Chapter 11

240 25 1
                                    

Chapter 11.

Third Pov.

Isang buwan simula ng umalis si Lenzie at sumama sa putangina niyang kabit.

Nakatingin siya ngayon sa anak niya na payapang nag ku-kulay sa sala. Hanggat maari gagawin niya ang lahat para sa anak.

Nangitngit siya ng maalala ang ginawang pananakit ni Violet sa anak.

Galing siya nun sa opisina ng tawagan siya nito para mag presinta na ito nalang daw ang susundo sa anak.

Pumayag siya para mag kabonding naman ang dalawa. Ngunit pag dating niya sa bahay sinalubong siya ng isang malakas na iyak ng anak.

Maingat siyang pumasok at sinundan kung saan nanggagaling ang pag iyak.

"Argh! Naririndi naako sayo ha! Kanina kapa iyak ng iyak kumain ka!' Sigaw ni Violet sa anak.

"I d-dont eat that f-food, allergic ako sa s-spinach." Sinisinok na sagot ng anak dahil sa matinding pag iyak.

"Pisti ka! Hindi ako marunong mag luto pasalamat ka at nilutuan pakita! Ang arte arte mo manang mana sa nanay mong malandi! Punyeta!" Anito na nag papantig ng tenga niya.

"I hate you! You always hurt me and my mommy susumbong kita kay daddy!" Nandilim ang paningin niya habang nakikinig sa anak.

What the fuck?

"Subukan mong mag sumbong for sure wala kana bukas." Pagkapasok niya sa kusina nakita niyang papaluin na ni Violet si Gendy.

Agad niyang hinila palayo si Violet at mabilis na sinampal.

"Wala kang karapatan saktan ang anak ko sa loob ng pamamahay ko! LUMAYAS KA!" Sigaw niya at kinarga ang anak.

Nakipaghiwalay siya sa baliw na babaeng yun. Saktan na ang lahat huwag lang ang anak niya.

Hindi niya rin maiisip na iiwanan ni Lenzie ang anak sakanya ng dahil lang sa lalaki.

Napaka kati talaga.

"Daddy can I visit mommy?" Napatingin siya sa anak niya.

"No, busy yun sa boyfriend niyang si Nathan anak kung gusto niyang makita ka pupunta yun dito." Mapait na aniya.

Umiling ang anak.

"No daddy, tito Nathan is Mommy's friend not boyfriend." Ani ng anak.

"Don't call him Tito,hindi natin siya kilala." Mariin na saad niya sa anak.

Siguradong nasulsulan na ng putang inang lalaki nayun ang anak nila dahil close na close ito at pinag tatanggol pa.

Lalo siyang naiinis.

Napatingin siya sa pinto ng may nag door bell, sino naman kaya yon?

Nag tagis ang bagang niya ng makita ang punot dulo ng lahat.

Ang putang inang si Nathan.

"Anong ginagawa mo dito?" Madilim na mukhang saad niya. Nakipag titigan siya rito ang panget putangina.

"Gusto ko lang makausap si Gendy." Kalmadong anito.

"Kaano ano kaba niya? Gago, Umalis kasa bahay ko." Naiinis na aniya.

Ang kapal ang puta.

"It's about Lenzie." Saad nito habang sumisilip silip sa loob ng bahay niya bahagya niyang sinara ang pinto at tiningnan ng masama ang lalaki.

"I don't care, wala akong pake sa mga kalandian niyo. Umalis kana dito at huwag ng mag papakita pa." Malamig na turan niya.

"Who's that daddy?" Ani ng anak na nasa likod niya.

Mabilis na sumilip si Nathan.

"Gendy!" Tawag nito sa anak.

"Tito Nathan." Ani ng anak akmang lalabas ito ng agad niyang iniharang ang kamay at binuhat ito.

"Huwag kang lalapit diyan." Aniya.

"B-but---"ani ng anak.

"Gusto ko lang makausap si Gendy." Pag pupumilit ni Nathan.

"Wala kang karapatan sa anak ko! Naiintindihan mo!?" Singhal niya.

Nandilim ang mukha nito."Oo wala akong karapatan pero ang nanay niya meron! Hayaan mo naman makita ng bata ang nanay niya!" Sigaw nito.

Kung wala lang ang anak kanina niya pa ito sinapak.

"Hinding hindi ko hahayaan na makita ng anak ko ang malanding si Len--" naputol ang sasabihin niya ng makitang lumuha si Nathan.

What the fuck?

Pinunasan nito ang luha at tumingin sakaniya na puno ng galit.

"For pete sake Yabusal! Hayaan mo naman makita ni Gendy ang katawan ni Lenzie kahit sa isang pag kakataon!" sigaw ni Nathan.

Natulala siya dahil sa sinabi nito.

Suffering in Silence "COMPLETED" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon