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Inaantay ko na lang kumagat ang dilim at uuwi na rin ako sa condotel, ngunit hindi kagaya dati—uuwi akong mag-isa.

Kahit ang huling laman at latak ng beer na iniinom ko ay sinimot ko. Nakailan na akong beer pero tila uhaw pa rin ako—hindi sa alak kun'di sa mga sagot na kailangan kong marinig, sa napakaraming tanong na gusto kong masagot niya.

“H-huwag kang---huwag kang umalis, please. Please huwag kang aalis. Hindi ko kayang mawala ka Zavier. Akala ko ba kahit anong mangyari ako lang? Please huwag kang aalis Zavier parang awa mo na.”

Tila sirang plaka na paulit-ulit na nagpapabasag sa dalawa kong tenga ang mga sinabi kong pagmamaka-awa kay Zavier kanina para lang huwag niya akong iwanan pero tila ako si Kian Delos Santos, ang kabataang walang pangundangang binaril ng mga pulis dahil sa War on Drugs ni President Duterte—Hindi pinakinggan. Hindi naman siya si Bbm pero bakit sinungaling siya? Ang mga plano niya para sa aming dalawa ay parang si Isko—hindi klaro 'yung paninindigan sa maraming bagay. At higit sa lahat katulad lang siya ni Ping na maraming salita pero kulang sa on-the-ground na gawa.

'Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi na ako babalik sa kinalalagyan ko noon, hinding-hindi na ulit ako magmamakaawa sa ibang tao para lang sa pagmamahal, oras, at sa pananatili nila. Pero bakit parang nandito uli ako sa sitwasyong 'yun?'

Bago ako pumayag na makipagrelasyon kay Zavier, isang taon kong pinag-isipan ang lahat dahil sawang sawa na ako maiwan. Sawang sawa na akong umiyak at saktan ang sarili ko dahil sa mga naging past relationships ko kasi inaamin ko, ako lang ang nagiging kawawa. Napansin ko sa Anim na past ex-boyfriends ko bago dumating si Zavier—lahat 'yon iniwan ako kaya sa loob ng isang taon, kinilala ko siya—pamilya, hilig at gusto, mga kaibigan, tropa at nakakasama niya sa lahat ay kinilala ko bago ko siya papasukin sa buhay ko. Kasi natatakot ako noon.

Pilit kong inalala ang mga tagpo namin noong nakasakay kami sa eroplano papunta dito sa Canada. Nagkukunwari akong tulog sa balikat niya pero ang lalim ng iniisip ko. Rinig na rinig ko ang bawat tibok ng puso ni Zavier kaya nakaramdam ako ng takot sa mga tanong na biglang pumasok sa isip ko.

'Paano kung nagtagpo lang ang iyong balikat at ang aking ulo—ngunit hindi ang ating mga puso?'

Hindi ko alam kung bakit ako takot lalo na sa mga nangyayari sa buhay ko. Kailangan ko bang matakot habang iniisip na mahal niya ako ngayon pero kinabukasan mas gugustuhin niya na lang akong hindi makasama? Hindi ba kayo matatakot kapag pumasok sa isip niyo ang mga senaryong hindi mo maintindihan kung bakit bigla ka na lang napapaisip na paano kung kailangan niya ako ngayon pero kinabukasan ay wala na akong kahit katiting na silbi sa kanya? Hindi ba't nakakatakot na isipin na ang lapit namin sa isa't isa pero may mga bagay pa rin na magpaparamdam sa'tin na hahantong tayo sa pagiging hindi magkakilala? Kasi para sa akin—nakakatakot, nakakapanghina, masakit.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagsimulang maglakad papuntang train station. Naupo ako sa waiting shed habang nag-aantay ng mga darating na train. Alam kong wala ng dadaan dahil gabi na pero nagbabaka-sakali pa rin ako dahil ayaw ko pang umuwi, dahil kapag umuwi ako ay maaalala ko lang sa bawat kanto ng bahay ang mga masasayang ala-ala namin ni Zavier nang magkasama.

Bilang na lang sa mga mata ko ang mga naglakakad. Mga lima, apat o tatlo na lang. May tumabi sa aking babae. Nakita ko na nagbabasa siya ng libro—tagalog. Mukha siyang Canadian pero bakit tagalog ang binabasa niya? Kung tatyansahin ang edad niya ay mga nasa 40's na siya.

Nagulat ako ng binigay niya sa akin ang libro. Hindi ko na napansin ang cover page kung anong title at sinong author dahil nabigla rin ako sa bigla niyang pag-abot ng libro.

“Turn to page 335.” tinitigan ko muna siya habang pinupunasan ko ang luha sa mga mata ko. Nginitian niya lang ako.

Nang buksan ko ang libro sa sinabi niyang page ay may nakita akong naka-highlight na mga salita.

“Kung isang araw, bigla ka na lang mapadaan sa istasyon ng tren. Gabing gabi na at alam mong wala naman na talagang tren na dadaan, Sana mahanap mo ang dahilan para tumayo at magpatuloy sa paglalakad. Gamitin mo ang mga paa mo para umusad kahit alam mong pagod kana. Magtanong ka sa mga taong makakasalubong mo, tanungin mo kung saan ang ruta ng kasiyahan na hinahanap-hanap mo. Alam kong matagal kang makakarating sa kasiyahan gamit ang mga paa mo kumpara sa pagsakay ng tren na didiretso sa ruta na gusto mo pero ang maganda ay umuusad ka. At habang umuusad ka ay marami kang makakasalubong na magiging sanhi ng pagkatuto at kalakasan mo.”

-Jsslawra♡


Nang mabasa ko ang pen name ni Jesslie ay napangiti ako. Naramdaman ko na agad na nandito siya sa Canada.  Gusto ko siyang makita dahil alam kong siya lang ang makaka-intindi at makakasagot sa mga tanong na gumugulo sa isip ko dahil siya 'yung tipo ng tao na malalim at masyadong matalinghaga.

Nagkaroon ako ng lakas para tumayo sa kinauupuan ko. Nagpalinga-linga ako para hanapin siya pero kahit anino ay wala akong nakita. Napatingin ako sa libro at may maliit na direksyon na naka-drawing dito. Sinundan ko ito hanggang sa napagtanto ko na lang na nasa gitna na lang ako ng kalsada—kung saan kami naghalikan ni Zavier. Bumilis ang tibok ng puso ko, sa sobrang bilis para na akong aatakihin. Hindi na si Jesslie ang hinihiling kong makita dito kun'di si Zavier na at alam kong siya ang makikita ko.

“Iya...” nakarinig ako ng mahinang bulong sa likuran ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Napako ang mga paa ko sa kinakatayuan ko at hindi ko maigalaw ang leeg ko para lingunin siya. Biglang lumakas ang hangin at naamoy ko ang pabango niya—amoy na gustong-gusto kong singhutin dahil ito ang amoy niya. Napangiti ako at dahan-dahang lumingon sa gawi niya.


N-nathan?” dismayadong usal ko ng makita na hindi siya ang taong ipinagdarasal kong makita.

Don't forget to follow, vote and share this story. Mwah mwah.
____________________________________________________________________________________________

Enjoy Reading!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walking in Canada's Crossroad (Travel Series #2) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon