Chapter 25

53 7 25
                                    

"ALIS na kami, Shane. Gabi na rin, eh," paalam ko.

Kinuha ko na ang bag ko sa sofa at tumayo na. Nasa bahay kami ni Shane para gumawa ng project. Kasama si Dexter sa amin dahil nagpumilit siya na sumama sa akin dito.

"Oh, sige," payag ni Shane at tumayo na rin. "Mag-iingat kayo, ah. Dexter, ingatan mo 'to," bilin ni Shane.

"Don't worry. Kahit hindi mo sabihin, iniingatan ko siya," tugon naman ni Dexter saka lumingon sa akin.

Nag-iwas naman ako ng tingin. Mas kikiligin pa ako kung si Roj ang nagsabi niyon.

Hinatid kami ni Shane palabas ng bahay nila. Medyo may kalayuan ang condo na tinitirhan ko sa bahay ni Shane. Si Dexter, siya ang malayo pa ang uuwian.

"Diretso ka na ba sa condo mo?" nag-aalala niyang tanong.

"Yeah. Ikaw? Malayo pa ang bahay mo. 'Wag mo na ako ihatid pauwi."

Lumiko kami sa kanto at doon na napahinto. Hinarap namin ang isa't isa. 'Yong daan kasing tatahakin ko, pauwi na sa condo ko. Si Dexter, iba pa ang daan niyan pauwi.

"Salamat sa pagsama sa akin," sambit ko saka ngumiti.

Ngumiti rin siya at pinisil ang ilong ko. "Kumain ka pagkauwi mo, ah. Mag-chat ka sa akin," bilin niya.

Tumango ako. "Bukas na lang sa school. Bye. Mag-iingat ka," bilin ko rin sa kaniya at tumalikod na.

Naglakad ako ng ilang metro at huminto para mag-abang ng jeep ng dadaan sa condo. Ngunit, ilang minuto na ako naghihintay ay wala talagang jeep na dumadaan pauwi sa amin.

"Peste naman!"

Agad kong kinalkal ang gamit ko nang umabon na. Bigla na lang lumakas ang ulan kaya buti nakapayong na ako. Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng hoodie ni Roj. Hanggang ngayon ay hindi ko pa 'to nasasauli. Lalabhan ko agad 'to pag-uwi para maibalik ko na sa kaniya.

No choice ako kundi maglakad na muna pauwi sa condo dahil wala talagang transport na dumadaan! Lesson learned: 'Wag uuwi nang gabi.

Hindi naman masama ang loob ko dahil umulan. Parang ang saya ngang pagmasdan ang ulan kapag nakatapat sa ilaw, eh! Sayang, hindi ko dala ang camera ko. Kuhanan ko sana ng litrato ang ulan.

Hindi pa ako nakakauwi ng condo simula kagabi. Sa bahay namin kasi ako natulog dahil may kalayuan ang condo sa bahay namin. Nagkaroon ng family dinner kasama si Dexter. Pinag-usapan nila ang status namin ni Dexter—na hanggang ngayon ay courting pa rin—ay binigay ni Papa ang kamay ko kay Dexter. It means, may permiso na si Dexter para ligawan ako.

Okay lang naman si Dexter. Maalaga siya at malalahanin. Masaya rin kasama at may mga hilig siya na hilig ko din. Nakapalagayan ko na siya ng loob at nasubukan ko na ang kaniyang pagtitiwala. Noon, wala akong balak na sagutin siya. Pero ngayon, medyo alanganin na.

I like Dexter. Yes. I like him.

But, I love Roj.

Hindi na kami nagkapag-usap simula noong nilayasan niya kami noong pumunta sila nina Mordie at Larry sa school namin para kunin ang mga picture sa akin.

Sabi niya, everything's alright. Pero bakit hindi niya pinapansin 'yong mga chat ko? Ano 'yon? Ghosting? 'Wag naman gano'n, Roj.

Balak ko ngang puntahan siya sa kanila para maka-usap. Kumustahin ko lang. Kaso baka ang mood ay gano'n pa rin kagaya noong nilayasan niya kami.

Napatingin ako sa kamay ko nang mag-vibrate ang phone ko. Ch-in-eck ko 'yong nag-message sa akin through Messenger. Si Richi 'yon.

Richi:
-Magkasama na kayo ni Roj?

Listen To His Tears (Seven Blues Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon