Chapter 12

252 25 2
                                    

Chapter 12.

Letter to: My handsome Hubskie.

Sigurado akong kapag nabasa mo ito wala na ako Geydon. Hindi ko alam kung ilang sorry ang kaylangan kong sabihin para patawarin mo ako. Pero kasalanan ko naman yun dahil iniwan kita at nag nakaw ng pera sayo.

Sorry hubskie kung nag lihim ako.

Five years ago bago ako Umalis nalaman kong may brain tumor ako. Mahirap sa akin yun Geydon, matagal kong pinag sisisihan ang desisyon ko.

Umalis ako hindi dahil ayaw ko sayo at sa lalaki, Umalis ako para hindi mo ako nakikitang nag hihirap ayokong mag hirap ka ng dahil sa akin okay lang ako na akin lang. Ayoko ng dumagdag dahil kakamatay lang ng lolo at lola mo ng panahon nayun may problema rin sa kompaya dahil sayo pinasa lamat dahil walang tiwala ang lolat lolo mo sa tatay mo.

Hindi ko rin ginusto na kumuha ng pera sayo wala na akong mga magulang Geydon alam mo yan kaya sayo ako kumuha ng pera para pang gamot habang malayo ako.

Kaya rin ako nag tagal dahil nalaman king buntis ako. Hindi ko kayang mawala ang prinsesa natin ng dahil sa akin kaya mas pinili kong manganak siya ng maayos bago ko sinimulan mag pagamot.

Mas lalong lumala ang sakit ko hubskie dahil hindi naaganap. Pero pinipilit kong lumabas para sainyo ng anak natin.

Habang lumalaki si Gendy nag papagamot ako hindi ko akalain na ganon katagal ang pag papagamot hubskie dahil pabalik balik ang tumor ko.

Last year.

Bumalik ang tumor ko pero kahit papaano magaan na pakiramdam ko kaya nag apply ako bilang isang kasamabahay kila Nathan. Sigurado akong alam mong sakanya ako tumutuloy. Nakaipon ako ng pera para ibalik yung mga kinuha ko nilagay ko yun sa drawer mo.

Nathan is my doctor hinding hindi kita ipag papalit hubskie nag sumpaan tayo sa harap ng altar at sa Panginoon. Sumumpa ako na sayo lang at ikaw din.

Pero parang hindi nayun natupad...

Naging mabait sakin si Nathan at Ivy kung inaakala mong hindi pamilyado si Nathan nag kakamali ka hubskie. May asawa at anak sila mabait sila saakin lalot na kababata ko sila pareho sila yung kinukwento kong kababata na bakla at tomboy pero sila rin pala ang mag kakatuluyan.

Geydon I know I hurt you so much and I'm sorry Baby.. hindi ko naman gusto na iwanan ka. Kaya nga ako lumayo para mag pakalakas at bumalik sayo.

Nang nalaman kong wala na akong mapapala sa mundong ito dahil kahit anong oras ay mawawala na ako napag desisyunan kong bumalik sayo at makita ka mahal ko.

Kahit huli na.

Gusto ko lang makilala mo yung anak natin kamukhang kamukha mo siya mahal mo pasensya na at hindi ko na mabubuo yung masayang pamilya na gusto ng anak mo.. naalala mo ba yung nag panggap ka na bakla at nag pakilala kang Gendy? Kahit hindi naman.

Alam kong mamahalin mo siya at aalagaan dahil naniniwala ako na ikaw ang best dad!

Kaya bago ako umalis sa mundo bumalik ako.

Kahit na may iba kana.
Kahit na araw araw mo akong sinasaktan.
Kahit na lagi mo akong tinatakwil mahal ko pero ayos lang yun mahal kita eh.

Hindi ko alam kung bakit hindi ka nag re-reply sa mga chat at text ko sayo. Sinabi ko na may sakit ako at gusto kitang makita pero wala akong natanggap na kahit anong reply siguro nga ayaw mo na sa akin.

Sorry kung hindi na ako nakapag paalam ng personal naiiyak kasi ako eh ayaw ko din makitang nasasaktan ka doble kasi yung nararamdaman ko kapag nakikita kitang nasasaktan.

Please Geydon, huwag si Violet. Hindi ko alam kung maniniwala ka pero siya ang nag nanakaw ng pera sa kumpanya niyo kasama ang daddy mo.

Nahihiya man ako aminin sayo at natatakot pero kaylangan mong malaman ito. Bago paman tayo ikasal na rape na ako ng tatay mo. Hindi ko man masabi sayo dahil tinakot niya ako mahal tinakot niya ako na papatayin ka niya. Napaka duwag ko mahal.

I know this time alam mo na ang lahat.

Alam na ni Gendy ang lahat. Ang lahat ng sitwasyon at kung anong ginagawa mo sa akin hubskie. Matalinong bata si Gendy alam niyang may sakit ako at aalis na ako.

Ayokong mawala hubskie ko pero wala akong magagawa ito ang kapalaran ko hindi ko narin kaya pang iligtas ang pangalawa nating anak I'm 2 weeks pregnant mahal ko daddy kana ulit.

Gusto kong magalit sayo pero ang itaas na ang bahala sayo. Sana mapatawad mo ang sarili mo Geydon.

Mahal na mahal kita Geydon... happy 8th anniversary hubskie ko.

Love, your wifey Lenzie.

Suffering in Silence "COMPLETED" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon