Ch6

16 4 0
                                    


Magkasama kami ngayon ni phoebe sa isang cake house. Matagal tagal na rin nung huli kaming nag bonding dalawa. Nakatingin lang ako sa kanya habang sina-salvage niya ang cake na inorder niya.

Napaka lungkot ng mukha niya. "May mali ba sa gusto kong mangyari?" Tanong niya. Naikwento niya rin sakin ang pag aaway nila ni clarence at syempre nagpatay malisya na lang ako na alam kong nag away sila.

"Sa tingin ko, hayaan mo na lang siguro si clarence sa pagbabasketball, kung dun naman siya masaya. Di naman siguro niya pababayaan ang pag aaral lalo na ang.... Relasyon niyo." Tila may bumara sa lalamunan ko sa huling sinabi ko.

"Di naman talaga ako against sa pag babasketball niya, kaso lang kasi... 18th birthday ko sa mismong araw ng game niya and parang wala lang sa kanya yun. Hahaha nalimutan nga siguro niya." Mapait yung tawa niya at di pa rin niya tinitigilan yung cake. Shit! Oo nga pala malapit na ang bday niya!

Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko syempre kahit na may gusto ako kay clarence di naman ako ganun ka desperada para matuwa na nagkakalabuan sila. Kaibigan ko din naman si phoebe.

"Malay mo nagpapanggap lang si clarence na walang alam, pero may plano pala siya? Alam mo naman kung anong klaseng tao si clarence" Pagpapagaan ko sa loob niya kasi kahit ako nadedepressed sa itsura niya.

"You think so?" Medyo nagliwanag ang mukha niya for few seconds then nawala din agad. "Pero paano niya ko isusurprise kung may party ako?"

"Who knows?" Yan na lang ang nasabi ko.
Inilapag ni kate yung tinidor niya atsaka nag buntong hininga. Chineck niya yung phone niya. "I'll better go. Mag susukat na daw ng gown for the party. Punta ka ha? Abot ko na lang yung invitation."

"Sure. Uhh phoebe wag mo na masyado isipin yung problema mo. Gusto mo ba magmukhang stressed sa party mo?"

Ngumiti lang siya. "Anyway, thanks sa pagsama sakin bumili ng gifts. Bye"

Tumango ako sa kanya after ilang minutes umuwi na rin ako.

Paguwi nagbihis muna ako tsaka bumaba para ilagay ang marumi ko sa laundry bag, nakita sa laundry bag yung damit na sinuot ko pang disguise. Damit pa ni mama yun. Nagdisguise ako that day para di ako makita ni ate. Kasi tambay sa mall yun every vacant hour niya. Namiss ko tuloy sila mommy. Kung andito pa kaya sila, ganito parin buhay namin ni ate?

Nahiga ako sa sofa. Nakapatong ang paa ko sa sandalan at nakahang naman ang ulo ko sa edge ng sofa.

We used to be really rich. Pero nang maaksidente si dad after sumama sa boss niya sa isang business trip, nawala na lahat ng luho namin ni ate. Dun na rin ako nagstart magfocus sa pag aaral ko dahil gusto kong maging nurse para magamot si mommy. Di na nagpaopera si mommy bago pa man namin maubos ang mga naipundar ni daddy, di kami pumayag pero sabi ng doctor wala na daw magagawa kung ang mismong payente ayaw maki cooperate. And before mom died nagbilin pa siya sa amin ni ate. Matagal bago kami nakamove on ni ate until we've decided to go back here sa isa pa naming bahay, 2 storey, studio type na bahay. Dito nakatira si ate since college days niya and now kasama na niya ko.

Iniwan namin ang mansyon, minsan bumibisita kami para linisin to or kapag magbabakasyon. Di naman to kalayuan kaya di naman namin napapabayaan.

Sa tagal na rin ng pagttrabaho ni ate nakapag pundar na rin siya tas ginamit na rin namin ang half ng savings nila daddy para makagumpisa.

Tumayo ako para bumalik ang luha sa mata ko. Nakabaligtad kasi ako ng pwesto kanina.

Umakyat na ko sa kwarto para maglinis. Wala naman akong aaralin dahil wala pa ko sa wisyo mag aral. Medyo di pa ako nakakamove on sa nangyari sa first kiss ko. Kinuha ko ang isang kahon ng manga na hineram ko sa pinsan ko.

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon