Ch4

34 8 0
                                    

Today is dec 14 ang anniversary ni clarence at phoebe.

A very very bright sunshine ang bumungad sa akin na sumira naman sa umaga ko. NAKAKASILAW KAYA! ANG SAKIT SA MATA!

TULAD NG GINAWANG PAG HARANA NI CLARENCE KANINA KAY PHOEBE SA HARAP NG MARAMING TAO. ANG SAKIT SA MATA TAGOS HANGGANG PUSO! RAMDAM NIYO? CAPS LOCK NA YAN PARA DAMA NIYO!

"Huy! Ano ka ba! Tanghaling tapat nag sasun bathing ka diyan sa damuhan."

"Anak ng kabute naman oh! Panira ka ng moment alam mo yun?"

"Ang alam ko lang di kabute magulang ko"

"Aish! Ba't ka ba andito? Wala ako sa mood para sakyan pang aalaska mo."

"Ayaw mo sa alaska? milo gusto mo?"                           

"Sapak gusto mo?" Tumawa lang siya tapos nakihiga din.

8 am pasado pa lang naman kaya di pa ganun kasakit sa balat ang araw pero mamaya din aalis na ko dito. Wala naman akong balak mag paitim noh! Mamaya maheat stroke pa ko dito.

"Nakita kita kanina"

"Wag mo na ipaalala." Yung sa ginawa ni clarence ang tinutukoy niya.

"Ang galing nating dalawa noh? Pareho tayong nagpapakatanga sa taong di naman tayo gusto."

Di ako umimik. "Tayong dalawa na lang kaya?"

Nilingon ko siya na kunot ang noo. "Ano nanaman pinagsasasabi mo diyan?"

"Since pareho naman tayong nagpapakatanga sa wala bakit di nalang tayo ang magsama? Tulungan natin maka move on ang isa't isa."

"I don't like that idea"

This time siya naman ang lumingon sa akin at ako naman ang humarap sa mga ulap. "If ever gusto ko mafall out of love naturally yung di gumagawa ng paraan."

"Matagal na proseso yan."

"I don't care." Tinignan ko relo ko. "Quarter to 9 na pasok na ko."

Tumayo na ko tsaka pinagpagan sarili ko. I waved at him atsaka tuluyang bumalik sa main building.

Di ko pa kayang magmove on. Ayaw pa ng puso ko. Parang kahit sa ganitong sitwasyon kuntento na ko kahit minsan masakit talaga.

*flashback*

Maganang magana ang umaga ko. Yung tipong napaka hyper ko. Sumasayaw sayaw pa ko habang nagluluto ng almusal namin ni ate hazel na dapat siya gumagawa pero inako ko na dahil nga good mood ako. Nagulat pa nga siya eh pero pustahan di nagtanong yan kasi iniisip niyan na baka magbago pa isip ko.

Maaga aga din akong papasok sobrang ginaganahan kasi ako at parang gusto ko mag advance study. Balak ko sana magstay muna sa library pagdating ng school. Sobrang ganda ng mood ko dahil di pa rin ako nakakamove on sa 'friendly' date namin ni clarence.

Hinahatid ako ni ate as usual. Habang nasa sasakyan may pa wave wave pa ko ng ulo habang kumakanta. Si ate naman medyo nagtataka pero sanay na yan sakin.

Pagkarating sa school bumaba na ako atsaka naglakad papasok. Di pa ako nakakalayo ng may marinig akong nag mic test. Maya maya pa ay may nagsimula nang mag strum. Out of curiosity na lang din, hinanap ko yung pinanggalingan ng tunog at nakita ko si clarence nakaupo at may hawak na gitara. Nakatapat sa kanya ang isang mic.

Seryoso?! Ginawa talaga niya?! Sht. Eto nanaman ang puso ko. Nakakainggit talaga si phoebe at nagkaroon siya ng tulad ni clarence. Kumakanta na si clarence habang palinga linga hanggang sa napatigil ang tingin niya sa derekson ko. Ngumiti siya habang patuloy sa pagtugtog.

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon