Ch3

40 6 0
                                    

Isinuot ko ang palda ko at inayos ko na ang blouse ko, ipinatong ko lang ang necktie ko. Di ko talaga itinatali ang necktie ko, nasasakal ako eh. Bakit ba?

I'm not a morning person pero di ko malaman kung bakit ang aga ko nagising ngayon.

Kinuha ko na yung bag pack ko atsaka bumaba. "Ate di ka nagluto?"

"Oh! I forgot about your breakfast sorry honey." Si ate talaga oh. For sure nagmamadali yan kaya aligaga at nalimutan magluto.

Nagtimpla na lang ako ng gatas atsaka kinuha yung oreo pack ko na isinasawsaw ko sa gatas bago kainin.

After eating nag toothbrush lang ako then kinuha ko na ang school shoes ko na wedge, black heels na 2 inches at sinuot ko na siya,

Then off I go.

~

Padabog ko binuksan yung pinto. I look so gloomy. Why do I feel so down right now? Parang ang pangit ng umaga ko, wala pa namang nangyayaring pangit. Siguro dahil ang aga ko nagising. Inaantok pa siguro ako.

Inilibot ko mata ko, dun ko lang narealize lahat pala sila nakatingin sa akin. Nagulat ako ng may biglang umakbay sakin. Pag lingon ko, si clarence nakatingin siya sa klase kumakaway kaway pa, tapos lumingon siya sa akin.

"Morning" Masigla niyang bati. Ang lapit ng mukha niya!

Umiwas ako ng tingin. "Morning" Pagbalik bati ko. Di ako makalingon kasi baka namumula ako! "Di ka pa nagtotoothbrush noh? Ayaw mo ko lingunin eh." Ha?! Ano daw?!

Humarap ako sa kanya "At sino naman nagsabi sayong di pa ko--"

Sabay na nanlaki mata namin. Agad naman siyang umalis sa pagkaka akbay sa akin at napatungo na lang ako. Super duper mega lapit ng mukha namin! Nagkadikit na nga ilong namin sa sobrang lapit! Nakakahiya talaga!

Napaangat naman tingin ko ng bigla siyang tumawa tas bigla niyang ginulo buhok ko. Aba naman! "Nag toothbrush ka pala! Hahahaha! Sige una na ko." Tapos umalis na siya. Pagharap ko naman sa loob ng room lahat sila nakatingin sa akin.

"Ayyiiiieeeee" Pang aasar nilang lahat na lalong nagpasimangot sa akin. Nahihirapan na nga ako magpigil ng hiya tapos gagatungan pa nila!

"Hinay lang sa pagsimangot katy! Kanina ka pa, bungad na bungad yang naka simangot mong mukha. Baka mahipan ka ng hangin niyan." Pang aasar ng isa sa mga kaklase ko.

Di ko na lang pinansin. Kinikilig pa ko. Nanamnamin ko muna.

Oo na ako na ang kinikilig na naka simangot. Mahirap magpigil habang kinikilig. Pero yung ngiti ko di ko mapigil. Tumungo na lang ako, tsaka pinakawalan yung kilig at ngiting kanina ko pa pinipigilan.

"Huli ka"

"Ay asdfghjkl!" Sa sobrang gulat ko napatayo ako sa kinauupan ko pero bago ako nakatayo ay nasipa ko yung taong nanggulat sa akin.

Haytek naman oh! "Di ko kasalanan yan!" Pagdedepensa ko sa sarili ko. Nakahawak kasi siya sa ilong niya.

"Wala namang naninisi sa'yo." Tumayo na siya at pinagpag ang pantalon niya napaupo kasi siya dahil sa pagkakasipa ko.

"Bakit ka ba kasi nanggugulat?!"

Tumawa siya "Malay ko bang ganun ka pala kamagugulatin" Aba loko to' ah!

"Kailangan mo ba?" Mataray kong tanong.

"Wala naman" Lumapit siya sa akin tsaka bumulong "Alam ko na sekreto mo"

Lumayo na siya atsaka naupo sa desk ng katabi kong upuan. Nilingon ko naman siya, nakaharap siya sa akin at pangisi ngisi. SHIT! Imposible! "Anong sinasabi mo?" Maang maangan ko. Oh lord sana lumusot!

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon