Chapter 43

48 8 29
                                    

"I DON'T want to marry an abuser," she whispered.

"Abuser?" Halos magsalubong na ang kilay ko.

Napahinto siya nang biglaan. Dexter is an abuser? He abuses Tiffany?! Sino ba siya sa akala niya? Na por que makapangyarihan ang pamilya nila ay may karapatan na rin siyang abusuhin si Tiffany?!

"Tiffany," I called her in serious tone. "Inaabuso ka ni Dexter?"

She blinked twice. "Roj, I said I don't want to marry an arrogant. 'Di ba 'yon ang sabi mo sa kaniya dati? Na isa siyang aroganteng tao?"

Napakunot ako ng noo. Mali ba ang dinig ko? Akala ko abuser. Mabuti na lang at mali ang narinig ko talaga kundi baka konprontahin ko ngayon na mismo si Dexter at ipakulong sa ginawa niya.

"Anyway, how's your life with him?" I asked and picked a donut from her.

"Simula noong nasa States kami ay lagi siyang nasa tabi ko. Nakabuntot lagi kahit saan kami magpunta. Nang maka-graduate kami ay napag-desisyunan ng parents ko at ni Dexter na manirahan sa iisang tirahan. Wala akong nagawa kundi sundin sila as long as hindi nila papakialaman ang ginagawa ko," kwento niya.

Hanggang ngayon pa rin ay ang mga magulang pa rin ang nagde-desisiyon para sa kaniya. Nakikita ko naman kay Tiffany ngayon na sinusubukan niya nang tumayo sa mga paa niya pero may kadena pa rin siya sa kaniyang leeg. Dahil sa business ay nagkakaganito siya.

"I saw...the photo in the gift you gave for my birthday," I said and half-smiled. "You were there in the crowd."

She stopped from eating and looked at me with her widened eyes, shocked. "Y-Yeah. I was. Tumakas lang ako niyon no'ng busy si Dexter sa ginagawa niya. No'ng umuwi ako ay..."

"Ay...?"

She went silent, staring into space. She blinked many times while her mouth opened. I tilted my head, what happened when she arrived home?

"...nothing. He still busy on his work," she continued. Nakatulala pa rin siya sa hangin at tila may naalala siyang isang bagay.

I'm still doubting. May something talaga pero ayaw kong pangunahan. Siguro 'yong narinig ko sa party club ay sila rin pero natural kasi sa magkarelasyon ang magkalabuan. Pwede ring ibang tao 'yon na halos magkapareho lang ang boses ng pananalita nila.

I'm watching her munching the donuts I had brought for her. Hindi ko na napigilang mapangiti nang maalala ko ang mga panahon na may kami pa at kumakain kami nang sabay. Lagi ko siyang pinapanood na kumain at maiinis siya dahil pinapanood ko siya.

"I'm done." Napabalik ako sa realidad nang magsalita siya. She drank her soda and empty it. She exhaled and leaned her back on her chair. "Busog sa pa-donut. Salamat."

"Wala 'yon. Ah..." I have nothing to say next. I looked at my wrist watch. "Oh. I need to go na pala." I returned my gaze on her. "May gagawin ka pa siguro kaya hindi na ako magtatagal."

She pursed her lips and nodded. We both stood and I extended my hand to her. She accepted my hand and when I released her hand, I got something on my hand. Tiningnan ko ito at isang pilas ng papel 'yon na nakatupo. Binuksan ko 'yon at nakitang may numero ng telepono roon.

"It's my new number," she said.

Inangatan ko siya ng tingin at tumango. Tumungo na ako sa pinto at diretsong lumabas. Binilisan ko lang ang lakad ko palabas ng ospital at papunta sa kotse ko. Sumakay na ako at agad itong pinaandar.

Our conversation is still on my head. Parang naka-record sa utak ko ang naging pag-uusap namin. Nang mapatingin ako sa rear mirror ay nakita kong nakangiti ako. Hindi pa ito naaalis mula kanina. Nang ilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko, naramdaman kong mabilis ang pagtibok nito.

Listen To His Tears (Seven Blues Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon