Ch7

6 1 0
                                    

Natapos na ang game pero ang sigawan ng mga tao sa buong court di parin nawawala. Sobrang tuwa ang mga ka-school mate ko, lahat sila ay hyper. Para bang wala silang kapaguran.

Ako naman medyo nabibingi na. Sanay naman ako manuod ng laban dahil minsan na rin akong nanood sa iba pang mga laro nila clarence. Masaya din naman ako na nanalo sila pero hindi ko na talaga kaya ang ingay kaya naisip kong lumabas na lang.

Tutal ang napag usapan lang naman ay pumunta ako di naman na siguro kailangan pang magpakita. Napanuod ko naman ang game bago magsimula hanggang sa matapos. Nagulat pa nga ako ng makita ko si clarence.

Nawala naman ako sa iniisip ko ng may biglang kumapit sa braso ko na... Sobrang lagkit!

"Huy san ka pupunta? Kanina pa kita hinahanap. Late ka na dumating no? Ikaw talaga."

"Eugh! Bitaw!" Pilit ko hinihila ang braso ko sa mga kamay ni kristoff, nang lalagkit kasi siya sa pawis!

"Grabe ka naman! Pawis ng tagumpay yan! Dapat nga maging proud ka sakin eh! Oh ayan" Nag open arms naman siya at parang alam ko na ang binabalak niya.

"Wag kang magkakamaling-- UGH LUMAYO KA SAKIN BAKULAW!"

Agad naman akong nanakbo. Pano ba naman kasi, lumapit siya sakin at balak akong yakapin sa ayos niyang yon na naliligo sa sariling pawis!

Mayayakap na dapat niya ako ng bigla siya tawagin ng coach nila atsaka ito sumenyas na tinatawag na siya. Thank God!

"Tara na." Hinila na niya ko pero this time hindi na siya malagkit. Nakapagitan sa kamay niya at kamay ko ang towel niya.

"San mo ba ko dadalhin? Tinatawag ka na ng coach mo."

"May celebration kasi, kaso lahat sila may kasamang girlfriend, hahayaan mo ba ang kaibigan mo ma-o.p sa party? Hindi naman diba? Kaya dito ka lang ha? Magbibihis lang ako"

"Teka--!" ASDFGHJKKL!!! hindi pa naman ako pumapayag hindi ba?! Kahit kailan talaga tong bakulaw na to!

Wala na kong nagawa kundi mag hintay sa labas ng covered court. Alangan naman antayin ko siya sa tapat ng shower room diba? Pagkalabas ko, nag ikot na muna ako malapit lang sa court at may hindi ako sinasadyang makabangga. Hindi ko alam kung nagmamadali ba siya o sinadya niyang banggain ako. Nakatungo kasi siyang naglalakad at bigla na lang siya nanakbo ng makalapit na siya sakin.

Nanlamig ako... Literal na nanlamig ako. Napatingin ako sa plain na puting blouse na suot ko na ngayon ay may ibang kulay na si gitna. Coke?

"Oops. Sorry!"

Agad kong nilingon yung babaeng nakabunggo sakin. Masyado akong nashock sa nangyari kaya hindi ko napansin pero ngayon alam ko ng sadya 'to lalo na at nakita ko ang uniform ng babaeng naka bangga sakin, idagdag pa ang maikli niyang buhok na may pagka mild na fake blonde.

"Anong nangyari sayo?" Nilingon ko si kristoff na ngayon ay nakabihis na at mabango na ulit. Inabutan niya ako n g shirt at ipinatong niya sakin ang varsity jacket niya. "Mamaya ko na aalamin, magbihis ka na muna"

Hindi na ko umimik pa at umalis na lang ako papunta sa girls comfort room. Naiinis parin ako. Nang tanggalin ko ang varsity jacket dun ko lang napansing bakat na pala ang dibdib at panloob ko dahil manipis lang ang blouse ko, kaya pala.

Hindi ko alam bakit bigla na lang ako napangiti. May sweet side din pala si kristoff. Alam ko namang gentleman siya pero bihira ko lang yon makita sa kanya kadalasan kasi ginagawa niya yun sa paraan na di mapapansin. Pero dahil medyo malagkit ang coke nabadtrip nanaman ako. Ayoko talaga nadidikit sa malalagkit, sino bang may gusto di ba? Naisip ko tuloy bigla, anong rason at kailangan niya ko tapunan ng coke? Ganun ba kalaki galit niya sakin? Inaano ko ba siya?

Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na agad ako. Tinawag naman ako ni kristoff kaya pumunta ako sa direksyon niya. Ngiting ngiti niya kong sinalubong.

Inabot ko sa kanya ang jacket niya "Suotin mo na muna yan baka lamigin ka sa van mamaya" Hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha niya.

Kumunot naman ang noo ko sa kinikilos niya. "Bakit?" umiling lang siya. Napatingin naman ako sa damit ko na tinitignan din niya.

W.T.H?!!!?!

Agad naman akong napatingin kay kristoff at yung ngiti niya di parin nawawala.

Pano namang di ako magrereklamo? Shirt na pang team nila ang ipinasuot niya sakin at sa school namin may mahiwagang kahulugan ang pag suot ng damit ng members sa varsity or any sports. It only means you're dating. Ewan ko san nanggaling yan pero malakas na kahulugan yan dito.

"Wag ka na magreklamo yan na lang ang damit na meron ako dito. Kung gusto mo yung pinagpawisan ko kanina?"

"Eww no thanks!"

"Oy kahit puro pawis yun mabango parin yun! Kahit amuyin mo pa!"

"Mamaya na yan lover boy, tara na!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan ni kristoff na nasa van na ng team nila. Nagmake face na lang ako sa kanya na ginaya naman niya. Ang lakas talaga mang asar kahit kailan!

Ipinauna naman ako ni kristoff na sumakay, pero bago ako makasakay ay may nahagip ang mata ko, sa di kalayuan ay may nakatingin at halata sa mukha niya ang inis. Hindi siya sakin mismo nakatingin kundi... Sa damit na suot ko. Ah alam ko na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon